ANDREA'S POV
Nandito na kami sa sinasabi nilang hideout. Isang abandonadong gusali na may sira-sira na ang ceiling at pader. Tanging itong silid na malawak nalang ang maayos. Siguro pinaayos nila ito. Pinaghandaan talaga nila ha.
Tinalian ang kamay naming tatlo. Naiinis na rin ako sa lalaking to na tulak ng tulak sa akin eh marunong naman akong maglakad. Ugh! Naku-naku..may period pa naman ako bangasan ko to ngayon eh.
"Don't push her!" Sabi ni John. Eh sino pa ba? Dapat ako ang mag-react hindi siya. Grabe naman kung makapag-alala to sa akin. Sabagay, I'm his fiancee.
Pinaupo si John sa isang silya at don siya tinalian. Nasa gitna siya ng silid na ito at nasa tabi lang kami. Nakatayo habang tinatalian kami sa poste. Nakapalibot ang tali sa may tiyan namin.
Huhuhu...tulongan niyo kami.
"Release her! Ako naman kailangan niyo diba? Fuck! I said release her!" Sabi ni John. Nakatutok ako aa kaniya ngayon, nanlambot ang tuhod ko habang nagtagpo ang mga titig namin. Ang mata niya, p-puno ng pag-alala.
"Hindi namin siya pakakawalan. Isusunod din namin siya sayo para di ka mahirapan talaga. Okay ba iyon, mahal na kataas-taasang Prinsipe?" Sabi ng kanang kamay ng mga tauhan ng ikaapat na palasyo. Siya siguro ang Head butler.
"Zen? Ano na gagawin natin dito?" Bulong ko kay Zen.
" I don't know" he whispered back.
"Kailangan may gawin tayo dito" sabi ko
"Wala tayong magagawa dito, Andrea." Sabi niya.
Haays..paano na? Paano na ito? Natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Bigla lang kumirot ang puso ko na di malamang dahilan.
"Well, well, well. No one gonna save you prince John. At last! Manfyayari na ang gusto naming mangyari. To kill you and to kill you all over again. How doest it sound? BWAHAHA." Sabi ng reyna kasama ang kaniyang anak na si Princess Briohney. Ni hindi nga makatingin ng diretso dito eh. Bakit? Nakokonsensya na siya? Naku! Maganda nga gahaman naman.
"Ano ang gusto mo Prince John, mabilisang pagpatay sayo or dahan-dahan? The choice is yours" dagdag na sabi ng reyna.
Grabe ang daming dialogue ah! Dami niyang satsat. Nakakainis na siya..sobra!
"Tss" pag tss-ed niya. Grabe tss lang ang binigay niyang sagot. Ibang klase ka talaga, Prince John.
"O gusto mo iyang fiancee mo ang pahirapan namin sa mismong harapan mo!" Pasigaw niyang sabi.
"Kung napipikon ka na huwag mo kong idamay. Punyemas ka.!" Galit kong sabi.
Kahit pa reyna siya, mataas parin ako sa kanya dahil PANGALAWANG PRINSESA AKO.
"How dare you to shout at me.?! Wala kang galang!" Sigaw niya sa aking pagmumukha. Napapikit tuloy ako sa takot. Huhuhu.
"Hehe. Sorry" sabi ko
Inirapan lang ako ng reyna at bumalik ulit kay John.
"Alam mo ba na ang saya namin dahil sa wakas, magiging mataas na kami. Your palace ruled the entire kingdoms for many consecutive years, at kami naman ay ganon din, laging nasa baba. At ngayon ay matutupad na ang kagustuhan namin, ang mapabagsak kayo.!" Inis niyang sabi kay John at iyong isa naman parang walang narinig.
"Salamat din sa tulong isang kaibigan." Dagdag na sabi ng Reyna at napa-angat na siya ng tingin.
"Bakit John?. Nakuha ko ba ang atensyon mo?" Tanong ng reyna na may mapanglolokong ngiti
BINABASA MO ANG
The Nerd Boy Becomes the Princess's Boyfriend✔
Teen FictionThis story is about a boy who become a princess boyfriend. The boy just a simple guy and very intellegent. It is not what you think that he is a nerd , wearing thick eyeglasses, braces or having a thick eyebrow. He is a simple guy yet handsome and h...