♥ lovely xxiv ♥

10.4K 93 0
                                    

"You guys talk," ani Jam like she's talking as a grown up kid. She's getting matured quickly. Sometimes I'm wondering kung may nakasapi bang kung ano sa anak ko. "I'm not saying na magbati po kayo agad-agad, it's your choice pa rin po. I'm just your daughter po but don't leave each other, face and solve your problems sabi nga po ni teacher, e. I love you mommy. I love you, daddy. I'll go to my room now."

Naiwan akong shookt sa mga binitiwang salita ng anak namin. I watch her steps. Hatak ang kanyang bag paakyat sa room niya like what she said earlier hanggang sa nakapasok na siya sa room niya. Grabe! Nawala lang ako ng ilang linggo pero parang thirty times na nag-birthday ang anak ko. Ang bilis yatang mag-matured ng isip niya.

"I can't believe na ang anak pa natin ang nagtuturo sa 'tin kung anong dapat nating gawin as a parent," ani Mule. Binasag niya ang katahimikang kanina pa nananatili sa aming paligid. Kaming dalawa na lang ang nandito ngayon. So he's obviously talking to me.

"Oo nga, e," sagot ko. Hala! Ba't ako sumagot? Baka ma-misinterpret niya! Naku naman, Myz. Puta, pa'no na 'to? Nakatingin na sa 'kin ngayon si Mule. Ayaw kong magkatinginan kami kaya naman nilikot ko ang mga mata ko. Kung saan-saan ko ibinaling ang tingin ko, 'wag lamang mapadpad sa kanyang mga mata.

Nataranta naman ako at nanlaki ang mga mata nang makitang inihakbang niya ang kanyang mga paa palapit sa kinatatayuan ko. Shems! Sa ilang segundong lumipas ay wala akong maisip gawin kaya naman tumalikod na lang ako saka naglakad ng mabilis palayo sa kanya.

"MYZ! SA'N KA PUPUNTA!? MYZ! 'WAG MO 'KONG--"

"Isasara ko lang 'tong pinto, 'wag kang OA." Natameme siya sa sinabi kong 'yon at napatango na lang. Gusto kong matawa pero kagaya ng ginagawa ko kanina pa, pinigilan ko ang tawa. I swear, this is the hardest things to do, ang magpigil ng tawa. Nakakatawa kasi siya as in parang takot na takot na siyang maiwan ulit. But yes, according to what I've planned, I shouldn't be 'marupok'.

Pagkatapos kong isara ang pinto ay inirapan ko siya at nag-walk out. Nakakainis lang kasi ang ganda-ganda nang emote ko kanina sa kwarto tapos hindi ko natapos kasi nga dumating na sila. Nang makarating ako sa kwarto ay kaagad akong naupo sa kama. Walang imik. Diretso ang tingin. Tulala.

Sa kalagitnaan ng pag-iisa ko ay isang ingay ang pumukaw ng atensyon ko. Lumingon ako sa pinto dahil alam kong do'n nanggaling ang tunog. Langitngit ng pintong binuksan at ang nakita kong nakatayo si Mule. Papalapit siya sa 'kin at tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng kwarto. Kinabig niya ang pinto dahilan para magsara ulit 'yon.

"Uhm..." panimula niya. He's staring at me with his beautiful eyes, wearing an innocent look. Damn, he's facial expression is so cute added his simple combination of clothes as his outfit making him more attractive and gorgeous. Such a beautiful man.

"What?" I replied. Muntik ko nang makalimutan ang dapat na maging pakikitungo ko sa kanya sa ngayon at sa mga susunod pang araw hanggang 'di pa niya napapatunayan na nagbago na siya.

"Galit ka pa rin?" tanong niya. Hindi ko na siya pinagmasdan pa at binawi ang tingin sa kanya. Ayaw kong makipag-usap sa kanya ngayon pero parang purisigido talaga siya na maayos na kaagad 'to.

"Talk to me, please." Narinig ko ang mahinang ingay na likha ng sahig dahil sa kanyang paglalakad. I'm pretty sure na papunta siya sa 'kin. Gusto niya akong kausapin ng harapan at nasa harap ko na nga siya ngayon. Nakatayo siya sa harap ko habang ako nakaupo sa kama, diretso ang tingin pero dahil nakatapat ako sa footlong niya, lumihis ako ng tingin. Shems! Nakaka-distract! Kailan niya balak umalis sa harapan ko o kaya maupo man lang, hindi 'yong naka-face-to-face ang bukol niya sa harap sa face ko.

"Hope you let me explain this time," aniya. Marahan siyang lumuhod sa floor at hindi ko naman maiwasang hindi siya tingnan. Ano bang binabalak niyang gawin? Hay, kailangan kong magpakatatag, alam kong drama na ito.

"It's my fault. I admit it. Lahat ng nangyari ay dahil sa kagaguhan ko. Sobrang lasing ako no'n at hindi--" seryosong pahayag niya na parang kinakausap at pinupuntirya niya ang puso ko pero dahil sa word na narinig kong sinabi niya at ginamit for his reason ay umalma na 'ko't 'di na nakontrol pa ang sarili dahilan para hindi niya maituloy pa ang sasabihin niya.

"Sorry to interrupt you pero hindi reason 'yong lasing ka, puta, Mule 'wag mo 'kong gawing tanga." Gusto kong makapagsalita siya at makapag-explain pero 'yong panimula niyang 'yon, kumulo na agad ang dugo ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko lalo pa't naalala ko naman ang rason kung bakit nangyari sa 'min ang ganitong sitwasyon. Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit nagkaganito kami. Oo, nagkamali siya pero nakakagigil pa rin talaga 'yong sasabihin niyang dahil lasing siya kaya niya nagawa 'yon. Puta! Para sa 'kin, hindi 'yon kailanman magiging rason.

"Myz... please... 'wag ka nang magalit. Please give me another chance para mapatunayan ko sa 'yo na magbabago na 'ko. Mahal na mahal kita," aniya at nakaluhod pa rin habang kinakausap ako. Nagmamakaawa talaga siya at mukhang hindi siya magpapatinag.

"Mahal mo ako? Bakit nagawa mo 'yon? Tangina naman, Mule! Asawa mo 'ko! May asawa't anak ka, anong feeling mo? Teenager ka pa?" saad ko't tuluyan nang hindi napigilan ang bugso ng damdamin ko. Tinanggap niya naman ang mga salitang binibitawan ko.

"Hindi mo man lang naisip 'yon! Saka ano 'yong sinasabi mo kanina? Sa tingin mo ba, hindi ako nasaktan emotionally? Hindi lang emotionally, Mule! Buong pagkatao ko, lahat ng sa 'kin!" wika ko kasabay ng pagtagas ng luha na hindi ko na napigilan. Napatayo ako mula sa pagkakaupo dulot ng nararamdaman kong sakit, inis at galit.

"Hindi mo kasi alam 'yong sakit na nararamdaman ko, e! Napakadaling humingi ng sorry pero sorry hindi gano'n kadali magpatawad." Na-realize kong hindi dapat ako umiiyak kaya naman pinakalma ko na ang sarili ko. Pinunasan ko ang sariling luha ko. Ayaw kong siya pa ang magpunas no'n.

"Myz... sorry..." sambit niyang muli. Kitang-kita ko ang malalaking butil ng luha na nagmumula sa kanyang mga mata. Hindi 'to kasama sa plano ko pero okay lang atleast nailabas namin ang mga gusto naming sabihin sa isa't isa. Kung durog siya, mas durog ako.

"Don't touch me!" sigaw ko nang akmang hahawakan niya ako. "Nakakadiri ka!" sigaw ko sa kanya. "Don't expect na patawarin kita agad-agad...  hindi gano'n kadali 'yon gaya ng iniisip mo at para sabihin ko sa 'yo, bumalik ako dahil kay Jam," saad ko. Sorry, Mule but I have to do this. Oo, pinatawad na kita pero kailangan kong ipakita at iparamdam sa 'yo ang kamalian na ginawa mo because I'm hoping that this helps you to realize those stupid things you did. This is just a test.

"Myz... please... 'wag gan'to... hindi ko kaya..." pagmamakaawa niya at mas lalong tumagos sa puso ko ang nararamdaman niya. I know na mahirap din 'to para sa kanya but he really deserved this.

"Then, patunayan mo. You don't need to beg for another chance because there's always a chance. Bigyan man kita o hindi, you'll do everything no matter what." Sinabi ko iyon nang wala sa kanya ang atensiyon ko. Hindi ko kayang tumingin sa lumuluha niyang mga mata.

"Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako, just let me," aniya sa mahinahong tono ng pananalita.

"Oo na, Mule. 'Wag puro dada, daanin mo sa gawa. Tumayo ka na riyan, 'di mo ko madadaan sa paluhod-luhod mo." Nanatili akong matigas sa kabila ng argumento namin. Tumayo siya at marahang naglakad palayo sa 'kin.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon