Chapter 24

9.4K 196 14
                                    


Violeta

Mali ba na ipaglaban mo ang taong mahal mo? Para sa akin, kung mahal mo ang isang tao dapat mo itong ipaglaban, gagawin ko ang lahat para lang mapasa akin.
Unang pagkikita palang namin noon ni Alex ay nakaramdam na ako ng kakaiba para sa kanya, na parang di kumpleto ang araw ko kapag di ko siya nakikita.
Di ko siya mahintay na manligaw sa akin kaya naglakas loob akong nagconfess sa kanya. Ginawa ko ang lahat para mahalin din nya ako pabalik
pero nireject lang nya ako, nagmakaawa ako pero wala pa rin. Pero ako yong tao na di madaling sumuko, I will do anything to make her mine.
Ngayon, kasalanan ko ba kung may mawawala dahil sa pagmamahal ko sa kanya? Di ko naman sinadya, hindi naman ako ang may gawa, nagmamahal lang din ako! Simula bata pa ako, lahat ng gusto ko nakukuha ko, maraming nagkakandarapa sa akin pero bakit kahirap abutin ang puso mo Alex? Bakit mo ako pinagdadamutan?

"I really hate that girl! Kasalanan nya ang nangyari sa anak ko!"Tita Selena cried habang nakadungaw sa mukha ni Alex."Wala naman ako makitang magandang dahilan para mahalin sya ng ganun na lang ng anak ko!"

"Tita, just calm down. Everything will be okay. Malalagpasan din natin to." Pag aalo ko kay tita, pero di ko rin alam kung talagang magiging okay pa ang lahat.

"I dont know iha.. Napakatigas din kasi ng ulo nya, ayaw nyang makinig sa akin. Ngayon, anung napala nya? Siya ngayon ang kawawa." Anito habang nakatitig sa mukha ni Alex. Payapa na lang itong nakahiga. "Hinding hindi ko mapapatawad ang hampaslupang yon! Wag na wag mo siyang hayaang makapasok dito! Wala siyang karapatan para makita kahit dulo pa ng buhok ng anak ko!"
Niyakap ko na lang si tita at pilit na pinapatahan.

"Tita, mahirap man pero kailangan nating tanggapin ang nangyari and promise, di ko hahayaang makapasok ang Ciel na yon dito." Pag aassure ko. Ilang beses na rin magtangkang pumasok dito nina Ciel pero di namin sila pinapasok. Anung akala nya, hahayaan na lang namin siya? Siya ang dahilan kung bakit ito nangyari.

Ciel

Tama nga ba ng bintang sa akin ng pamilya ni Alex? Na ako ang may kasalanan kung bakit ganun ang nangyari sa kanya. Dapat nga yata na binigyan ko siya ng chance para makapagpaliwanag, kung di ako tumakbo noon, sana di siya humabol.

Ang akala ko katapusan ko na noon pero bago pa ako mabangga nung sasakyan ay mabilis nya akong tinulak kaya sa poste lang ako bumangga kaya ito ang nabangga ng sasakyan.
Halos parang ayaw ko na ring mabuhay nung malaman ko ang nangyari sa kanya, sobrang pagsisisi ang naramdaman ko. Sana hinayaan ko siyang nagpaliwanag, sana di ako nagpadaig sa selos na naramdaman ko, sana nagtiwala ako sa kanya, ang daming sana.... Pero huli na nga yata.

"Ciel...." Mahinang tawag sa akin ni ate Clarise. Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago bumaling sa kanya.

"A-ate...."

"Kahit itago mo, alam ko na umiiyak ka nanaman. Ilang beses ko bang sabihin sayo na wag na wag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari..!"
Lumapit naman ito at tumabi sa akin. Di ko na napigilan ang mapaiyak, mahigpit ko siyang niyakap.

"Ate, kung nagtiwala lang siguro ako sa kanya baka di aabot sa ganito."

"Ssshh....! Tahan na. Kaya ginawa yon ni Alex ay dahil mahal na mahal ka nya. Willing siyang magsakripisyo para sayo kaya nya ginawa yon. Kapag nagmahal ka na kasi, handa mong isugal ang buhay mo para sa taong mahal mo, kaya sana tigilan mo na ang paninisi sa sarili mo. Ayaw ka ring nakikita ni Alex na gayan at sana patawarin mo rin ako dahil isa pa ako sa nagpagulo sa isip mo."

"Ate, wala ka namang kasalanan. Lahat naman tayo nagmamahal, di ko nga lang masusuklian pero ikaw pa rin ang pangalawa kong ate, di magbabago yon."

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon