Chapter 9

12 0 0
                                    

"Psssssst.."

Wag mong pansinin Jil.

"Psssssst.."

Wag Jil, wag.

"Psssssst.."

Wag kang lilingon Jil.

"Jil.."

Ha? Boses ni Navi.

Paglingon ko.

Siya nga..

Nakaupo ako sa waiting shed dito sa sakayan ng pedicab.

Wala kasing bumabyahe kaya naghihintay ako ng ibang pedicab na papasok dito sa brgy.

At bago ko makalimutan.

Nasa harap ko na pala si Navi.

"Bakit hindi ka na nagtetext sakin?"-Siya

"Wula akong load." Palusot ko.

Umupo siya sa tabi ko at natahimik.

Palusot ko lang yun.

Ayaw ko lang siya etext kasi naguiguilty ako.

Sa ilang araw na katext ko siya, hot topic lang namin palagi nun si Freed.

Kung pano niya kami mapapalapit.

Kung pano niya mapapaligaw si Freed sakin.

Pagkatapos kung malaman na gusto niya pala ako sa kabila ng lahat ng alam niya tungkol sakin, tungkol sa kung sino talaga gusto ko, at kung ganu ko siya ka gusto, nagawa niya pa ring ipaalam sakin ang nararamdaman niya.

"Alam kong iniiwasan mo ko."-Siya

At tamang tama..

May pedicab na..

"Sige Navi, mauna na ko sayo. Bye."-Ako

....

Sa school,

Enrollment na for 2nd semester, at kasama ko si Bessie.

Syempre ayaw naming mahiwalay sa sectioning kaya dapat sabay kaming magpapaenrol.

"Bessie, natatandaan mo yung kinuwento ko sayo, yung si Navi, yung sabi ko na nagtutulay samin ng crush ko na taga dun samin, gusto niya ako."-Ako

"What?!"-Siya

"Uulitin ko? Bessie, natatandaan mo yung.. NILOLOKO MO BA AKO??"-Ako

"HAHAHA! Loko ka. Bakit ano ba nangyari?"-Siya

"Nainis kasi ako bigla sa kanya nung nagtext kami dati. Kinumpara niya kasi sarili niya kay Freed. Sabi niya, "Bakit hindi mo ko magustuhan, pareho lang naman kami ni Freed bukod sa guwapo siya at pangit ako." Pero summarize lang yan, may part din kasi na sabi niya, "Magandang kurso din ang Aeronautical Engineering.." Basta ganung chu2, pero hindi ako nainis dun. Naalala ko kasi dati nung inasar niya ko dahil Pharmacy daw kinuha kong kurso eh pagbebenta lang naman daw ng gamot ang gawa natin at uupo sa botika at magpapalaki ng bilbil.. Yun ang pinangtama ko sa kanya, sinabihan ko siya na bakit ko siya magugustuhan dahil sa mga pinagsasabi niya sakin dati at nakakapikon yung ugali niya."-Ako

"Sa pagkukumpara niya palang sa sarili niya kay Freed halatang may gusto nga siya sayo eh. Ang mga katagang, "BAKIT HINDI MO KO MAGUSTUHAN?" HAHAHA, tama ako diba?" -Siya

Oo nga nuh?

Dapat dun palang nakuha ko na ang punto ni Navi.

Pero nangibabaw sakin yung inis, at sobrang asar ako sa kanya nun.

"Oh diba. Hindi mo na realize yun nuh!! Asar na asar ka siguro nung mga oras na yun kaya yung mga bad side lang ang nag sink in sayo. Yung mga goodside niya inignore mo. Akala mo siguro yung pagkukumpara niya sa sarili niya kay Freed ay pang aasar niya sayo."-Siya

"NAKUUUUUUUUU!! KAYA BESSIE KITA EH!! EXPERT KA!!!"-Ako

Hinampas ko siya bigla sa balikat.

"ARAAAAAAAAAY!!!" Sigaw niya.

HAHAHAHAHAHAHA..

Nagsitawanan lang kami :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stick-OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon