Love Potion (One-shot story)

1.4K 75 19
                                    

Dedicated to sakanya ^ Pinilit nya kong gawin to. Hahaha. ENJOY!! Don't forget to smile :--)

"Ano Daph, wala ka nanaman atang balak umuwi?" pangaasar sakin ni Kelo.

Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Andito kasi ako sa laboratory namin. As usual, nageexperiment nanaman ako. Halos araw araw andito ako. Hindi pala halos, talagang araw araw.

"Wala naman kasing mangyayari dyan sa ginagawa mo. Hindi yan eeffect, promise." Grabe, ang supportive nyang kaibigan no?

Naku naman kasi. Kasalanan nya to eh. Kundi dahil sakanya, hindi ko naman aaksayahin oras ko dito. Desperada na kasi talaga ako eh.. :-(

Gumagawa ako ng love potion para sakanya.. Sa bestfriend kong ubod ng manhid. Ilang anesthesia ba sinaksak dito at super manhid? Walang pusooo!! De joke lang. Pero hindi nya talaga alam na para sakanya to. Ang alam nya, trip trip ko lang to.

Pano ba naman tagal tagal ko na syang gusto di nya pa rin nararamdaman? Bulag ba to o ano. Juskonaman!!!

*boogs*

"Sht. Mali nanaman" sumabog nanaman yung gawa ko palpak huhu.

Napaupo na ko sa sahig sa sobrang depress. Napahilamos ko na yung kamay ko sa mukha ko sa sobrang inis.

"Ano ba naman yan Daph. Kelan mo ba kasi yan tatantanan. Wala namang mangyayari dyan eh" tinulungan nya kong makatayo.

"Alam mo, hindi mo naman kailangan gayumahin ang isang tao eh. Kung gusto ka nya, kusa syang lalapit sayo. Di mo kailangan manggayuma. Maganda ka naman eh" Maganda nga ako. Eh bakit di mo pa rin ako magustuhan? :( para saan pa yun diba? Ang drama ko na tuloy!! :(

"Tara na nga iuuwi na kita."

Hinatid nya na ko sa bahay namin. Libre naman syang pumunta dun kasi, bestfriends nga kami diba?

Kinabukasan,

Umagang umaga pumasok kagad ako ng school. Kahit 30 minutes pa bago ang first subject.

Gumawa ako ng bagong formula para sa love potion na yun. Sana naman tama na to.

Time na at nagklase na.

Nung uwian dumiretso na ko sa lab para subukan na ulit yung formula para sa potion. Tutal wala naman si Kelo ngayon kasi may training sila sa basketball. Gagawin ko na to. Muahahahaha

Nung medyo mag sisix na. Umuwi na ko dahil sobrang dami ko pang gagawin..

Kinabukasan. Hanap ako ng hanap sa formula ko.. pero wala.

"Shit asan na yun? Patay" isang kopya lang yun eh!!! :(

Love Potion (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon