Unfinished Song (Chapter 1)

374 13 4
                                    

Unfinished Song

"Music is my Painkiller...

my soul remedy,

my happiness

and the cause of my loneliness."

Christopher Musika at Celestine Aldeguer story.

CHAPTER 1 : THE HALF PIANO

"Tagu taguan maliwanag ang buwan pagbilang kong tatlo nakatago na kayo!... Isa! ..."

naglalaro kami ngayun sa gubat malapit sa mansyon, dito kami madalas naglalaro dahil napakaganda ng paligid sobrang sayang palaruan para sa mga batang katulad namin.

"Dalawa...!"

Takbo lang ako ng takbo naghahanap ng matataguan.

"Tatlo...!

nakapagtago ako sa isang malaking puno.

"Hahanapin ko na kayo! Magtago kayong mabuti! hahahaha!" Sigaw ng batang lalaking taya sa laro namin.

"MA~MA~!" napasigaw ako sa gulat ng biglang may nalaglag na prutas sa puno kung saan ako nakatago.

"HAHA! Celestine matataya ka na lagot ka sakin!" Sigaw ng batang lalaki. Tinatakot niya ba 'ko dahil alam na niya kung nasaan ako? hindi pwede 'to!

Tumakbo ako para lumipat ng matataguan pero sa pagtakbo ko, bigla nalang akong nadulas! sa bilis ng pangyayari nakita ko nalang ang sarili kong malalaglag na sa bangin.

"CELESTINE!" rinig kong sigaw ng batang lalaki. Dali dali niyang hinawakan ang kamay ko para tulungan akong maiangat ang sarili ko, pero nung malapit niya na akong maiangat ... 

"AHHHHHHH----"

"LADY CELESTINE! LADY GISING HO!" rinig kong boses ni manang eya ang personal yaya ko siya na ang nagbantay sakin simula nung 8 ako. Simula nung nawala si mommy.

"Nanaginip nanaman ho ba kayo? tungkol nanaman ho ba dun sa batang lalaking nakabitaw sa sainyo sa bangin?" tanong ni manong rex.

"oho. malapit na ho ba tayo sa mansyon?" kalmadong boses ko. madalas ko kasing napapanaginipan ang batang lalaking 'yon. Hindi ko siya kilala dahil hindi rin malinaw ang mukha niya sa panaginip ko.

"medyo malayo layo pa ho Lady celestine." sagot naman ni manong rex.

Ako nga pala si Celestine Aldeguer i'm 16 years old, ang nag iisang anak na babae ng mga Aldeguer. Ang pamilya namin ay kilalang isa sa mga bigating pamilya sa buong asia. Kaya 'eto ako ngayun nagsusumikap na patunayan sa mundong, anak nga ako ng isang kilalang tao. Pauwi ako ngayun sa mansyon dahil pinapatawag ako ng aking ama, may importante raw siyang sasabihin.

Iba ang pakiramdam ko tungkol rito kailangan naming bilisan dahil gustong gusto ko ng malaman ang importanteng bagay na yun.

Nilibang libang ko muna ang sarili ko, tutal malayo pa naman daw kami sa mansyon. Tinitignan ko ang bawat burol na nadadaanan namin, maya maya lang ay may naka-agaw ng pansin ko isang lalaking nakatayo sa itaas ng burol hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. May kung ano sakanya na hindi ko mawari.

***SA MANSYON***

"Welcome po Lady Celestine." sabi ng isa sa mga butler namin.

"Where's Dad?" tanong ko sakanya.

"Pinapasabi niya po na dumiretso ka ho sa Library."

Pagkasabing pagkasabi niya nun ay dumiretso na ko sa Library.

"Hi Dad" malamig kong tono.

"Nice to see you again my dearest daughter. how are you?" hindi ko gusto ang tono ni dad. mukhang may plano nanaman siya. oh! oo nga pala ano pa bang bago lagi naman siyang ganyan? He's always the boss.

"Spill it. Dad" sagot ko. ayoko nang pahabain pa ang usapan namin ni daddy dahil masyadong panget ang atmosphere namin lagi ni dad.

"lilipat ka na ng school." diretso niyang tono.

"Ha!? But why?" ano nanaman bang naisipan niya?!

"No but's. Just transfer to another school."

"Okay" 'yun nalang ang nabanggit ko.

What's new? lagi naman siyang ganyan simula nung nawala si mom.

Pagkatapos naming mag-usap ni dad lumabas na ko ng library niya.

naglalakad ako nang bigla ako napatigil ako sa pintuan ng music room ni mom. Sinabihan ako dati ni dad na wag daw akong pumasok dun. Pero gusto kong pumasok, gusto kong makita kung ano ang meron sa loob. Wala naman sigurong masama kung tingnan ko di ba?

Pumasok ako...

Nagulat ako sa nakita ko.

Isang kalahating piano. Habang tinitignan ko 'yun may kung ano sa pianong 'yun na parang inuutusan akong tumugtog...

*Playing Ang Huling El Bimbo*

Naalala ko lagi si mama sa tugtug na to.

naalala ko yung mukha niyang maamo habang tinutugtug niya to.

Pinapanuod ko kasi siya lagi kapag tumutugtog siya ng piano.

Pagkatapos kong tumutog, dahan dahan akong lumabas sa kwartong 'yun. Pero paglabas ko may naramdaman akong masakit na dumampi sa pisngi ko, sa bilis ng pangyayari hindi ko namalayang nasa harapan ko si dad. nagulat ako di ko akalaing sinampal niya ako.

"SINABIHAN NA KITANG WAG NA WAG MONG BUBUKSAN ANG KWARTONG YAN! SINUSUWAY MO NA BA AKO CELESTINE? HA?" Pasigaw niyang tono.

Nanlambot ako, nanginginig ako sa sobrang takot. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya tumakbo ako papunta sa kwarto.

Hingal na hingal ako.

Pagka upo ko sa kama ko. napaisip ako bigla. 

Baket kaya ganun nalang ang reaksyon ni daddy?

Baket sobrang galit siya?

ano bang meron sa room na yun?

well, may half piano dun pero anong nakakagalit dun?

OH! Yung Half Piano! baket kaya ganun 'yun? Where's the other half?

***AUTHOR'S NOTE *** 

This book is a work of fiction. Any references to historical events, real people, or real locales are used fictitiously. Other names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination, and any resemblance to actual events or Locales or persons, living or dead, are entirely coincidental.

My first book... I follow-up ko po agad ung next chapter.. every week mag update me ng dalawang chapter.. nawa magustuhan nyo po... :3 <3

Gusto ko nga pala mag pasalamat sa pinsan ko.. sya writer ko... tamad ako mag sulat at mag type... kinukwento ko sa kanya... para isulat or type nya.. hahah.. thank you so much ..Lorrie Kate Tenidor.. ENJOY.

Unfinished SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon