*Hear the sounds the angels come screaming..*
Oh sh*t, may tumatawag!!
Ha? Si Lanford -__-
Ako: Hello
Siya: Musta? Wula kang load?
Ako: Wula eh. Sembreak na kasi, wula ng allowance.
Siya: Ah ganun ba. Loadan na lang kita?
Ako: Wag na. Hmmm, may sasabihin ako sayo.
Siya: Ano yun?
Ako: Masaya ka ba na girlfriend mo ko?
Siya: Oo naman, bakit naman hindi?
Ako: Eh ako tanungin mo kong masaya ako.
Siya: .......
Ako:Oyyy..
Siya: Alam ko na yan..
Ako: Sorry.
Siya: Yan din sinabi ni Charry sakin.
Ako: Hindi na ko masaya. Sorry. Long distance kasi, hindi talaga magwowork to. Kahit bigyan man natin ng pasensiya ito, wala din mahahantungan to kasi ayaw ko na.
Siya: Dahil lang ba sa long distance? Nakayanan nga natin ang ilang buwan na ganito tayo at ngayon na malapit na tayong mag iisang taon susuko kana?
Ako: Hindi lang dahil sa long distance. Alam mo kasi, ayaw ko lang mabasa ang mga gusto nating gawin kung naging malapit lang tayo. Yung mga date na iniimagine natin tuwing magmomonthsarry tayo, ayaw kong imaginin lang yun. Gusto ko maranasan yun. Yung holding while walking, yung suprise sundo, at yung mga nakaw na kiss, ayaw kong manatiling salita lang yun, gusto ko maranasan ang mga yun.
Siya: Sige.
Ako: Sorry.
Siya: Nahalata ko na rin eh. Binlock mo na nga ako sa mga FB mo diba?
Ako: Sorry ulit.
At pinatay ko na yung call.
Ayaw ko ng patagalin.
Baka kasi bawiin ko lahat yung sinabi ko.
Sobra ko siyang nasaktan.
Hindi ko man lang binigyan ng 2nd chance, pero binigyan ko na ng ilang chance ang relasyon namin nung mga panahon na parang gusto ko ng bumitaw pero eto, wula na talaga.
Ang sama ko pa kasi habang nandito ako naglalandi na in a relationship pa ako sa kanya.
Pero this day, I'm free.
Oh..
May isang message pa pala akong hindi nabasa..
Mula kay Navi?
Kanina pa pala to, 1:56 PM.
-Bakit kasi si Freed, bakit hindi ako?
At nagsitayo ang mga balahibo ko.
Ang mga convo namin tungkol kay Freed.
Ang mga kalandian ko na kinwento sa kanya.
Yung paglalabas ko ng kilig sa kanya.
Lahat ng mga puri kay Freed na kinuwento ko sa kanya.
Kanina nung inaway ko siya kasi akala ko inaasar niya ko.
I WAS SPAZZING TO SOMEONE WHO HAS A THING FOR ME?