•Narrative•Dahil sa sobrang kaba ay napainom ako bigla sa hawak kong inumin. Bumara pa ang sago sa aking lalamunan dahil sa sinabi ni Larrent.
"Kiyarah, sa ibang school na ako mag-aaral sa Senior High. "Nang mahimasmasan ako ay tinanong ko siya. "Iiwan mo na ako? "
Mas nalungkot ako noong tumungo na lang siya at hindi sumagot. Lahat ng pag-asa na natira sa katawan ko, biglang nawala.
Kahit mabulunan ay wala akong pakialam, inubos ko ang lahat ng pagkaing mayroon ako. Nakaka-frustrate naman kasi. Ipinangako na sa'kin dati ni Larrent na sabay kaming gagraduate ng High School sa iisang school. Pero... malabo na yatang mangyari 'yon.
Mangilid-ngilid na ang luha ko dahil sa halo-halong emosyon: lungkot, tampo at kaunting pagkagalit. Para hindi makita ni Larrent na papatulo na ang luha ko, inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalagay ng aking mga kalat sa bag ko. Wala din kasing basurahan sa paligid kaya doon ko muna ito ilalagay.
Nang matapos ako ay nagulat ako noong bigla akong inakbayan ni Larrent at kinausap. "Kiyarah, sorry talaga. Gustong-gusto kasi talaga ako pag-aralin ng mga magulang ko sa school na 'yon kasi pangarap nila iyon para sa'kin. Ayoko namang tanggihan ang gusto nina Mama at Papa dahil gusto kong maging masaya sila. Sana... maintindihan mo. "
Dahil sa mga salitang 'yon, biglang nawala ang galit at tampo na nararamdaman ko. Sa totoo lang, bigla itong napalitan ng saya. Natutuwa ako dahil lahat ay kayang gawin ng bestfriend kong si Larrent para sa mga magulang niya.
Nginitian ko siya at saka tinanong. "Basta, bestfriend pa rin kita ah? "
Sinuklian naman niya ang ngiting ibinigay ko sa kanya, pero halata sa kanyang mga mata na maging siya ay nalulungkot sa pangyayari. "Oo naman. B-bestfriend. " kumuha siya ng panyo at ipinunas sa pisngi at mga mata ko. "Huwag ka na umiyak. 'Wag ka na malungkot. "
Sobra talaga akong natouch sa ginawa niyang iyon. Hindi pa man siya tuluyang nawawalay sa'kin, alam na alam kong mamimiss ko siya.
Swerte talaga ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan tulad ni Larrent. Maalaga, mabait at maaalalahanin.
Ang swerte siguro ng magiging gf niya, 'no?
Sana lahat ng lalaki, tulad niya.
BINABASA MO ANG
High School Love Team | ✔️
Teen FictionPart I: Junior High School [COMPLETED] Part II: Senior High School [COMPLETED] Katulad ng isang rollercoaster, mayroong ups and downs, highs and lows, and extremes ang kwento nating dalawa. Kahit natatakot ako sa "Ride of Love" na ito, sasakay pa...