september 4 2011.
yan ang pinakamasayang araw ko kasi sinagot ako nung gradeschool crush ko. actually graduating na ko nun. after kasi nung graduation namin nung elementary. halos 3 years kaming hindi nagkita or nagkamustahan. sa ibang high school kasi siya nagaral so ganon. hanggang one day nagbukas ako nang fb. nakita ko ang full name niya (nagfriend request siya sakin). pilit kong inaalala yung pangalan na ''hazel anne'' . hanggang nasabi ko nalang sa sarili ko na -shit ikaw nga. ikaw yung crush ko nung elementary. syempre nakalimutan ko na din kasi its been past 3 years na nga diba. so inaccept ko siya bago ako magtime sa computer shop. at nagiwan ako nang message sa kaniya. binigay ko number ko para magkatect naman kami minsan. ayun tinext niya ko nung kinagabihan. :')
nagkamustahan kami.. hanggang nasabi niya na malapit lang siya samin nagaaral kasi lumipat ulit siya. sayang nga graduate na ko nun eh. 4th year palang siya. ayun nagkaroon ako nang oppurtunity na makipagmeet ulit sa kanya. inamin din naman niya sakin na crush niya din ako nung grade 5 siya. pero syempre masyado pa kaming bata para sa mga ganung bagay..
siguro dahil na din sa puppy love nin nung elementary kami, nanligaw ako sa kanya. august yun. malapit na bday ko. kaya mejo masaya ako nung mga araw na yun. sinagot niya ko. <3 august 31 bday ko nun. sinagot niya ko nang sept.1 . pero dahil sa mga kalokohan ko ginawa naming september 4. (IKAW BA NAMAN MAGCELEBRATE NANG MONTHSARRY PAG NOVEMBER 1. ALL SOULS DAY) HAHA. ayun halos araw araw kami nagkikita. hinahatid ko siya from school. naging masaya kami.
1st monthsa namin. WALA KONG PERA. HAHA. pero alam niya naman yun kasi nagstop ako nang 1year. after ko gumraduate nang hs. tas wala pa kong work kasi under age ako. pera ko sa wallet 100 lang ata. eh gusto niya magdate kami. gumawa akong paraan para makapagdate kami. haha dinala ko siya sa ever gotesco then binilhan ko lang siya nang coke float from mcdo. di ko man siya nabusog nang pagkain, alam ko naman sa sarili ko na nabusog ko siya nang pagmamahal at alaga that day. worthful na samin yun..
2nd 3rd 4th 5th 6th 7th.
monthsary. ayun masaya halos walang problema. hanggang sa dumating yung araw na ggraduate na sila.
hanggang sa may nangyari samin at may nabuo. pero sa kasamang palad nalalag ito :'( saddest day ever ang araw na yun but no need to mention
Nagkaron kami nang isang matinding problema. lilipat siya ulit nang titirhan. sa makati ulit. eh taytay ako.. kaya alam kong mahihirapan kaming dalawa.
one day before siya lumuwas nagkita kami. iyak siya nang iyak. di dahil sinaktan ko siya or hiniwalayan. kundi dahil sa reminisce na pinagsasabi ko sa kaniya. kinuwento ko mga happy days namin. mga efforts ko. mga sweetness namin na sana madala niya hanggang sa paglipat niya. bago siya lumuwas sinuutan ko sia nang ring. Ang sabi ko sa kanya. -(WAG MO TANGGALIN YAN MMY HA? HANGGAT SUOT MO YAN HINDING HINDI AKO BIBITAW. MAGIGING MATATAG AKO LAHIT MEJO MALAYO KA).
hanggang sa hinatid ko na siya sa sakayan. parehas kaming maluha luha pero kailangan namin maging matatag kahit long distance relationship kami.
halos 1month na.. bigla kaming nanlamig sa isat isa. kung dati 500 ang conversation namin. naging100 nalang. khit alam kong may ngbbago hindi ako bumibitaw.
2nd month. halos wala na talaga mga messages. halos kung ano ano na kasing pumapasok sa isip ko but still nagtitiwala parin ako kasi alam ko naman na nagkaanak kmi pero nalaglag ito. yun nalang ang pinanghhawakan ko. T.T
hanggang sa bigla nalang siyang nakipaghiwalay at inaming may iba na siya. T.T napakasakit sakin kasi binigay ko sa kanya lahat. alam niya naman yun eh. na kahit ako yung tama hindi ako nagpupumilit. at kahit isang beses di ko siya nagawang lokohin or pagbuhatan nang kamay. :'( napakaloyal at honest ko.
ansakit. kasi yung nawala samin di niya inisip. :'( wala kong nagawa kundi umiyak, maginom.. malapit na pa naman birthday ko nun at 1st anniversary namin. kaya di ko makakalimutan ang pinaka worst day na yun. august 03 2012. :'(
to be continue...
June 7, 2022
Biglaang naalala.. biglaang naisipan. sobrang tagal na pala hindi ko na naisulat ang lahat. bukod pa man pipiliting babalikan. pipiliting alalahanin.
august 3,2012 sobrang sakit. hindi ko makakalimutan un. halos di ako makatulog o makakain. umiiyak ako kay mama nun. araw araw inom. ganun pala masaktan. akala ko ba mmy walang susuko? akala koba walang bibitaw? umaasa akong babalik ka mmy. aantayin kita
LUMIPAS ANG ILANG LINGGO, BUWAN.. medyo ok na ako. nakakangiti na.. move on kumbaga. nagtext sya.. KAMUSTA KANA? diko alam kung magrereply ako o hindi. pero dahil ayun nga.. mahal ko sy, nireplyan ko.. eto.. maayos na.. pero deep inside (masakit). nagkausap kame. umasang maayos pa. oo umasa ako. kasi mahal na mahal ko sya.
Nagkaayos, sabay tumawa, sabay sa problema, sabay sa hirap, sabay sa sarap. saya isipin. tinanggap ko ulit sya ng buo kasi lahat naman nagkakamali. kahit walang pera basta magkasama. kahit malayo nilalakad ko makita ko lang sya. halos daily routine kona tlaga.
akala ko ok na ang lahat.. hindi pala..
Nagkaroon nanaman ng mabigat na pagsubok. pero sa mga oras na to hindi ko na dapat pang ikwento..
WALONG TAON na ang nakalipas, may kanya kanya na kaming buhay at pamilya . maganda na din kalagayan nya.. ako tamang tambay padin.
Para sayo mmy, Masaya ako kung anong meron tayong dalawa. alam kong hindi natin magagawa yan kung tayo ang nagkatuluyan. maraming maraming salamat kasi alam mo sa totoo lang, naiisip padin kita pero in a very positive way. first love eh. dupungal. matagal na tayong hindi nagkita umaasa ako di man ngayon. balang araw magkakasalubong tayo sana wag mokong sungitan. kung ano man ang mga nangyare noon di ko parin kinakalimutan kasi syempre memories un.
may kanya kanyang buhay na.. may kanya kanyang pinagkakaabalahan na..
di man tayo napunta sa dulo
minahal kita ng totoo noon.
sana dumating ung panahon na makapag kamustahan tayo..
dito kona siguro tatapusin yung kwento ko. hindi man nagkaroo ng happy ending atlis happy padin naman.
Kung may time machine kaya? kung bbigyan tayong isang minuto.. babalikan mo den kaya ung mga oras na masaya tayo? kasi ako oo. isang minuto lang naman.
walang taon. isa paden akong walang kwenta.
Salamat wattpad.
JO1 Mirasol, Remel signing off