Ang Letseng Troll Master [Jongdae FF]

293 9 4
                                    

PROLOGUE

Bakit ba nakilala ko 'tong taong 'to?

May saltik ba 'to?

Retarded?

Kalahi ni Budoy?

o sadyang papansin lang sa dyosang kagaya ko?

Yan ang maiisip mo kapag nakatagpo mo siya.. Well, As for me. Like now.

"Get out of here, You crazy clown dinosaur and that's an order!" Hiyaw ko nang sumulpot ang pagmumukha ng letseng camel slash dinosaur na ito.

Nandito ako ngayon sa may punishment room kung saan pinaglinis ako ng buong kwarto ng Guidance Counselor ng school. For what reason? For bringing a f*ckin dozen of flavored c*nd*ms which I never and will never ever do! God, Sa tanang buhay ko ni hindi pa ako nakahawak ng ganoon tapos may makikitang ganoon sa bag ko?! Ang salarin lang naman ay ang lalaking nasa harapan ko na ang sarap palisin ng nakakalokong ngiti at isubsob ang mukha sa sahig pampalit sa mop na kasalukuyang hawak ko at pinanglalampaso!

He's Kim Jongdae, Ang letseng may sa demonyo na pinalayas ni Satanas sa impyerno dahil hindi matanggap na daig pa siya nito pagdating sa mga kagaguhan sa buhay. Kung sa katroll-an, katarantaduhan, Pranks at barahan lang, Aba'y wala ng tatalo sa lalaking ito. Masyado siyang pinagpala sa mga ganyang klaseng kalokohan na kapag naranasan o nasample-an ka ay bigla mong masisisi ang nanay at tatay mo kung bakit ka isinilang sa mundong ito.. Oo, Ganyan kasi ang nasa isip ko.

"Order? Anong oorderin ko? Fastfood? Mcdo o Jollibee? Spaghetti o favorite mong chicken? Order na ako?" Ngumiti ito ng creepy ng parang katulad sa mga clown.

See?

Napatampal ako sa noo. There it goes! There it goes! His f*ckin troll attitude are attacking again!

"Can't you just f*ckin get lost??! Why don't you stroll yourself over the mountain?! Baka doon makahanap ka ng mga kapwa mo endangered dinosaur na mukhang camel!"

Pumalatak ito.

"Uh, No no no.. Kung mamumundok ako, Paano na ang mga fangirls ko? Paano ko masasabi ang famous words kong "Thanks sa 10M likes sa handsomeness ko na alam kong nakakapagpalaglag sa mga panty niyo?" Sabay nagpogi pose.

"Pero teka, May wifi ba doon? Baka sakaling i-consider ko ang suggestion mo," Then he wink his eyes slowly like a camel.

I growled, crawled and position my self, Ready to jump out of the window.. Yeah, right now I'm willing to face death rather than continuing this nerve wrecking conversation.. Palayo sa kaletsehan ng hinayupak na Troll Master na ito.

© 2014 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or  by any means without prior consent or permission of the author. PLAGIARISM is a CRIME. 

STORY POSTED: JUNE 9, 2014

-@GirlWhoCauseTrouble

Ang Letseng Troll Master [Jongdae FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon