Crush (part II b)

325 5 1
                                    

Sa tuwing papasok ako sa kwartong punong-puno ng tao
Ikaw palagi ang una kong hinahanap
Nasasabik, naninikip ang puso kong naaatat masilayan ang napakaganda mong mga ngiti
Naiipit sa pagitan ng mga salitang mahal kita at mahal na kita.

Magsusulat akong muli patungkol sayo
Sa loob ng apat na linggo, nabihag mo ang puso kong tuliro
Kaya naman sa mga kaibigan ko
Agad akong humingi ng payo

Para sa damdamin kong patungkol sayo
Sa pagkakataong ito
Lalakasan ko na ang loob ko
Bahala na kung ako'y mabibigo

Ang mahalaga ay nasabi ko sayo ang nilalaman ng puso kong ito
Paru-paro sa'king tiyan ay nagliliparan
Sa tuwing naririnig ang pangalan mong musika sa'king pandinig
Malalakas na kabog sa'king dibdib, di ko mapigil pigil.

Ako'y nasasabik sa tuwing ika'y dumarating.
Di maitago ang mga ngiti kong abot hanggang tainga
Sa tuwing ika'y dumaraan ako'y napapanganga
Bumubulong kay tadhana na sana'y ikaw na nga.

Ang mala Rollercoaster Ride na TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon