This is a NOT organized chapter. Tab lang po ang gamit ko since nasira ang charger ng laptop. Nababasa pa naman siya. Diba? so, huehue, tiyaga muna.
Dedicated kay Pia, thanks for being so participative. I love you.
ARIA ------------------->------Peach's P.O.V.-----
Lumingon kami dun sa nagsalita. Kinakabahan na ako as in.
"Nagkamali ako. Hindi na ikaw ang dating Coleen na kilala ko." HA? May naguusap din pala sa likod namin na magjowa. Kinabahan ako dun ah.
"Sana hindi nalang ako ang naging girlfriend mo ganun? EDI BREAK NA TAYO!" Sigaw nung Coleen dun sa boyfriend niya. Hala! Akala ko nahuli na kami.
Nagtinginan naman kami ni Seven.
"Phew. That was close." -Seven
"Oo nga eh. Hala. Akala ko kung ano yun. Bwahaha." -Ako
"Come here." Sabi niya habang naka action ng hug.
"Hmm?" tapos pinapalapit niya ako. "Dali na."
Kaya ayun, lumapit ako sa kanya.
Di ko naman inaasahan na iki-kiss niya ako sa noo. Hala! Ang mga pimples ko diyan.
"Oyy, chinachansingan mo na ako ah." Tiningnan ko siya. "Kakasuhan na talaga kita ng Breach of Contract."
"Hala? Grabe naman."
"Ikaw kasi, walang camera tas dikit ka ng dikit sa'kin. Ano ba?"
"Eh kasi naman ang bango-bango mo."
"Ang bango? Ha? Grabe naman yang pang-amoy mo Seven. Buntis ka ba? Downy lang 'to eh."
"Passion?" -Seven
"Happiness 'to." -Ako
"Kaya pala mabango."
"Hmmm." Tapos pumikit ako habang nasa likod ko siya, naka yakap.
"Nga pala, bakit wala ka pang boyfriend?" na-shock naman ako sa tanong niya.
"Grabe? Diretsahang tanong? Kuya Boy?"
"'De seryoso. Maganda ka naman, mabait ka pa, tapos matalino. Ba't walang boyfriend?"
"Oy may nanliligaw!"
"Kapal mo krung ah."
"Haha. Pero basted naman halos lahat."
"Ang swerte ko pala?"
"Hala? Bakit?"
"Kasi naging boyfriend mo'ko." Sinampal ko naman siya. Yung mahina lang.
"Hala! Hambog mo ah. Wala na akong choice eh. Donchaworry."
"Ambakla mo Peach. Para na rin akong pumatol sa bakla."
"Hoooy ikaw kaya ang bakla sa'ting dalawa. Wag kang eng-eng."
Pumagilid naman ako at kumalas sa pagkakayakap niya.
"Oy, sasama ka sa excursion?" Nga pala, mag-eexcursion kasi ang lahat ng college. And then 2nd year kami, next week na ang alis namin papuntang Zambales. Since ang mga 1st year sa Batangas sila sa week na 'to. By course nga lang ang aalis, kaya one week talaga. Pero three days naman ang stay doon. Tsaka eto pa, kasabay namin ang Liberal Arts Psychology at ang Architecture. Co-incident ba naman.
"Oo, diba isa rin yun sa requirements?"
"Yeah,"
"Excited na ako sa mga mangyayari sa Zambales." Tapos nagsmirk siya. Ohh~ Naughty.
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...