Pangako

111 5 17
                                    

Anne-gel,

Mahirap umusad kasi nasanay ako na ganito tayo. Nakakaiyak kasi wala nang magtitiis para pagbigyan ang kabaliwan ko.

Wala na akong mahihila para manood sa last full show sa sinehan.
Wala nang magagalit sa akin kapag kinukuwento ko mga kalandian ko.
Wala nang magtitiis para samahan ako sa parlor.
Wala nang magbibigay ng free gulaman sa akin kapag uhaw na uhaw na ako.
Wala nang makikinig sa mga angst ko sa buhay kahit madaling araw pa iyan.
Wala nang nagpapaalala sa akin na may pamilya at kaibigan pa ako kapag lulong na ako sa trabaho.
Wala nang mangungulit sa akin na magpapalibre nang malamig na kape.
Wala nang mag-aupdate sa kuwento ni Yaggy na kinababaliwan ko.
Nabawasan na iyong adik kay hello kitty.
Wala nang taga-plano nang travel namin together.
Hindi ko na siya makakasama pa sa paghahanap ng soulmate.
Wala nang tatanggap sa akin sa kanyang tirahan kapag may fieldworks ako malapit nang  Laoag.
Wala nang umaayaw sa electric fan kahit mainit ang panahon.
Wala na iyong matutulog na nga,maglolotion pa.
Wala na iyong pasikretong stalker/fangirl ni Sandara.
Wala na iyong mahilig magbasa nang Summit books.
Wala na iyong sasamahang kang kumanta ng 90's songs.
Wala nang mahilig magpapatugtog sa kanta ni TS, CC at ES.
Wala nang magpapalayas sa akin nang may kasamang pagbabanta at pagmamahal kapag moody siya.
Wala nang nakakaintindi sa aking pananahimik.
Wala nang nagpapatawa dahil sa mga pm niyang sweet pero witty messages.
Wala na iyong tatawanan ka kapag nakagawa ka nang katangahan.
Wala na iyong kaibigan na mahilig sa sunflowers.

At higit sa lahat, wala na.....

Wala na iyong kaibigan na sinamahan ka sa loob nang 10 taon dahil sa iniwanan ka na nung iba.

Marami mang magiging kulang dahil sa pagkawala mo pero binigyan mo pa naman ako nang sapat na rason para magpatuloy pa.
Kahit sa huling gabi bago ka namahinga, dimo ko nakalimutang itext,

"Kahit nasaktan ka man, umalis man sila, life must go on. Happy Valentines miloves."

Tapos may isa ka pang bilin pero pwedeng sa akin na lang iyon? *wink

Basta asahan mo, gagawin ko.... kahit mahirap... basta para sa diyosang katulad mo.

Salamat kaibigan sa bawat ngiti at pagmamahal. Ramdam na ramdam ko? Mahal na mahal din po kita nang sobra-sobra. Kita-kita sa takdang panahon. 😘<3

Nagmamaganda,

Gera nang buhay mo. 😚

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon