IKAW!

1 0 0
                                    

               Hoy ikaw! Oo ikaw! Bakit? Bakit ha?! Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo'y ikaw pa ang nagawang tinibok nito,ng aking puso.Bakit sa dinami-dami ng tao dito sa mundo'y ikaw ang nagustuhan ko.At bakit hindi magawa nang aking puso na tumibok ito sa iba at makalimutan ka na.At kahit na anong gawin ko'y hindi ka matanggal sa aking isipan?
Minsan nga naiisip ko na,baliw na ako.Baliw na ako dahil ikaw ang laging nasa isipan ko na kahit siya naman lagi ang nasa isipan mo.Baliw na ako dahil kapag nakikita kita'y pabilis ng pabilis ang pagtibok ng aking puso na kahit iba ang tinitibok nang iyo.Baliw na ako dahil gusto kitang makita araw-araw na kahit siya ang gusto mong makita. o Baka baliw na ako nang dahil sa'yo.Baliw na baliw ako sa pagmamahal na ito dahil sa'yo.Pero bakit? bakit hindi mo ito magawang suklian? Nasasaktan ako na makita kita araw-araw na masaya kasama siya,ang taong gustong gusto mo.Kay daming katanungan sa aking isipan na hindi masagot kung bakit siya ang pinili mo? Marahil ay nandito naman ako.Ako na kaya kang mahalin ng buo.Ako na kaya kang pasayahin higit pa sa nagagawa niya.Ako na mas higit pa sa kaniya.Ako na kaya kang ipaglaban.Pero ngayon,ipaglalaban pa ba kita? Ipaglalaban ko pa ba ang pagmamahal ko sa'yo kahit na ang tinitibok ng iyong puso ay siya? Ngayon,ako'y natauhan na.Natauhan dahil hindi mo ako magawang mawahalin.Natauhan dahil siya talaga ang iyong mahal.Ngunit kahit ako'y natauhan na siyang kakambal nito ay kahirapan.Kahirapan na mahirap kang kalimutan.Pero ngayo'y napagtanto ko na hindi naman sa lahat ng pagkakataon ako'y palaging  umaasa.Umaasa na mahalin mo.At ngayon,Ayoko na. Ayoko nang magmukhang tanga pa dahil simula ngayon,kakalimutan na kita at papalayain na ang pagmamahal ko sa'yo at tatanggapin na hindi tayo para sa isa't isa dahil nakalaan ka para sakaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon