Kabanata 10: Guardian Devil

38.5K 1.3K 123
                                    

|| Dessy Leondale's Point of View ||

Kasalukuyan akong nakaupo sa table na inupuan ko kahapon. Nandito na naman ako sa mansyon ni Duri. Parehas silang nakaupo sa aking unahan. Hawak hawak ni Cal ang sketch pad at pinagmamasdan itong mabuti.


"Sigurado ka bang s'ya ito?" Kalmadong tanong ni Cal.

Tinignan ko s'ya pero nakita kong mabilis n'yang ibinaling sa papel ang tingin.

"Oo." Sagot ko kay Cal. Hindi ko na kailangan mag-explain dahil wala akong intensyon na lokohin sila.

Gusto ko rin na mapadali ang lahat ng ito.

Tumingin naman si Cal kay Duri. "I don't know if I already saw this kind of face, pero parang pamilyar ang pilat n'ya sa mukha." Dinig kong sabi ni Cal kay Duri.

"Kung ganon, may idea na tayo kung nasaan ang pera. I knew it! Nung una palang alam kong planado na ang lahat." umiiling-iling niyang saad. "Bakit nga ba hindi ko agad naisip 'yon." Natatawang sabi n'ya kay Cal.

Tumikhim ako at nabaling ang atensyon nilang dalawa sakin.

"Kung kilala n'yo na kung sino ang may salarin, siguro naman mapapadali na ang pakikipagtulungan ko sa inyo at maaari na akong makaalis dito." pangunguna ko sa dalawa.

Tumawa naman si Duri ng pagak at inilapag ang sketch pad sa lamesa.

"Pinapatawa mo ba 'ko?" anas niya na kinunutan ko naman ng tingin. "You think it is very easy to solve this problem? Bukod do'n, akala ko ba napag-usapan na natin ito? Live or die?"

"Sinabi kong dito ako titira pero hindi ako magtatagal." sagot ko sa kan'ya.

Hindi ko talaga kayang tumagal sa bahay n'ya. Lalo na ang matulog kasama ang masamang tao kagaya niya. Walang oras na hindi niya nabanggit ang tungkol sa kamatayan ko at hindi na iyon nakakatuwa!

Inis akong tumayo, "Uuwi na 'ko!"

"Dessy!" napatigil ako sa paglalakad nang bigla kong marinig ang boses ni Cal. Tinawag niya ang pangalan ko?

Nanatili ako sa kinatatayuan. Nakakuyom ang dalawang kamao at hinihintay ang kan'yang sasabihin.

"It is better if you'll stay here. Kung inaakala mong delikado kaming tao, mas delikado ang mga taong nasa labas." narinig ko ang yabag ng kan'yang paa patungo sakin. Nasa harapan ko na ito ngayon ag seryosong nakatingin sa'kin. "Please, just stay here."

Mariin akong pumikit at bumuntong-hininga. Hindi ko alam pero parang bibigay ako sa kan'ya maya-maya lang.

"Bigyan n'yo ako ng valid explanation kung bakit kailangan ko talagang tumira rito kasama 'yan!" tinuto ko si Duri. Nginisian lamang niya ako. "Huwag iyong puro pananakot ang irason n'yo dahil hindi talaga ako papayag na tumigil dito."

Umayos ng tay si Cal. "You need to stay here because they already know that you're involve with this."

"At maaari ka nilang gamitin para maunahan kami sa pera. Mas masama pa silang tao kesa sakin." dugtong naman ni Duri. "Tsaka mga pangit sila. Hindi mo kakayanin ang pagmumukha ng mga unggoy na 'yon."

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon