👑Nakakatuwang isipin na di pa man ganoon kalubos ay nagawa ng ibagay ni Celonna ang sarili sa panibagong kapaligirang kanyang tinitirahan.
Mula sa ilang araw na tahimik na pamumuhay ay naipalagay loob na niya ang sarili. Inaasahan na nyang makakapag adjust sya pero hindi ganun kabilis katulad ng kaniyang inaasahan.
Sa kasalukuyan, naisipan nyang maglibot gamit ang paboritong sapatos na de gulong na palagi nyang isinusuot noon.
Madalas nya itong gamitin upang mabilis syang makapamasyal sa ilang makikipot na kapatagan nang hindi masyadong naglalakad. Mabuti nalang ay semintado na ang mga daan sa naturang lugar.
Naalala nya noong bata pa sya madalas nya itong gamitin sa kabihasnan. Lalo na sa edad nung kanyang kapusukan--- yung walang kinakatakutan at walang pag aalinlangan sa maaring mangyari sakaniya. Basta ang importante ay naging masaya.
Kaya ngayun, hindi man ganoong akma sakaniyang edad ay parang namimiss nya ang mga bagay na kaya nyang gawin noon. Ano ba naman ang suotin nya ang sapatos de gulong sa kanyang paglilibot. Sadyang hilig din naman talaga nya ang mga pambihirang karanasan.
Matapos ang ilang sandaling pag ehersisyo at pagmamasasid sa buong kapalibutan ng kanilang likod bahay. Walang pasubaling sinimulan nyang ihanda ang sarili para sa planong pag alis.
Nagmamadali man ay hindi nawala ang likas na taglay nyang bini sakanyang bawat pag galaw. Datapwa't mas lamang ang kaniyang pagiging isip bata kung minsan.
Pagdating sa kaniyang kwarto ay dumeritso sya papasok sa banyo. Kaagad na hinubad ang lahat ng kanyang suot at hinarap ang rumaragasang tubig sa sariling dutsa.
Isang manipis na robang gawa sa sutla ang kanyang isinuot sakaniyang paglabas.
Sinimulan ang paglapit sa kaniyang tokador. At doo'y inihanda ang isang maong na pantalon na para kung sakali mang sya ay matumba'y hindi magasgasan ang kaniyang makikinis at mapuputing tuhod at binti.
Tinernuhan nya ito ng isang may kanipisang puting kamesita upang presko ang kaniyang pakiramdam kahit na sya ay pagpawisan. Pinatuyo din nya bago itinali ang buhok sa likod at saglit na inayusan ang sarili.
Matapos nun ay bumaba na sya bitbit ang sapatos at ilang protective gear na kanyang gagamitin.
"Iha san ka pupunta?"
Aning ginang ng mapansing nakagayak sya.
"Mamamasyal lang po ako nay."
Nakangiting paalam nya.
"Suot ang ganyang klase ng sapatos? At san ka mamasyal, hindi ba't hindi ka muna pinalalabas ng iyong ama dahil wala sya?"
Gulat ang tonong pagpapaalala nito.
"Bakit bawal po ba ang ganitong uri ng sapin sa paa sa lugar na to?"
Pabirong balik tanong nya sa isa.
"Kung hindi ako nagkakamali ay mag wawalong taon na mula ng huli mong ginamit yan. Dese otso ka pa noon hindi ba lumaki o humaba man lang ang iyong mga paa?"
Ang ginang na halatang ipinapaabot ang kaniyang punto.
"Nay, una po sa lahat patawad pero nagkakamali kayo. Nanumbalik ako sa paggamit nito magdadalawang taong na. Bale nasa twenty-four ako nung sinubukan ko ulit gumamit nito. Isa pa po ay bagong bili ko to though hindi naman na talaga lumaki at humaba pa ang mga paa ko. Wag na po kayong mag aalala."
BINABASA MO ANG
The King of Madison: Meet The Queen
General FictionNang dahil sa di inaasahang pagtatagpo. Nakilala ni Celonna ang pinaka maimpluwensyang tao sa lalawigan ng buong La Angeles. Bunga ng di sinasadyang aksidente. Napilitan syang magpahatid sa estrangherong noon nya palamang nakilala. Ngunit sa kanil...