3 days na ang lumipas since nung nag-audition ako.
Pero wala pa din naman announcement kung sino ang napili nila.
Nakabalik na din si Jihoong mula sa concert nila sa Japan.
At sabi nya na naibigay nya daw yung cd kay president at nagustuhan naman nito, yun nga lang daw, hindi pa sya maire-release. Kelangan daw kasi makagawa ng full album meaning kailangan madagdagan pa ang kanta ko. Pero wag daw akong mag-alala dahil may pinag-cocompose na sya ng kanta para sa album ko.
Gayunpaman, naging national anthem naman ito sa aming tahanan.
Proud ako sa family ko, sobrang supportive talaga nila sa'kin, para sa kanila isa na akong singer.
Kaya lang kapag pala araw-araw mo ng naririnig nakakasawa din pala.
Nakakaumay kumbaga.
Paggising sa umaga yun na ang pina-patugtog ni Nanay Miriam. At hanggang sa magising na kami yun pa rin ang maririnig mo.
Paano ba naman na hindi ka magsasawa.....
"Nanay Miriam, hindi po ba kayo nauumay dyan?" tanong ko isang umaga ng magising ako at marinig ko ulit ang kanta.
"Anu kang nauumay? Hindi kaya. Sarili mong kanta kinasasawaan mo? Alam mo bang nagustuhan nga din yan nung katulong dun sa kabilang kanto na si Bekang, sa katunayan nga ipinasa nya pa sa cp nya yung kanta mo at papakinggan nya daw habang nagtatrabaho sya." sabi ni Nanay Miriam.
"Talaga po nay?!" tanong ni Joey.
Papasok na din sya sa kitchen ng marinig nya ang usapan namin ni Nanay Miriam.
Dumiretso na ito sa lamesa para magtimpla ng kape.
"Nay, lahat ng sobra nakasasama. Im sure nangungutang lang yun kaya kayo inuuto" biro ni Joey.
"Naku! Isa ka pa! Ayy, sya nga pala, puntahan mo na nga pala yun at nagtext na sa'kin magbabayad na daw sya kaso hindi sya makaalis ng bahay ng amo nya , wala daw maiiwan duon. Kaya nakiusap na kunin ko na lang. Wala naman kayong lakad di ba?" tanong ni Nanay Miriam.
"Sabi ko na nga ba. Sige po pagkatapos kong mag-almusal puntahan ko." sabi ni Joey na nagsisimula ng kumain ng almusal na inihanda ni nanay Miriam sa mesa.
"Ate, yung mga kaklase ko pala gusto din magpa-bluetooth ng kanta mo..ang sabi ko hantayin na lang nila yung album mo. malapit na i-release...hehe...Astig!" si Khyle na paupo naman sa tabi kong silya.
"Alam ba ng mga classmate mo na ate mo ang kumakanta dyan?"tanong ni Joey.
"Sinabi ko...pero...ayaw nilang maniwala. Mga engot na yun!" malungkot nyang sabi.
"Tsk! Hindi pa naman ako sikat para ipagmalaki mo, tsaka hamo sila kapag sumikat na'ko, pupunta ako sa school mo at sasabihin kong, kapatid kita." sabay yakap sa likod ni Khyle.
"Talaga ate?!" tanong nya with excitement.
"Oo naman kaya bilisan mo na dyan at male-late ka na." sabi ko naman.
"Eh, alam ba ng mga classmate mo na super close kayo ng leader ng Bigbang? Anung comment nila dun?" tanong naman ni Joey.
"Akala nila pumupunta lang ako sa event ng bigbang tas nagpapapicture kaya daw may mga solo picture kami ni Jihoong", sabi ni Khyle.
"Anu ba yang mga classmate mo ang hirap naman palang paniwalain. Sabihin mo sa kanila masama din kamo yung sobrang walang tiwala sa kapwa. Trust-trust din pag may time." sabi naman ni Joey sabay higop sa kapeng hawak nya.
BINABASA MO ANG
My Idol My 1st Kiss!?
RomanceSi Eunice Kim. Isang trainee sa Starbuilder Entertainment. Nag-audition at nakapasa sa isang upcoming drama na ang main actor ay si Lee Minho. Ang idolong matagal na nyang pantasya. Ang hindi nya inaasahan, ang idolo nyang ito ang magiging firs...