Annyeong! Nung bata ako ang pangarap ko talaga makapunta sa Korea. So eto na nga nakapunta na ko sa Korea kahit di ako masyadong matalino, nag aral talaga ako nang mabuti para maabot ang mga pangarap ko. So ayun na nga ulit. HAHA. Ang paghihirap ko napalitan ng kasiyahan. Ako nga pala si Vivien 18 years old. Babae. Halata naman diba? Peace :D
Sa Seoul ako pumunta kasi nalaman ko na pede mong makita sa personal ang mga Koreano. HAHA. Kpop addict din kasi ako kaya ko gustong pumunta din dito.
One night galing akong club pag uwi ko super lasing na lasing ako tapos may isang lalaking lumapit saken di ko kilala, kasi nahihilo at iba na yung paningin ko tapos super lasing pa ko.
Di ko na nga kaya umuwi nun eh. Natumba ako sa harapan nya. Kinakausap nya ko at tinatanong kung san ako nakatira at anong pangalan ko pero wala, di ko na talaga sya makausap dahil wala na talaga ko sa sarili ko. Inuwi nya muna ko sa bahay nya at dun pinatulog.
Kinabukasan nagising na ko super sakit ng ulo ko may hang over yata ako? Lumabas ako ng kwarto para mag C.R pag labas ko ng kwarto walang tao pero nakabukas ang T.V at may mga damit na panlalaki sabi ko sa isip ko sino kaya ang nag patuloy saken dito? Lumabas na kong C.R at pumasok ulit sa kwarto at natulog ulit ako.
Pagka gising ko ulit ng hapon may isang lalaking nakatitig saken di ko alam kung sino pero pag ayos at pagdilat ng mga mata ko. MAYGAAD! Si GDragon! Bigla akong bumalikwas kasi nakakagulat talaga. Nagtanong sya kung anong pangalan ko, sabi ko Vivien san daw ako nakatira. Bakit daw ako lasing na lasing kagabi, wala nakatingin lang ako sakanya nakakashock naman kasi talaga eh. Nagtanong pa sya kung kumain na daw ako sabi ko hindi pa, sabi naman nya lumabas ka na jan at kakain na bumili ako ng makakain. Syempre in English words! XD
Lumabas na sya syempre di talaga ko makapaniwala, makita mo ba naman si GD eh sino hindi mashock dun. Bago ako lumabas nag ayos muna ko. Syempre bagong gising eh. HAHA. Lumabas na ulit ako ng kwarto at pumunta na ng kusina para kumain nang malapit na ko ang dami nilang nakaupo doon sa lamesa, lima sila. Nagtago kagad ako sa likod ng ref nila pero nakita ko ni GD at hinila papunta sa mesa habang nakatakip ang mukha ko. Pag tanggal ko ng kamay ko. Waah! Nasuper shock talaga ko. It's BIGBANG na yung nakita ko! Pinakilala ako ni GD kila T.O.P, Dae, Ri at Bae. Habang pinapakilala nya ko namumula ko di ko alam kung bakit, nahihiya na kinikilig ako na ewan. HAHA.
Pagkatapos niya kong ipakilala, nagpakilala na silang apat magsasalita pa lang silang apat nagsalita na ko sabi ko "Kahit di na kayo magpakilala kilala ko na kayo dahil matagal na kong VIP at super Obsessed na ko sa inyo at mahal na mahal ko kayo." Syempre English din yan. HAHA. Sinabi ko talaga yun sakanila. Nakakatuwa nga eh nasabi ko yung gusto kong sabihin sa kanila kahit isang ordinaryong babae lang ako na obsessed na obsessed sakanilang lima.
Tapos na kaming kumain naghugas ako ng pinagkainan namin para naman din pasasalamat. HAHA. Tapos nun uuwi na ko pero bago ako umuwi nagpaalam muna ko sakanila at may sinabi pero sikreto nalang. Hinatid ako ni YB pauwi dahil masyado na ring gabi nun. Wala kaming imikan pero nagsalita ako sabi ko "Pede mo ba kong kantahan ng Haru haru kahiy Chorus lang."
Kinantahan nya nga ko, syempre nakakatwa ikaw ba naman kantahan ng isang member ng BIGBANG eh di ka ba matutuwa. Nang makarating na kami sa bahay ko nagpasalamat ako sakanya at sinabi kong mag ingat sya papauwi. Pagkatapos kong magsalita kiniss nya ko sa cheeks sabay sabi ng "Take care." at biglang umalis na sya.
Syempre. Kakilig, siguro hanggang sa pagtulog ko nakangiti ako. HAHA. Araw araw sinasamba ko silang lima, nakakatuwa talaga napaka swerte kong babae at nakita ko sila sa personal!
KAYA ETO AKO NGAYON, MINAMAHAL SILA LALO. ♥