Paano ko sasabihin?

9 0 0
                                    

Mga salitang di kayang sambitin
Nilalaman ng puso't damdamin
Lihim na pag-ibig na hindi maamin
Pilit mang gustong sabihin
Ngunit parang hanging hindi napapansin

Bugso ng pag-ibig nais ipabatid
Tunay na pagmamahal na nais ihatid
Sigaw ng pagmamahal nais lamang madinig
Ngunit bakit puso ay laging nakapinid
Tila ba walang pakiramdam at manhid

Puso ay pilit nagwawala
Pag-ibig na nais makita
Ilang beses ng ipinadama
Sana nama'y wag mabalewala
Nais lang naman ay bigyan ng halaga

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paano ko sasabihin?Where stories live. Discover now