TAMA NA✋
Isa,dalawa,
dalawang salita na aking binitawan upang matuldukan na ang ating walong bwang pagmamahalan.
Pero teka,nagmahalan nga ba?
Kasi parang ako lng yung driver ng isang sasakyan at ikaw yung pasahero na nakisakay lng.
Nakisabay sa byahe ng ating relasyon.
Mga swabeng byahe dahil sa tuwid na daan na ating tinahak.
Sa sobrang swabe ay puro saya,kilig at tuwa lang ang nararamdaman.
Pero tulad ng mga daan may mga lubak lubak rin kung saan nagkakaroon tayo ng mga problema at di pagkakaunawaan
May mga oras na naflaflat ang gulong ng sasakyan dahil naubusan ng hangin,
tulad ko na nauubusan narin ng pasensya dahil sa madalas na pag-aaway at di pagkakintindihan natin.
Pero kaya ko pa,magagawan pa ng paraan.
Palalagyan ko ng hangin ang gulong upang muli nanamang bablik sa dati at ipagpapatuloy ang byahe ng ating relasyon.
Pero tulad ng isang destinasyon,may hangganan at may katapusan ang lahat.
Nakakapod din pla ksing mag drive mag-isa.
Yung ako lang ang kumukontrol ng nobela upang magpatuloy ang ating relasyon.
Yung ako lang ang gumagawa ng paraan upang malutasan ang mga problema't gusot ng ating hidwaan.
Ganun pala ang pkiramdam,kahit gaano pa kaganda nag-umpisa ang byahe ng isang relasyon kung sa patuloy na byahe nito ay maraming problema ang darating na ksing dami ng lubak lubak na daan na tinatahak ntin, masasabi ko nlng sa sarili ko na TAMA NA.
Nakakapagod din kasi.
Mahal na mahal kita pero di na tama pa.
Ayoko nang ipagpatuloy pa kasi paulit-ulit lng din naman ang nangyayari.
Magiging masaya,magkakaroon ng problema,mag-aaway,kaya lalambingin kita't bibigyan ng tsokolate at pulang rosas na iyong paborito at sa huli ay magkakabati.
Hanggang sa mag-aaway nanaman at mauulit at mauulit nanaman.
Ayoko mang bitawan ang iyong mala cotton candy na kamay sabay sabing,
"mahal malaya ka na",pero kailangan na talaga.
Kasi sa bawat mahigpit na pagyakap at
paghawak ko ng iyong mga kamay ay ang iyong maluwag na pagkapit na parang ngpapahiwatig na "please,bumitaw kna".
Ang sakit2 kasi matagal ko ng nararamdamn na parang may iba.Parang may nag-iba.
Pero dahil siguro ako'y nabulag sa pagmamahal ko sa iyo,di ko na nkita ang mga kamaliang nagawa mo at kilos mong nagpapahiwatig na "ayoko na pero hihintayin ko nlng ang panahon na mapagod kna at masabing mong malaya kna"
Masarap ba talaga sa feeling yung manloko at mag-paasa?
Kasi kung oo,ipagpatuloy nlng natin ang byaheng ito at magpalit tayo ng pwesto.
Yung ako nanaman ang magloloko at ikaw tung niloloko.
Pero Mali.
Bakit ganun?
Hindi ko kayang gawin ang mga bagay na nagawa mo sa akin?
Bakit hindi ko kayang burahin ang pagtingin at pagmamahal ko sa iyo tulad ng ginawa mo sa akin?
Bakit?
Pero magpapasalamat parin ako sa kabila ng sakit,hapdi at sa lahat.
Kasi tinuruan mo ang pusong kong magmahal ng tapat.
Salamat ksi tinuruan mo akong maging mapakumbaba at mapag-aruga.
Salamat sa mga ngiti na iyong ibinigay sa aking mga labi na matagal ko nang ikinukubli.
Salamat sa panandaliang pagmamahal at pag-aalaga na sa akin ay nagpapangiti.
Salamat sa panandaliang saya ng ating byahe.
Maraming salamat.
Sana sa susunod na byahe na iyong destinasyon ay mkita mo na ang taong magiging driver mo papuntang happily ever after.
Sana magkaroon ka ng forever,forever na hindi na natin mararanasan.
Forever na ako lng pla ang nangarap
Forever na sa simulat sapol ako lng pla ang naghahangad.
Sana ay maging masaya ka sa yakap at sa piling ng taong magiging kapalit ko.
Tama na,masyado na akong ma drama.
Pero hyaan mo akong sabihin ang mga katagang ito sa huling pagkakataon,
Mahal na mahal kita at palagi mong pagkakatandaan na palagi kang magkakaroon ng lugar sa aking puso pero hindi na sa aking buhay.Paalam.
YOU ARE READING
Tama na
PoetryIto ay isang tula na aking isinulat para sa aking pinsan.Tula na naglalaman ng kanyang unang pag-ibig💔