"Cut!"
"Zelle, pagpahingahin muna natin yung cast? Kanina pa tayo nagrerehearse. Ilang oras na tayo dito e."
"Psyche, pasabi na lang magbihis na sila. Tara pahinga na tayo. Teka tawagin mo na lang saglit."
"Guys!" Sigaw ko. Rinig na rinig yung boses ko siguro sa labas. Nag eecho dito sa loob ng theater yung boses ko. Geez.
"Guys, you did a good job. Ang galing nyo, super. Ready na ba kayo para bukas? Kaya na ba?"
"Sus, kaya na yan beshy!"
"Ay. I love the spirit. Sana hanggang bukas yan a."
"Omaygad. Grabe yung spirit ng tinatamad kanina e oh."
"Malamang, uwian na e. Hahah"
Nag-aasaran na sila. Ansaya lang, dati nyan nagtatalo pa yan o di kaya pagdating dito, nagcecellphone. Tapos ngayon ganito na kami.
"Okay guys, bihis na tayo. Uuwi na tayo! Hahah! Pakipractice yung script mamaya pag uwi ha?" Sabi ko. Wala lang. Feel na feel ko magpaka-leader ngayon.
"Si Zelle parang nanay. Nakakatouch. Ayie."
"Baliw ka na Psyche. Uwi na baho mo na."
"Weeeh. Sabi nung di naliligo."
Baliw to si Psyche. Bespren ko talaga to. Aba. Naliligo kaya ako! Ambaaad :<
"Oi naliligo ako! Sama neto sakin e. Nagshashampoo ako, conditioner, sabon, hilod, toothbrush-"
"Beh di ka tumatae? Ihi? Omaygad saan mo nilalabas yung dumi mo? Sa bibig? O sayo lang? Velle wag kang manghinayang sa wastes mo may dadating pa dyan Velle." Pang-aasar ni Psyche. Sira ulo to a.
Natawa kaming lahat sa sinabi ni Psyche. Ang ganda lang e. Yung usapan namin, mula sa mga paalala, pagiging nanay, ngayon naman sa pag-ligo. Jusko.
"Che! Uwi na mga panget. Traffic sa EDSA guys uwi na!"
"Ay oo nga. Nubayan."
"Tara tara uwi naaa." Kinuha na namin mga bag namin at tumayo. Nilakad na namin palabas ng nagtatawanan.
"Byee mga babes bukas a? Mwaps labyuuu~" sabi ko at sumakay sa kotse ko.
-
Matapos ang ilang oras (oo, ORAS.) ay nakauwi na ko sa condo ko. Ang weird ng pakiramdam. Bakit ganun? Hayst.
Derederetso na ako sa kama ko at humiga. Ghad. Nagtatayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang creepy ng vibe.
"Hey there~"
Shit. Ano to?
May lalaking nakatayo sa harap ng kama ko.
Naka-puti sya, as in all white. From head to toe. Pati hat nya, white.
"Sino ka?"
"I'm someone that you've been waiting for since forever."
Huh?
"Kuya, wag mo kong ginag*go okay haha. Seryoso. Sino ka ba?"
"I'm Denovan Smythe, and I'm here to guide you. I'm.. I'm all yours."
YOU ARE READING
No Barriers
Teen FictionClyzelle Maurice San Pablo. Sexy, maganda, matalino, lahatin mo na. She looks so perfect from inside and out. Or is she? Enter Denovan Smythe. He may not seem to look like it, but he's something out of this world. Maybe literally. What could pos...