(Sanyel's P.O.V.)
Napakasakit maloko...
KAYA PALA SYA NANGHIHINGI NG PAUNANG KAPATAWARAN! DAHIL ANG LAKI NG KASALANAN NYA!
Wala nang tigil ang pagpatak ng luha ko kasabay ng walang tigil kong pagtakbo. Wala na akong pakialam kung sundan nya man ako o hindi!
Bakit Chimchim? Bakit!?
Ramdam ko na ang pagsikip ng dibdib ko, ngunit hindi ko iyon pinansin tutal sanay na ako, sanay na akong mapagod, sanay nang masaktan!
Kung ako lang naman ang mapapahamak, ipaglalaban ko, pero... Pero hindi lang ako, dinamay nya pa ang mga mahal ko sa buhay at ang mga importanteng tao sa paligid ko...
"W-Walang t-tit-tigil, w-walang hi-hinto!" Sambit ko kahit na kinakapos na ako ng hininga
Patawid na ako sa kalsada, ito na ang pagkakataon kong tumakas sa sakit ng buhay... Masyado ko nang sinanay ang sarili kong mapagod at masaktan kaya laging ito ang binibigay sa akin ng buhay.
Ang mga magulang ko, ang mga naging kaklase ko, mga naging kaibigan, ngayon si Jimin... Bilang nalang ba talaga sa daliri ang makakaunawa sa akin!?
A-Ches, Kuya... Ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko... Nang dahil sa akin, nasasaktan sila... It's better to end it up this way...
Nakita ko ang papalapit na sasakyan sa luhaan kong mata, unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko, at ang pintig ng puso ko ay unti-unti na ring nawawala. Sa paglapit ng sasakyan sa akin na halos hindi na makakita dahil sa paglabo at paglaho ng paligid ay inihakbang ko pa rin ang aking mga paa.
Wala na akong ibang narinig kung hindi ang pagbusina ng dalawang sirena at ilang saglit lang ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
(Min Jae's P.O.V)
"Sanyel!" Sigaw ko, agad ko namang pinadausdos ang motorsiklo ko papunta sa gulong ng bus at tumalon
Ayyyys, bagong labas pa naman din, bahala na!
Umalingawngaw ang sigawan ng tao nang makita ang pagkadurog ng aking motor.
Bye bye three years salary...
Napadaing ako sa sakit nang tumama ako sa lapag, pero salamat dahil sa motor ay napahinto ang bus.
"Sanyel!" Tawag ko at agad syang sinalo nang mawalan sya ng malay
Inupo ko muna sya sa tabi ng kalsada, ang daming tao naman ang pumalibot sa amin at sa bus.
"Sanyel! Sanyel!" Natataranta kong tapik sa pisngi nya
Wake up Sanyel! Anong nangyari sa'yo!?
"Sanyel!? S-Sanyel!" Nahati ang kumpulan ng tao nang dumaan si A-Ches na iyak nang iyak
"Ano bang nangyare Sansan!?" Tanong nya nang hawakan ang kamay nito
"Dalhin na agad sya sa hospital!" sabi nung lalaking kasama nya, hindi ko alintana ang mga sugat at binuhat si Sanyel para ipasok sa loob ng sasakyan nya
"Mr, saan kayo pupunta? Kailangan pang ayusin ang gulong ito," sabi ng driver ng bus
Napapikit nalang ako at agad na pumasok sa loob ng sasakyan.
"Let me handle this," sabi nung lalaki
(Yoongi's P.O.V.)
"Saglit lang," irita kong sagot sa bus driver at tinawagan si Namjoon
"Hello Namjoon!" Agad kong tawag nang sagutin nya ang tawag ko
"Bakit dude?" Tanong nya
"Pumunta ka agad dito sa Sangan! May emergency bilisan mo!" Utos ko
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...