Doctor! Doctor! I am Sick !

692 14 13
                                    

Doctor! Doctor! I am Sick ! ( One Shot )

"Doctor! Doctor! I am Sick! "

~ S.G.J Wednesday VII

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Wala ka nang lagnat, makakalabas ka na mamaya." nakangiting say ni Doctor Laureen sakin matapos nyang matingnan ang temperature ko, nanlumo naman ako sa narinig ko, ako lang ata sa lahat ng pasyente rito sa hospital na gusto lageng magkasakit at ayaw pang lumabas.

"oh ba't parang mauutot ka dyan? dapat masaya ka kasi makakalabas ka na." napansin siguro ni Doktora ang pagkabusangot ng mukha ko, ee sa ayaw ko talagang lumabas ee.

"wala na po ba talaga akong sakit, baka naman po hindi nyo ko na check ng mabuti, baka may paparating po akong ubo, sipon o di kaya cancer! tuberculosis! ...... " at kung ano ano pang sakit ang sinabi ko para hindi lang ako mapalabas ng hospital kahit alam ko sa sarili kong malusog ako.

Natawa naman si Doctor Laureen sa tinuran ko “nakuuu , lagnat lang ang sakit mo, dapat nga magpasalamat ka yan lang ang sakit mo, tsaka ikaw ha, masyado mo na talagang kinareer yang kahibangan mo, ke simpli-simpling sakit eh nagpapahospital ka na agad.

 

Nag pout ako, naman ee, ayoko talaga, feel ko magkakasakit ako sa puso kapag lalabas ako ng hospital.

"alam mo, sa tingin ko hindi dapat lagnat ang pinagamot mo eh" nagliwanag naman bigla ang aking maniningning na mata sa sinabi ni Doktora, ibig sabihin may sakit ako, may ipapagamot pa ko, hindi pa ko makakalabas ng hospital!

"ano Doktora!?? sabihin mo daliii ng maipagamot ko" excited ko sabi, hala hala, sana mas malala ! XD

"yang kalandian mo! Ikaw’ng bata ka, dahil dyan sa buririt na pagnanasa mo sa kapatid ko kaya ka nagkakaganyan, makutusan kita dyan eh." natatawang sabi ni Doktora, kung di nyo naitatanong close kasi kami nyan ni Doktora , eh sa ilang beses na kasi akong nahospital oh mali pala nagpahospital, kahit hindi malala yung sakit ko nagpapahospital kasi ako agad at dahil lahat ng yun sa napakasuper duper ubod na handsome na hot na lab na lab ko na kapatid nya.......*___*  waaaaaaaaa maisip ko lang sya dumodugudugdog na ang puso ko, yieeee kinikilig ako.

"sabi ko na nga ba ee, malala na talaga yang kalandian mo, nasabi ko lang ang salitang "kapatid" para kanang bulati dyan !" matatawang wika parin ni Doktora.

"kamusta si Shanel?" bigla akong natigilan at naging pormal ng may isang napakaliwanag na nilalang ang pumasok saking silid.

*dugdug dugodugdog*

*dugdug dugodugdog*

Doctor! Doctor! I am Sick ! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon