HSLT 39

79 1 0
                                    


•Narrative•

Ito na ang pinaka-inaasam-asam ko na araw as a Junior High School student. Masaya sa pakiramdam,  isang malaking ginhawa na ngayon ay Moving Up Ceremony na namin. Pero syempre, 'di ko pa rin maiwasang malungkot. Na-attach kaya ako ng sobra sa mga naging kaklase ko—lalong-lalo na sa bestfriend kong si Larrent.

Pagkatapos ng Ceremony ay nagpapicture muna ako sa lahat ng kakilala ko as remembrance. Pagkatapos nito ay agad na nilapitan ko si Larrent. Papalapit pa lang ako ay naka-spread na ang dalawang braso niya at ready to hug na.

Agad akong lumapit at kinulong niya ako sa kanyang bisig. "Larrent, iiwan mo na ko. "

"Drama naman nito. Huwag ka na malungkot, Kiyarah. Magkikita pa naman tayo, sinisiguro ko sa'yo 'yan. " sabi niya sa'kin habang pinapat ang ulo ko. "Congrats sa bestfriend ko. Proud ako sa'yo dahil honor ka. "

Humiwalay ako sa yakap at tiningnan siya. "Proud din ako sa'yo,  honor ka rin naman. Pero... mamimiss talaga kita e! "

"Paulit-ulit ka naman ng sinasabi. " aniya habang natatawa.

"Grabe ka. Bakit, 'di mo ba ko mamimiss? Ilang taon din ang pinagsamahan natin. Tapos ngayon, ilang daang kilometro na ang magiging pagitan natin sa isa't isa. Daya mo. "

Nilapitan niya ako at hinawakan ng kaliwang kamay niya ang aking kanang kamay. "Syempre... mamimiss kita. Hindi pa nga ako umaalis, namimiss na agad kita e. " kinamot niya ang batok niya gamit ang kanang kamay niya. "Parang 'di ko yata kaya na matagal kitang hindi makikita sa personal. Huwag na kaya ako tumuloy? "

"Loko! Tumuloy ka! " sabi ko at saka hinampas ang noo niya. Pagkatapos ay natawa na lang kami sa kalokohan naming dalawa.

Naputol ang tawanan namin nang tinawag na si Larrent ng Mama at Papa niya na kasama si Laurrence. Aalis na daw sila dahil maghahanda pa daw si Larrent para sa agaran niyang pag-alis bukas.

Hay.

"Chat na lang tayo or text-text, Kiyarah! See you again! " huli niyang sinabi sa'kin bago tuluyang umalis.

Tinagpo ko na rin sina Mama na matiyagang naghihintay sa'kin. Pagkalapit ko ay niyakap nila ko habang sinasabi kung gaano sila ka-proud sa'kin. Sabi pa nila, worth it daw ang pagpapaaral nila sa'kin dahil nakikita raw nila na nagpupursige daw talaga ko.

Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi nila. Ayon ang isa sa mga pinakamagandang mga salita na nasabi sa'kin sa tanang buhay ko.

Natapos ang super touching and memorable moment namin at lumabas na rin kami ng venue. Sa exit nito ay nakita ko si Tenecius.

Napahawak ako bigla sa cellphone ko. Magpapapicture din ba ko o hindi?

Ahm... Oo?

Naalala ko na naman 'yong pinag-inuman ko ng Choco Sago na nilibre niya sa'kin. Nalaman ko lang na nasa bag ko pa pala 'yon pagkauwi ko noong bahay no'ng isang araw. Hindi ko nga pala natapon dahil nag-usap din kami ni Larrent ng mga panahon na 'yon.

Ang baso na 'yon ay isang magandang remembrance—kaya hinugasan at itinago ko 'yon sa Memory Box ko. Wala lang. Feeling ko mahalaga sa'kin ang bagay na 'yon.

Hahakbang na sana ako palapit kay Tenecius para magpapicture. Kaso...

Tinamaan ako ng hiya?

Bigla akong nag-atras ng hakbang.

"Kiyarah, may problema ba? Ba't ka natigil diyan? " tanong ni Papa.

Umiling na lang ako at saka sila sinundan papauwi ng bahay.

'Wag na kasi magpapicture, Kiyarah.

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon