Pamagat: Raffle
*writer here*
^-^ hehe paalala ko lang po, medyo nakakaewan po ang mga pangyayari dito dahil engot ang napili kong bida sensya na po pero I bet baka po magustuhan niyo ang mga mangyayari. Toodles..******
Mei Randa's Point Of View
"Miss W, para san na toh?! Bakit may Point Of View pa?!"
"Basta! Mei, ganyan talaga yan, chaka... uhh...ehh.. para ano! Ano..teka ayaw mo nun?! Masasapawan yung sinusumpa mong apelyido."
"Tss palusot mo bahala ka nga!"
Tumayo ako sa pakikipagdaldalan kay Miss W, A.K.A ang Writer. Dahil dumating na ang next teacher namin sa History ng Oxford tss bakit na kailangan pa ng ganyan? Nakakawalang kwenta naman toh.
"Okay class, as you can see nalalapit na ang kaarawan ng isa sa mga prinsipe, at dahil maswerte ang eskwelahan ay may ipapadala tayong isang representative ng school na ito doon sa palasyo para dumalo. At para maging representative, ay may bunutan tayong magaganap kaya kumuha kayo ng piraso ng papel at isulat ang pangalan at section niyo doon."
Anunsyo ng teacher samin, na siyang kinakilig ng mga tao sa paligid ko. Wala eh nalalandian tuloy ako sa kanila kita niyo?! Impluwensya ng Oxford?! Lumalandi ang mga kababaihan kaya naman dapat talaga tinatanggal ang ganyang pamamahala sa bansa na ito?!
At representative na isa lang?! Sino namang kakausapin dun ng mamalasing mabunot?! Baka magtiwarik nalang yun sa pagkabored dahil mag isa lang siya na taga Saint Welderia Academy at imposible namang makatagpo yun dun ng kaibigan lalo pat mga dugong bughaw na Oxford ang nandoon!
Naku kung ako sa kanila di ako magpapasa dahil aksaya sa oras yan at anu naman ang makukuha namin dyan?! Bakit may paganyan ganyan pa.
"Miss Tabayag!"
At chaka kung ganun, teka di kaya isa na naman sa tradisyon ng bansa ito?! Imposible anu yun kababawan?! Na iniisip nila na baka kawawa naman ang iba nilang nasasakupan na hindi makatikim ng ganoong ka-engrandeng kaganapan?!
"Miss TABAYAG! Are you listening?!"
Sigaw ng Teacher sa buong klase na ako lang naman ang tinatawag, oh diba di man lang nagtagal nalaman niyo agad ang kahihiyang ngalan ko, nyemas talaga, bakit ba kamalas malas ng apelyido ko?!
"Mei Randa Aronda TABAYAG!"
Sigaw ng teacher, yung totoo?! Broadcast?! Kailangan ipagsigaw?! Naririnig ko na ngang nagtatawanan ang mga kaklase ko, ang ganda kase ng apelyido kong kasumpa sumpa kaya para di na maulit ng teacher kong si..
"Yes Maam' Ambrocia?"
Namumula na siya sa inis, pwede ring nagblublush. Chaka di ko mapapalampas ang ginawa niya sa apelyido ko ah! Bastos!
"Pass your paper with your name ang section. Now!"
Nakakairita, pumunit ako sa kwaderno ko ng pirasong papel at nagsulat.
Mei Randa Aronda Tabayag- Faite
Nagdadalawang isip talaga ako kung ipapasa ko.
"Maam' para san po ba ito? Bakit may pa raffle kayo kung sino ang pupunta dun?"
Napatingin lahat sakin at nagtataka, kabisado naman nila ako so whats the big deal. Kaya naman nilakasan ko talaga ang loob ko na magtanong. Gusto ko kaseng tumutol.
"Miss TABAYAG, we are doing this because it is in the law and were doing this to make it fair and exciting for the students here at SWA."
Sagot nito sakin, kung ganun..
BINABASA MO ANG
Fairytale?! hindi totoo yun!
Teen FictionMei Randa hates some people on her life, lets say their whole kingdom and her family. Okay lahat lahat. Pero soon after she meet the princes, will she be able to understand their true meaning? Isang babaeng parang sinumpang dragon na isang prinsipe...