CHAPTER 25

1.8K 65 0
                                    

Nagising nalang ako ng makaramdam ako ng kagat ng langgam sa paa ko.

"Ano ito?"

Laking gulat ko na nasa labas ako ng school. Nasa tapat ako ngayon ng gate ng school.

"Papaano ako na punta dito? Sino ang nag-dala sa akin dito?"

Hindi ko maintindihan ang nangyari sa akin ngayon dito. Kanina lang naman kausap ko si Zal tapos... "Yung bulaklak?"

Hindi kaya yung bulaklak yung dahilan kung bakit ako naka tulog at napunta nalang dito? Si Zal ba ang nag-dala sa akin dito?

May napansin ako sa itaas ng school. May nakita akong taong naka suot na kulay itim na damit at pulang maskara. Bigla akong kinalibutan ng tignan niya ako.

"Sino siya?"

May kinuha siya sa likod niya.

"Scythe?"

Laking gulat ko na may nilabas siyang malaking karet na may tumutulo pang dugo. Ano ito? Sino siya? Bakit ganyan ang itsura niya? Siya na ba si kamatayan? At anong ginagawa ko dito sa labas? Paano ako napunta dito? Naguguluhan ako!

"Alam mo ba ang parusa mo kapag lumabas ka?"

"Anong parusa?"

"They will..."

Ito ba ang ibig sabihin ni Crade? Kung hindi lang dumating noon si Em siguro naituloy ng sabihin sa akin iyon ni Crade. Hindi kaya ang ibig sabihin ni Crade ay ang parusa kapag lumabas ka ng school ay mapapatay ka ng isang taong iyon na may suot ng maskara? Hindi ako nagkakamali. Ito ang gustong iparating sa akin nina kuya kaya bawal ang lumabas ng school. Ngayon alam ko na ang dahilan.

Yumuko siya at may bumulong sa akin na lalaki.

"I'll give you 5 seconds to run, one", 5 seconds?

"Two"

"Three"

"Four"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako. Tatakbo ba ako o tutunganga lang dito? "Five", tumawa siya na parang demonyo. Ano na Claire! Mag-isip ka!

Bigla ko nalang na isipan na tumakbo ng mawala siya sa itaas. "Saan siya nag-punta?"

"Times up!", huminto ako sa pagtakbo ng maka ramdam ako na may tao sa likod ko.

Laking gulat ko na makita ko siya malapit sa gate ng school. Tumakbo ako ng mabilis. Naririnig ko parin ang mga tawa niya. Shit ano ng gagawin ko? Naguguluhan ako.

Hindi ko alam kung saan na ako napunta. Basta isa lang ang alam ko, nandito ako ngayon sa gubat. May nagsisiliparan pang mga uwak at paniki. May naririnig pa akong kakaibang tunog ng mga hayop. Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo ko. Hindi ko napansin na may kahoy sa ibaba kaya napatid ako. Napasubsob ako sa sahig. Hindi ko magawang tumayo dahil sa sobrang sakit ng paa ko. Pakiramdam ko hindi na ako makakatakbo pa dahil dito.

Binuksan ko ang aking mata at..

"Yung puno"

Nakakita ako ng malaking puno at parang pamilyar ito sa akin. Pinagmasdan ko yung puno. Natuwa ako dahil nakita ko yung kulay pula na libro. Pinilit kong bumangon at lumapit sa puno. Sinubukan kong tanggalin yung mga naka harang na tangkay pero hindi ko magawa. Ang sakit na ng kamay ko. Hindi pa ba ito maaalis? Bwiset kung kailan nagmamadali na ako. Talaga naman oh!

Sinubukan ko ulit na tanggalin ang mga tangkay.

"Please lang! Kailangan ko ang libro bago pa dumating yung naka maskara!"

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon