************************************
DEADLY SIN
************************************
(Felix's POV)
Nagulat ako sa tanong niya. Sa bawat sagot ko parang pinipiga ang puso ko. Nasasaktan din ako sa sagot ko, bakit? Nalilito ako sa nararamdaman ko sa kanya.
Sa tuwing nakakasama ko siya ang saya ko kulang nalang ihinto ko ang oras para lang makasama pa siya ng matagal. Namimiss ko siya lalo na ang boses niya.
*DUG DUG DUG DUG DUG DUG*
Hindi mali to...
Hindi ko siya pwedeng mahalin.
Itinulak ko palayo si Jess dahilan para mapaupo siya sa sahig. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pati din ako nagulat din.
"Sorry Jess h-hindi kita m-mahal" sabi ko saka ako lumabas ng office ko.
Nalilito ako sa nararamdaman ko...
Sana...
Sana patawarin mo ako Jess...
(Rence's POV)
Simula nung araw ng pag amin ko. Di muna ako nagpakita. Nasa Japan third Floor pala ako hikhik joke lang 😂. Nasa condo pala ako ngayon nag eemote.
'Jess' wika ko sa aking isip saka umidlip.
Nagising nalang ako ng may bumabalabog sa pintuan.
Tumayo nalang ako sa pagkahiga sa sofa saka naglakad na papunta sa pintuan. Nagulat ako ng si Jess ang bumungad pagkabukas ko ng pintuan.
"H-hoy" nabigla ako ng bigla siya gumiwang giwang habang papalapit siya sakin.
Amoy alak siya...
"Hmm Rence po-gi mo pa-la ah" sabi niya habang hinahawakan ang mukha ko pilit ko naman iniiwas mukha ko. Ayy grabe siya ah po-pogi lang ba ako pag lasing siya?
"Gus-to mo ko di-ba? Ayyts h-hindi mali uhh ano nga yun?" Dugtong pa niya na parang nag iisip pa talaga. Hmmp! Ang baho ng hininga niya!
"A-ah m-mahal mo ko d-diba?" Tanong niya saka siya umiyak. Sh*t nako umiyak na.
"Huk sana ikaw nalang minahal ko huk " niyakap ko nalang ito. Nasasaktan ako, mahal niya ang professor na yun. Sh*t ang hina ko kasi sana, kung sana lang sakin na siya eh!
(Jess's POV)
Heto ako sa bar nagpapakalasing. Wahhh huhuhu ang sakit eh! Feel na feel ko yung bawat galaw niya na super sweet tapos nalaman mo nalang ginagawa lang pala niya yun para lang sa katawan mo?
'Sabi nga niya diba AYAW NIYANG MAWALAN NG TRABAHO?' Tanong ng sarili ko sakin. Bwesit na dahilan na yan! Pumunta ka dito papatayin kita bwesit ka! Arggh!
BINABASA MO ANG
DEADLY SIN: Sleeping With My Hot Professor (Book One)
RomantizmAng kwento na ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at lenggwahe. Read at your own risk. Wag sanang husgahan ang laman ng kwento dahil ito ay puro imahinasyon lamang. Ang pagkaparepareho sa mga totoong buhay o sa ibang kwento ay sinisugurado kong...