👑Matapos makaramdam ng gutom si Celo ay nagpasya itong bumaba para kumain. Kanina pa ito nagising matapos maalimpungatan sa ingay na dulot ng sasakyang dumating.
Sakanyang hinuha ay hapon na bunga ng nag aagaw na dilim at liwanag na kanyang nasaksihan mula sa labas ng babasaging pintuan ng sariling beranda.
'Nariyan na kaya ang papa?'
Kanyang naisa-isip.
Pabalikwas itong bumangon upang salubungin sana ang ama ngunit kagyat ding napahinto nang maisip na ito ay pagod at mas kinakailangan na lamang na magpahinga.
Bumalik sya sa kama at muling nahiga. Mula doo'y inbala nya ang sarili sa pagtitig sa puting kisame ng sariling silid. Subalit nang hindi na talaga makatiis ng gutom ay saka palang ito bumaba.
Sa marahang pagbaba ng dalagang Velin mula sa mahabang hagdan na syang sentro nang apat na sulok ng kanilang kabahayan. Hindi nya inaasahan ang tagpong kanyang nadatnan.
Naroon ang kanyang ama't naakbay sa isang di kilalang ginoo. Nakatalikod kasi ang mga itong naglalakad palayo sakanya na animo'y patungo na sa labasan ng kanilang tahanan.
"Salamat sa paanyaya iho subalit ako man ay hindi pa sigurado. Gayun pa man ay pipilitin ko paring makarating."
Narinig nyang wika ng ama sa binatang nito ay kausap.
"Papa?"
May kahinaan man ang tinig ay tuluyan ng nakuha ng dilag ang atensyon ng dalawa. Saglit na napatigil ang mga ito at naunang humarap ang matandang Velin sakanya.
Doo'y mabilis nyang tinakbo ang kinaroroonan ng mga ito kasabay sa paglahad ng sariling mga bisig upang maibigay ang isang mahigpit na yakap sa ama.
Ilang sandali makalipas ang ilang minuto nilang pagkakayakap.
"Iha bakit nakayapak ka?"
Anang ama matapos mapansing wala syang sapin sa paa. Nahihiyang nginitian nalamang nya ito bilang tugon.
Si Celo kasi ang tipo ng babae na walang kaarte arte sa katawan. At kung anong mayroon sya ay makokontento na lamang siya.
"Nakapagpahinga ka ba ng maayos? Kumain ka na ba?"
Magkakasunod na tanong ng senyor habang nagsimula ng alisin ang mga kamay na nakayakap sa kaniya.
"Sya nga pala, si Jean Apethicus Apostol kanang kamay ng pamilya Madison. Jean si Celonna ang anak ko."
Ang matandang Velin matapos malingunan ang kanyang kasamang kanina lang ay kausap nya.
Mistulang naengkanto ang binata dahil sa ginagawa nitong hindi pagkurap at paninitig lamang sa dilag. Tila ba hindi nito alam ang nararapat gawin na para bang hindi mapaniwalaan na tao ang sakanya ngayun ay nasa harapan.
Itinapat ni Celo ang sarili sa taong ipinakikilala nang ama na sya ring nakita nyang kausap nito kani-kanina lang.
"Jean?"
Muling pukaw ng senyor.
"Ah--I--ikinagagalak ko hong makilala ang inyong anak senyor Ricardo."
Anitong nagkadautal matapos matauhan.
"Hello there Mister Apethicus nice meeting you."
Pormal na ganting bati naman ng dalaga sa lalaking ngayun ay sakaniya nang nakikipagkamay.
BINABASA MO ANG
The King of Madison: Meet The Queen
Ficción GeneralNang dahil sa di inaasahang pagtatagpo. Nakilala ni Celonna ang pinaka maimpluwensyang tao sa lalawigan ng buong La Angeles. Bunga ng di sinasadyang aksidente. Napilitan syang magpahatid sa estrangherong noon nya palamang nakilala. Ngunit sa kanil...