Nagsimula dito...

3 0 0
                                    

Sa mundong ito, iisa ang hangarin ng bawat tao, ang maging matagumpay sa lahat ng larangan ng buhay kahit ika'y pinakamababang uri ng mamamayan hangad parin ang tagumpay gaya ni Efren Dordas na isang mahirap ngunit nangarap at nakamit ang hindi inaasahang pagbabago sa kaniyang buhay.

Sa isang liblib na lugar, Maasin, Capiz, Roxas City ay siya'y kaagapay ng kaniyang ina sa paghahanap buhay ngunit ang kaniyang tatay ay isang lasenggo at sugarol. Ang kaniyang pamilya ay maramirami dahil ang walo silang magkakapatad, siya ay ang kanilang bunso. Si Efren ay nagtitinda sa palengke ng mga gulay at gumagawa ng Corsage para sa mga estudyante na gagraduate habang siya'y nagaaral sa isang kurso ng nursing. Hangang sa nakapagtapos siya sa pag-aaral. Ngunit hindi siya nakapaghanap ng trabaho sa Pilipinas kaya iniwan niya ang kaniyang pamilya upang makahanap ng magandang trabaho sa Rome, Italy. Pero nahirapan siya sa paghanap dahil sa hadlang sa wika.

May isang punto sa kaniyang buhay na hindi siya makauwi sa Pilipinas dahil ginugol niya ang lahat ng kaniyang pera upang mabuhay sa ibang bansa. Siya ay naging "TNT", tago ng tago, illegal na paglagi.

Muli, nakahanap siya ng trabaho at naging dairyman sa isang malaking sakahan para makatago sa gobyerno. Sa kanyang kapalaran, si Efren ay nabigyan ng pangalawang pagkakataon. Ang pamahalaan ng Italya ay nagbigay ng amnesty kay Efren upang manatili. Pagkatapos ng lahat na iyon ay sya'y naging caregiver sa isang mayaman na pamilya. At naging lobby boy sa isang Hotel.

Ang kaniyang pananagumpay ay nagsimula sa isang kasal. Ang nobya ay mukhang balisa at narinig ni Efren na sinabi niyang wala siyang palumpon dahil hindi sila nagkaintindihan sa tagagawa. Kaya lumapit si Efren para tulungan ang babaeng nag-aalala.

Kumuha siya ng ekstra na bulaklak sa mga decoration at gumamit ng mga skrap na nahanapan niya. Namangha ang babaeng ikakasal sa kanyang galling sa ganda at paggawa ng palumpon sa limitadong oras. Nagtanong ang babae kung mayroon siyang sariling pwesto para makipag-ugnay siya kay Efren. Ang kaniyang kapatid ay ikakasal rin sa susunod na buwan pero ang sinabi ni Efren sa babae ay wala siyang pwesto at siya ay simpleng lobby boy lamang. Kinuha ng nobya ang numero ni Efren para siya ay umayos ng decoration at bulaklak para sa kasal ng kapatid ng babae.

Nabalitaan nila ang gawa ni Efren at kumalat sa maraming tao sa puntong dumami ang kaniyang kliyente. Hangang sa nakapagipon siya ng sapat na pera para umupa ng sarili niyang pwesto at lumago. Dahil dito, dumoble ang kaniyang pwesto at pinangalanan ito na "Dordas' Flowers".

Nagkaroon si Efren ng iba't ibang parangal na ginawad ng gobyerno ng Italya dahil sa kaniyang kamanghamanghang paglikha gamit ang bulaklak at kasipagan.

Itinampok siya dito sa Pilipinas ng isang programa sa telebisyon, tungkol sa matagumpay na Pilipino sa ibang bansa.

Pero sa lahat ng kaniyang itinamo, subalit nanatili siyang mapagpakumbaba. Personal ko siyang kilala dahil siya ay ang aking kamag-anak, ang aking tiyuhin, ang nagturo saakin na kahit ano ang mangyayari, laging tandaan kung sino ka at kung saan ka nanggaling.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TalulotWhere stories live. Discover now