Panimula:
Lahat naman ata ng storya may bida at kontra bida. Lahat may Once upon a time, may panimula, prologue ganun. Sa totoo lang di ako naniniwala sa mga storya kase baka kaadikan ko at maniwala ako, Nakakatakot yun. Lalo kung wala naman akong lovelife, ayoko ren ng brutal, mga nakakadugong lines na kung makapagsulat ng english grabe.
Well pwede ko namang baguhin ang paningin ko sa mga yan lalo na kung ginawan ako ng sarili kong kwento, aangal pa ba ako kung bukal na iyon sa loob ng writer. Syempre para naman mashare sa inyo ang buhay ko, di ito madrama noh! Baka antukin lang kayo.
Humor? Hmm ewan ko! Di ko alam kung may humor ba toh. Horror? Hmm imposible wala namang multo sa buhay ko well maraming nagpaparamdam sakin pero, parang hangin, kahit kausapin mo di ka papansinin, galit kase ako sa bansa namin.
Kulang nalang magtayo ako ng samahan na laban sa pamamahala ng kaharian ng Welderia ang bansa na kinabibilangan ko at ang namumuno samin ay ang mahal na hari at reyna na pinaka-galit ako. Di naman kase tama ang pagtrato nila sa mga normal na mamamayan, palagi nalang gusto nila ang nasusunod.
Pano naman yung gusto naming mga nasasakupan nila? At chaka napakahilig nilang gumastos sa walang kwentang bagay, tuwing kaarawan nila at mga patimpalak nila na di naman makakatulong samin. May mga bisita pero bilang lang at puro mayayaman at lady ng bayan namin, at ang pinakakinaiinisan ko ay ang apelyido ko.
Wag niyo nang alamin sa ngayon, kase ayokong ipagkalat pero dahil ako ang bida dito at di maiiwasan yun, sa mga susunod nalang! Wag kayong mamilit pa! Wag maexcite dahil di kaexcite-excite yun! At wag magexpect ng magandang apelyido.
Dahil hindi! Sobra at kasumpa sumpa. Pero wala akong magawa kundi harapin, at dalhin dahil pagkakakilanlan ko yun.
Ang storya ko ay siguro puno ng puro nakakaewan at weirdong pangyayari, di ito fantasy, at ako magkakalovelife ba ako? Sana nga may tumanggap pa sa akin at apelyido ko.
"Sisimulan ko na ba? Miss W (WRITER) game na ba?"
W:kanina pa po kaya ang dami mong daldal.
Kita mo toh nagtatanong ako ng maayos pag ako nainis ipapacancel ko toh! Kala mo huh! Pero dahil wala nang time at baka nabubuang na kakaisip ang nagbabasa ay uumpisahan ko na in the name of may last name.
Teka san ko naman nahugot yun?! Bago yun ah!
"Eto na talaga! Okay..."
"Sa bayan ng Wilderia may mga namumuno malamang! At mga mamamayan, payapa sila at kuntento liban sa isa. Si Mei Randa na naninirahan sa maliit na probinsiya ng Wilbourne. Mahirap sila pero masaya ang pamilya nila liban sa kanya. Minsan kase di niya talaga matanggap ang apelyidong ipinagkaloob ng tadhana sa kanya. Ni hindi niya alam kung anung ginawa niya sa past life niya, at ganito na lamang siya kamalas malas, na mapagkalooban ng ganitong apelyido na dadalhin niya hanggang sa pagtanda."
"Sa kabilang banda naman, ang pamilya Oxford ang angkan na namumuno sa Wilderia ay may hari na nagngangalang, Steffan Duke Elizian Oxford at reyna na si Merylla Mendoza Fuentinilia Oxford at may anim silang anak. Ang panganay na babae na si Deianna Marize Mendoza E. Fuentinilia Oxford, sunod ang apat na prinsipe, sila Ethan George Mendoza E. Fuentinilia Oxford, Walter Sebastian Mendoza E. Fuentinilia Oxford, Airron Primitevo Mendoza E. Fuentinilia Oxford, at Heat Sky Mendoza E. Fuentinilia Oxford at ang huli ang bunsong prinsesang si Kianna Kaizylle Mendoza E. Fuentinilia Oxford."
"Sila ay ang susunod na mamumuno sa kaharian ng Welderia, masaya sila pero may kanya kanyang pag uugali, pero sa ngayon ay isisikreto na muna namin yan sa inyo para may suspence."
"Sa ngayon di pa kilala sa buong bansa ang pangalan ng mga nabanggit na prinsipe at prinsesa liban sa panganay na si Deianna Marize na siyang tumutulong sa hari at reyna sa pamamahala, at kung nagtataka ka kung bakit yun ay dahil di pa handa ang mga ito, wala pa sa tamang edad at higit sa lahat para makapamuhay sila ng simple sa labas ng palasyo, ng walang alinlangan. Marami ang nasasabik karamihan ang mga kababaihan dahil sa mga prinsipe na nabanggit, at eto ang matindi dahil walang kamalay malay ang mga ito na baka nakakasalamuha na nila ang prinsipe."
"At ang ilan naman sa lalaki ay inaabangan ren ang bunsong prinsesa. Si Mei Randa ang ating bida ay sabihin na nating walang kaalam-alam pagdating sa kaharian nila lalo na sa mga dugong bughaw o yung mga angkan ng Oxford."
Ang kwentong ito ay parang fairytale...
"Once upon a time there lived a Girl named Mei Randa, she never fails to amuse people for her determination and never fails to hate the Oxford clan but then One day everything changes, she met people, unexpected peoples that others would love to be in her place. The Prince's and the Princess's. Will she still hate them and curse on her mind if they love her."
One heart versus 4 hearts will she ever win? Or she will end up losing everything.
BINABASA MO ANG
Fairytale?! hindi totoo yun!
Teen FictionMei Randa hates some people on her life, lets say their whole kingdom and her family. Okay lahat lahat. Pero soon after she meet the princes, will she be able to understand their true meaning? Isang babaeng parang sinumpang dragon na isang prinsipe...