Chapter Nineteen: Ashfords' Ladies (1)

2.1K 47 10
                                    

Jean Lorianne's POV

"I'll be staying at my old home na lang," request ko kay Apollo. Nandito kami ngayon sa sofa bed dito sa garden nila, sa wakas at yakap yakap ko na ulit siya. Nakahiga ako ngayon sa matipuno niyang dibdib habang nakayakap sa tummy niya. (:

"Bakit naman?" bigla akong napangiti sa tanong niya. Alam ko kasi ang ibig sabihin kapag ganyang ang tanong niya sa seryosong tono. "You can stay here. Dito ka na lang, hindi mo naman kailangan pang lumayo," he said with finality to his voice.

Inangat ko ang ulo ko para makaharap siya. I am right, kunot na kunot na naman ang noo niya. Nginitian ko siya at bahagyang umiling. Hinila ko ang batok niya and I gave him a quick peck on the lips. "Apollo, I can't. Alam kong matutuwa si Tita Vhanessa sa idea na dito na ulit ako pero hindi naman pwede. I have my own house that is abandoned for a couple of months. I kinda miss that place kahit na mag-isa lang ako doon. Sorry, please let me."

Matagal niya din akong tinitigan ng seryosong blankong tingin at napabuntong hininga na lang siya. "If that's what you want. Doon ka na ulit, I'll just come by after work," he surrenders and kisses me on the forehead.

Napangiti na naman ako, bakit ko nga ba pinagsawaan ang ganito? Una kasi sa lahat, oo, ako nga ang nakipaghiwalay sa kanya. I'm his childhood sweetheart and bestfriend, paano ba naman kasi, noon pa lang, ako na ang nag-iisang babaeng tumagal sa kanya. Being a cassanova, hindi lang ako ang nag-iisang babae niya. 

I didn't cared. But I guess, talagang kusa ka na lang mapapagod. One day, nagising na lang ako na hindi ko na kinayang lagi na lang akong ganun. Ako na lagi na lang nagtitiis. I broke up with him and regretted it after. Oo, naging isa nga ako sa mga successful na artista pero siya pa rin ang nag-iisang kulang.

I lost track of time that passed but I still kept on missing him. Wala man kasi kaming communication sa isa't-isa, nakakausap ko pa rin si Tita Vhanessa. Lagi ko silang kinakamusta, lalo na siya. Parang baliw lang ano?

Mahal ko pa rin naman siya, hindi ko nga lang kinaya na lagi na lang kaming away bati, kung baga, saan pa pupunta yung relasyon namin, diba?

"Anong iniisip mo?" bulong niya habang hinihimas ang buhok ko.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. "Iniisip ko kung bakit ba kita hiniwalayan. At bakit ka din pumayag, ni hindi ka nga tumutol. Naging ayos lang sayo kahit magihiwalay tayo. Hindi mo na ba ako mahal noon?"

Parang maiiyak yata ako pero pinipigilan ko. Bakit ko ba gustong malaman pa yung totoo? Ngayon ko lang naramdam ulit 'to, yung masakit na pakiramdam sa dibdib ko. Parang hindi ko yata kayang harapin ang sagot ni Apollo lalo kapag ang sagot niya ay hindi na niya ako mahal noon.

I felt that warm hands of his that caresses my arm. "Jean Lorianne, kahit na ano pang gawin ko, kahit na siguro ikulong pa kita... I don't have the right but to just let you go. Anong karapatan ko sa babaeng mahal ko pero nagagawa ko pa ding lokohin? Gago na kung gago pero kahit na mahal na mahal pa rin kita... I believed that someone is better for you."

Tuluyan na akong napaluha, tagos na tagos sa dibdib ko ang mga sinasabi niya. "Umamin ka, ilan ba ang nakasama mo habang wala ako?" hindi ko alam pero kusa ko na lang naitanong.

Umayos muna kami ng posisyon, yung magkahiwala muna kami, he intendedly stare at me for a long time then sighed. "I was with 20 different ladies after you left."

"20 !?"  napahawak ako sa noo ko. Ewan ko ba... sumasakit yata ang ulo ko! Dapat yata hindi ko na lang tinanong e! "Nakakainis ka naman, Apollo! Dapat pala talaga itali na kita! Tama na, hindi ka na cassanova mula ngayon. You're exclusively mine and that means... SA'KIN KA LANG. Dapat din bantayan na kita. Sa twenty na babaeng yun, kapag may nakilala ako sa kanila, ipapa-salvage ko sila!"

Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon