Loving My Bully:Prologue

34 0 0
                                    

"A-ah--!" Impit na sigaw ng isang dalagita sa loob ng isang abandonado at bakanteng silid nang biglang hilain ang kanyang buhok. Hindi niya maipagkakaila na masakit at sobrang nasasaktan na siya sa pinanggagawa ng mga bullies sa kanya.

"Awww. Kawawa naman si Baby Karina natin. Huhuhu." Umakto pang nalulungkot si Melissa na siyang may hawak ng kanyang buhok.

"Naaah. She's not. It's just right for a bitch and a boyfriend stealer!" Sabi pa ng kinikilalang leader sa tatlong nambubully kay Karina, si Dalia.

"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya dahil sa kanyang narinig. Dahil kailanman ay hindi niya nagawang umagaw ng lalaki.

"Karina Ellianese Alvencio is now acting innocent." Tumayo si Dalia sa kinauupuan at sinipa sa hita si Karina, dahilan upang mapa-upo ito sa sahig at mabitawan ni Melissa ang kanyang buhok.

"Hindi kita m--maintindihan Dalia. Hindi ako mang-aagaw. At kailanman hindi ako magiging mang-aagaw!" Pinilit niyang magsalita sa kabila ng sakit na kanyang nararamdaman.

"Uhuh? So, what do you think does this means?" Isinampal ni Andrea ang mga litrato kay Karina.

Maluha-luhang dinapot niya ang mga litratong isinampal sa kanya at tinignan. Nagulat siya sa nakita, siya at ang nobyo ni Dalia ang mga nilalaman ng litrato. Kapansin-pansing siya pa ang nagmumukhang lapit ng lapit kay Eros, ang nobyo ni Dalia. Naisip niya marahil ay pinagplanuhan ang anggulo ng pagkuha ng litrato, at nang siya ay madiin.

"Napipi ka yata?" Lumuhod si Dalia upang makapantay si Karina.

"H--hindi to totoo! Siya--si Eros yung lapit ng lapit hindi ako!" Umiiyak na sabi niya. Alam niya na dahil sa pangyayaring ito ay nalalapit na naman siya sa disgrasya.

"Don't even try to lie woman! The pic says it all!" Galit na wika ni Dalia.

"Pero Dali--"

"And don't even try to call me by name. Di tayo close" Mataray na pagpuputol ni Dalia sa sasabihin dapat ni Karina. "Call me Miss Clemencio" Dugtong pa niya.

"Miss Clemencio, totoo yung sinasabi ko. Hindi ako ang lumalapit kay Eros dahil hindi ko gawain iyon."Aniya habang umiiyak.

"Do you think Eros will come near you? Ikaw na panget, low class at malandi? I know he won't." Nakangising sabi ni Dalia.

Nagtawanan naman sina Melissa at Andrea sa narinig. Si Karina naman ay tumahimik at yumuko na lamang dahil hindi na niya kayang depensahan ang kanyang sarili.

"Napipi kana yata? Asan na yung bibig mong dada ng dada pag lumalandi ka kay Eros?" Ani Andrea habang tumatawa.

"Maybe she's preparing her words for Eros." Ani Melissa.

"Probably." Pagsang-ayon ni Dalia sa sinabi ni Melissa.

"Alis na tayo, girls. Isang oras ng nawawala ang dyosa sa campus." Sabay talikod na ni Melissa at hinawi ang mahabang buhok.

"Tatlong dyosa Mel." Pagtatama ni Dalia.

Sinipa muna ni Andrea si Karina sa braso bago umalis. Si Dalia namang nangigil parin ay humirit pa at sinabunutan siya. Walang siyang ginawa kundi humagulgol habang ginagawa nila ito.

"Remember bitch, pag lumapit ka ulit kay Eros, hindi kang yan ang aabutin mo" bulong ni Dalia sa kanya.

With that, umalis na ang tatlo sa silid at nilock nila ito. Hindi maipagkakailang ilock man nila ito o hindi, wala paring makakapansin at makakatulong kay Karina.

Hagulgol at daing nalang ang nagagawa ni Karina. Hindi na niya alam kung ano pang palusot ang kanyang gagamitin sa kanyang Daddy pagka-uwi niya.

Wala sa kaalaman ng lahat na isang anak ng mayaman na businessman si Karina at isang fashion designer ang kanyang ina. But she hates fame, which made her to convince her dad na gamitin ang maiden surname ng kanyang ina at pumasok bilang scholar . Little did she know na magiging ganito ang epekto ng ginawa niya.

Pero kailanman ay hindi niya ito pinagsisihan.

*Bell rings*

Nang marinig niya ang bell na siyang hudyat na tapos na ang 1 hour break, pinilit niyang tumayo at sinubukang buksan ang pinto. Nagsisigaw siya ngunit walang kahit sinumang sumasagot o nakakarinig sa kanya.

"Tulooong! Buksan niyo toh!" Sigaw ulit ni Karina ngunit wala parin. Inilibot niya ang tingin sa silid, humihiling na mayroong pwedeng ipambukas sa pinto.

Maswerte namang may isang bato sa sulok malapit sa sirang mesa. Nagmadali siyang kunin ito at ipinukpok sa pinto hanggang sa mabuksan ito.

"Hayy." Napaupo siya sa sakit at pagod. Dahil sa sakit ng katawan napagpasyahan niyang pumunta na lang muna sa clinic.

"Oh, iha. Ikaw na naman. Naku! Mabuti pang lumipat kana ng eskwelahan iha, mapapahamak ka lang dito. Hayss." Ani ng nurse dahil palaging suki ng clinic si Karina. Alam din ng nurse na binubully siya.

"Ayoko po. Dito ko po gusto mag graduate ng hichschool, tutal last school year na naman ngayon eh." Ani Karina.

"Pasaway ka talagang bata ka. Higa ka muna dito." Ani nurse at iginiya si Karina upang mahiga.

"Okay lang po talaga ako. Sanay na din naman ako eh."

"Ewan ko sayo. Balita ko may transferee yung class niyo ah." Sabi ng nurse habang ginagamit si Karina.

"Ah opo. Pero hindi ko pa siya nakikita eh. I think ngayon palang papasok."

"Mag-ingat ka din dun. Usap-usapang kasi noong nakaraang linggo na may magtatransfer daw ditong estudyante na nakick-out sa ibang school dahil sa pagiging bully. At sa tingin ko siya na iyon. Hay, kabataan talaga ngayon." Mahabang sabi ng nurse habang na focus lamang sa paggamot.

"Ah ganun po ba. Mas mabuti na sigurong umiwas ako sa gulo, kaya iiwas na din ako sa mga bully. Pero hindi pa rin ako magpapakipat ng paaralan. Tatapusin ko nalang ang pag-aaral ko dito hnggang sa grumaduate ako." Sagot din ni Karina.

"Oh siya. Ikaw na bahala. Ang kulit mo." Sabay ngisi ni Nurse Klea.

Nagtawanan nalang silang dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving My BullyWhere stories live. Discover now