AGKB 40:Letter 'S'

3.4K 107 1
                                    

Francheska's

Pagkababang pagkababa ko pa lang sa kotse nakita kona agad yung mga fangirls ni Mokong na nagbabantay sa gate. Ang effort nga nila eh kasi may hawak pa silang banner for me. Alam niyo ba yung nakasulat?

Pag nakita ka namin Francheska Contreras. Makakalbo ka namin. How Great? Ayos diba? Tch.

Bwisit na mokong 'to! Ipapahamak pa ako. Lumapit ako sa parking lot and nagbabakasakaling walang fangirls ni Mokong dun but nagkakamali ako. Meron din kaso walang banner. Pero marami sila dun huhuhu T^T

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Ay! Kabayo!" gulat na sigaw ko kaya nagtago agad ako kasi baka narinig ako ng mga fangirls ni Mokong

"Gwapo ko namang kabayo tsk!"

"Ang yabang mo talaga Ice! By the way. Pwede bang patulong?" tanong ko pero nginitian niya lang ako tapos pumasok sa loob ng parking lot! Hala? Iniwan ako dito! Tsk

"Bahala na nga!" 

Papasok na sana ako sa loob kaso biglang may humawak sa braso ko "Aray! Sino ba kayo? Bitawan niyo nga ako" sigaw ko

Tinakpan naman nila yung bibig ko ng panyo and then may naamoy ako na something na hindi ko ma explain. "Hoy! Saan niyo siya dadalhin?" rinig kong sigaw ni Ice and everything went black

Mokong ? Nasaan ka ?

Marcky's

Hindi kami pumasok ni A.j kasi kanina niya pa ako kinukulit na puntahan si Jonas. Out of coverage kasi yung phone niya kaya no choice ako kundi puntahan yung bahay niya

"Sino po sila ?" tanong ng batang nag bukas ng pinto

"I'm M--"

"A.j  and Marcky! Kaibigan ni Jonas" Bwishet 'tong si A.j pinutol pa yung sasabihin ko. Hindi halatang excited Tsk.

"M-marcky po?" tanong nung bata kaya tumango kami. Halata naman sa mukha niya yung pagkagulat and pagkatakot pero nawala yun nung may nagsalita galing sa likod niya, nanay ata nila yun

"Bunsoy? Sino yan?"

"Marcky po and A.j, kaibigan po ni Jonas" sabi ko

"Pasok" cold na sabi nung nanay ni Jonas

Pagpasok namin. Nakita ko kung gaano kahirap si Jonas. Ang liit lang nitong bahay nila tapos puro kahoy pa. Pero may gamit naman silal siguro dito binigay ni jonas yung sweldo niya,

 "Upo kayo" rinig kong sabi nung babaeng nasa harap namin, ate ata ni Jonas yun

"Thank you po" magalang na sabi ni A.j

"Pagpasensyahan niyo na 'tong bahay namin ha? Maliit lang eh. Ako nga pala ang tatay ni Jonas. Mang Arthur na lang" sabi ni Mang Arthur

"Maraming salamat sa pagtulong samin" dagdag pa ni Mang Arthur pero bakit ganun? Parang ramdam ko may galit sila sa amin? Tsk. 

"Walang ano man po. Pinaghihirapan naman po iyon ni Jonas eg"  sabi ko, bigla namang tumayo yung nanay ni Jonas  

"YUN NA NGA EH! SA SOBRANG PAGHIHIRAP NIYA, ALAM NIYO BA NANGYARI SA KANYA?" sigaw nung nanay niya kaya medyo nagulat kami

"Emely! Michelle! Ilabas mo nga yang nanay mo!" sabi ni Mang Arthur, kaya nilabas na ni Michelle daw yung nanay niya 

"Pag pasensyahan niyo na yung asawa ko. Hindi niya kasi tanggap yung pagka wala ni Jonas eh"

"Pagkawala? What do you mean po?" tanong ko

 "Mga Ijo. Patay na si Jonas" hindi ko alam kung bakit nagsitaasan yung mga balahibo ko sa sinabi n Mang Arthur. Pati si A.j napaatras

Ang Girlfriend kong BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon