Chapter 4

9 0 0
                                    

           

Chapter 4

Confusing

"Okay naman ba diyan sa Hong Kong, apo? Hindi ka ba nilalamig? Ang sabi noong pamangkin ng Manang Letty mo eh malamig daw diyan" Ang boses ng lola ko ang bumungad sa akin Lunes ng umaga. Medyo tanghali na ako nagising dahil sa pagod sa ginawa kahapon na pag-akyat sa Po Fook Hill. Isinandal ko ang likod sa headboard ng kama at dinama ang binting may kaonting kirot. I wonder if Marco's legs hurt too although I doubt that because he's used to long walkings. Ang aga aga, siya pa ang naiisip ko.

"Hindi naman po Lola, nakakaya ko naman po. Don't worry" I assured her so she would not fret anymore. Mahina lamang ang boses ko dahil natutulog pa si Kim sa kama niya. It's a Monday pero wala kaming session dahil nagpatawag ng conference meeting ang CEO at lahat ng senior account managers ay kasama doon. Naiwan kaming mga bago, ang sabi hapon pa ulit ang resume ng training.

"Kuya, Under Armour Curry 4. Size 10 ha!" Naririnig ko ang kapatid ko na natatabunan na ang pagsasalita ng lola ko sa kabilang linya. I rolled my eyes at his demands. Wala nang ibang inisip ang batang iyon kundi basketball. Kapag pinagsasabihan ko siya tungkol sa pag-aaral, ang palagi niyang sagot ay ball is life, kaya kami madalas mag-away. At 17, you would mistake him as a full grown man dahil sa tangkad at laki. Nakuha niya iyon sa aming ama. I stand at 5'6 and a half, siya 5'11 kaya madalas ay napagkakamalan siyang panganay. We look so different too, me having my mom's features and him getting our dad's.

"Lola, pakausap nga po kay Warren." I told my grandmother so I could talk to my brother and check how he's doing at school myself. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang boses niya.

"Warren! I heard from Lola you skipped a class for a basketball game. Why did you do that? At kumusta ang mga grades mo? Your scholarship? I swear—"

"Kuya, chill. I'm doing fine. My grades are fine. Kahit tanungin mo pa si Lola." He cut me off. Ganito siya kapag pinagsasabihan ko. Hindi naman ako namomroblema sa mga grado niya dahil maayos naman siya mag-aral. Mahilig nga lang mag-basketball kaya naaapektuhan ang ibang parte ng academics. When it comes to girls, he's not playful too. Isa iyon sa ipinasasalamat ko dahil hindi kailanman sumakit ang ulo namin ni Lola kay Warren sa bisyo at babae. Dito sila nagkakaiba ni daddy.

"Just make sure. No good grades no shoes, alright? Give the phone back to Lola" binilisan ko na ang utos para hindi na siya maka-angal pa.

"Lola."

"Mag-iingat ka diyan, Lio. Huwag magpapalipas ng gutom." Ngumiti ako sa pag-aalala ng Lola, ngunit madali din itong napawi nang unti-unting humina ang boses niya.

"Ang ama niyo, sinusubukan ka na namang makausap. Hindi umaamin sa akin ang kapatid mo pero nararamdaman ko, nagkikita sila." Sumbong sa akin ng Lola ko. Of course, how can I forget about my wanton father?

I silently thought about what my Lola told me that morning, after the call. Why my father still has the guts to try to contact me again is beyond me. Una niyang sinubukan iyon noong graduation ko sa High School. He went to our dinner and it did not turn out good, now he's doing it again. Alam kong hindi magsasabi ng totoo sa akin si Warren kaya hindi ko na siya tinanong tungkol doon.

Isn't he supposed to be happy with his current girlfriend or whoever is his flavour of the month? Yan ang palagi kong tanong sa sarili ko tuwing sinusubukan niyang makipag-usap.

My dad left me when I was 9, Warren was 4 that time, to be with another woman. My mom was so devastated she would not eat and would barely talk. Our grandparents took over in caring for me and my brother because our mother can't tend to us anymore. Kaya bata pa lamang ako, mulat na ako sa responsibilidad. Hindi nila inilihim sa akin ang lahat dahil bukod sa naiintindihan ko na ang sitwasyon namin, ayaw nilang magkaroon pa kami ng koneksyon sa aming ama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LoversWhere stories live. Discover now