Sino nga ba ako para putulin ang buhay ng isang kawawang nilalang na nasa tiyan ko? Kahit hindi ko ginusto eto, dapat ko parin panindigan. :(((( yan lang naman ang nasa isip ko sa mga panahon na yun.
Tawagin nyo nalang ako sa pangalang SANDRA. Boyfriend ko naman ay si CARLOS, 18 edad nya.
Ang oras ay parang ilaw na lumiliwanag sa tuwing kasama ko siya. Mga tawanan, iyak at problema ay parang hangin lang, hindi sa mga panahon na yun.
Sa isang pagtitipon/eleksyon nagsimula ang lahat, hindi ko akalain na makikilala ko siya ng ganun ka'simple. Pangit ako, siya'y pogi at halatang halata na habulin ng mga babae. Kaya't para sakin hindi ako interesado na makilala siya ng lubusan. Pero hindi yan ang nangyari, akala ko baliwala lang ako sa kanya, akala ko wala lang. pero isang araw, may nag text sakin, at sya yun.
CARLOS : Hi <3
SANDRA : HELLO? Sino to?
CARLOS : Ako nga pala si carlos, wearing white kanina.
SANDRA : OK, kanino mo nakuha digit ko?
CARLOS : sa bestfriend ko na kaibigan mo.
SANDRA : okaay ! what man?
CARLOS : wala lang? pde kang maging kaibigan?
SANDRA : Ok po.
CARLOS : Thankyou <3
Dun na nga nagsimula yung pag'te'text namin. Akala ko baliwala lang talaga ang lahat kaya't go with the flow lang ako. Sa mga panahon na yun, may manliligaw ako na kasama rin namin sa pagtitipon ang pangalan niya'y JUSTINE. Talented yung manliligaw ko, sabi nya nga tuturuan nya akong mag'gitara. Naging close kami agad kasi nga pinsan niya yung ex-boyfriend ko. Inihahatid niya ako sa amin, minsan nga kinukuha niya ako sa balay sa tuwing may pagtitipon. Marami siyang naikwento sakin tungkol sa pinsan nyang ex ko. Mahal na mahal raw ako ng pinsan nya at etc. -____- wala lang yun para sakin, kasama ko nga si JUSTINE pero si CARLOS naman ang umaagaw sa pansin ko. sa totoo pa'nga may stolen shot ako sa kanya :3 wooooooh ! nakakalito noh?
May pagtitipon ulit, at kasama ko na'naman sila sa bahay ng tumatakbong kaibigan namin. :) Kainan na, sabay bigay ng pinggan at kutsara sa akin ni JUSTINE.
JUSTINE : eto pinggan mo oh, ali ka't sumunod kana sa'kin at tayo'y kakain na. ( sabay hawak sa kamay ko )
FRIENDS : eeeeeit, ang sweet nitong dalawa, sana ako rin.
JUSTINE : OH, eto, pinggan :D
Hiyang'hiya ako nun, kase nga hindi pa kami ni JUSTINE pero ang trato niya sakin ay napaka'special -__- sabi ko nalang sa sarili ko ( OMG, sana matapos na eto :3 ) Uwian na, hawak hawak ni JUSTINE yung kamay ko, pilit ko naman binibitawan mga kamay niya. kase nga AWKWARD. Di pa naman kami ee, ba't hinahawakan niya yung kamay ko? :D
AKO : Haaaaaaays ! Lord salamat sa araw nato, tapos narin :)) ( sabay tingin sa phone at binasa yung message )
1 MESSAGE RECEIVED ( CARLOS )
CARLOS : Hi :(
AKO : oyy? HELLO. ba't sad smiley? nu nanyare?
CARLOS : wala eto, nakita ko kase yung gusto kong babae na hinahawakan ng ibang lalaki ang kamay niya.
AKO : oh really? how sad nga. :( ok kana?
CARLOS : pano ba?
AKO : anong "pano ba?"
CARLOS : may itatanong sana ako sayo. kung OK lang?
AKO : ok ba, nu yun?
CARLOS : BOYFRIEND mo si JUSTINE?