Chapter 1

136 5 9
                                    

Chapter 1

5:45am na.

Kasalukuyan akong naglalakad sa school. Naliligaw pa ata. 1st day ko ngayon eh. Saka malaki yung campus. So may excuse. Haha.

Oo nga pala, 1st year college na ko!!! Grabe! Di ako makapaniwala! Ang bilis ng panahon eh. Woooh! Ano kaya mangyayari sakin mamaya? Kinakabahan ako eh. O.o Sino bang hindi?! Kita niyo! Sa sobrang kaba ko, nandito na ko agad sa school kahit mamaya pang 7:30am yung pasok ko. Oha!

Nadaanan ko pang nagfflagceremony yung mga guards. May ganun pa rin pala sila no? Oh well…

Umupo na lang muna ako. Wala pa masyado student dito eh. Masyado pa kasi maaga eh. Excited lang ata ako. Hayy… Mga athlete and staffs lang ata yung nandito eh.

Anyway, after so many decades and years…

Buti katapat ko lang nung kinauupuan ko yung building namin. So, hinanap ko na yung room ko.  Kaso 5th floor pa siya. Wooh! Exercise yun! Uh…well, may elevator naman pero mahaba pila eh. Kaya exercise na lang talaga. Wew! Iba rin yung logic eh no? Tinamad magintay ng sandali, kaya inakyat na lang kahit 5th floor. Haha.

So, ayun akyat-akyat din. Hanap-hanap ng Room 512. Then…

BLAM!

“Ay…! Sorry!” sabi ng isang babaeng maliit na kala mo andaming dinaanang bagyo makarating lang sa school. Ang gulo ng buhok, tapos haggard na haggard ang itsura. Parang ang bigat ng bag at ang daming dala, kahit na first day pa lang at wala pang pinapadala masyado.

“Ok lang. Sige.” Sabi ko naman. Nakakaawa na siya tignan eh. Baka pag sinigawan ko pa (na hindi ko naman kayang gawin), baka bigla na lang siyang malusaw. Yung ganun.

Then nagpatuloy na ko.

Nakita ko sumunod siya. Hala! Stalker ata to eh?

Kaya, ayun binilisan ko na lang yung lakad ko at hinanap yung Room 512. Binilisan rin niya. Hala!

Room 510…

Room 511…

Room 512!

Ayun! Sabay pasok!

Aba’y akalain mo at sumunod din siya?!

Kaya, ayun takbo-takbo kami sa classroom. Bakit niya ba kasi ako hinahabol?!!

Bahala na nga! TAKBOOOO!! Wahhh!!

But wait! Imbis na matakot ako, naawa na lang ako lalo nung nakita ko ulit siya. Lalo pa siyang nagging haggard! Pero kung titignan mo talaga siya…matatakot ka din eh. O.o

“Bakit mo ko hinahabol?” Tinanong ko siya.

“Eh kasi…tumatakbo…ka eh!” sagot naman niya.

“Wow ah! Nakipaghabulan?!” napahinto naman ako.

“Sorry naman!” sabi niya sabay napaupo. Di na ata kinaya. Kawawa naman talaga.

“Hmm…sige na nga. Teka, sino ka nga pala? Bakit ka nandito?” tinanong ko siya ulit.

“Ah…ako?” tanong niya rin sabay turo sa sarili.

“Hindi! Siya siguro!” Turo ko naman dun sa tabi niyang upuan. “Malamang ikaw!”

“Hehe. Sorry. Ok. Uh, I’m Gwynate Pinasabog. And dito yung room assignment ko.”

“Gwynate?Di ba dapat Gwyneth? Para tuloy grenade. Saka…Pinasabog? Nyahahaha!!! Seryoso?! Pinasabog talaga? HAHAHA.”

“Oo eh.  Hay…ganyan na lang talaga madalas na reaksyon sa pangalan ko. Hay…” sabi naman niya habang nakatingin sa baba.

“Ay! Sorry...Di ko sinasadya. Nagulat lang ako.” Sabi ko naman habang nagpipigil ng tawa. Kasi…HELLO NAMAN!

GWYNATE PINASABOG?!!

Kamote.

“Ok lang. Sanay nako. Pero pwede rin na Nate na lang itawag mo sakin. Ikaw ba?” Sabi naman niya.

“Oh…I’m Emerald McKenzie. Uh…nice to meet you?”  I say as I positioned myself for a handshake which she gladly accepted.

“Hehe. Thank you!”

Infairness. Ang gulo niya. Ambilis magbago ng mood. Oh well~

Anyway, pagkatapos nun nagtabi kami, magkaklase pala talaga kami. Tinabihan ko na lang siya, kasi wala akong choice, wala naman akong kilala dun eh. Haha. Joke!

Then, unti-unti ng nagdatingan yung mga tao dun. Tahimik pa rin yung classroom. Nagkakahiyaan pa eh. Saka wala pa magkakakilala.

Maya-maya…may tumabi samin. Isang babae, kasing height din namin ni Gwynate, kaso mukang seryoso. May salamin at may hawak na libro. Parang seryosong-seryoso sa pag-aaral. Hindi ngumingiti. Nakakatakot tuloy kausapin. Pero siyempre dapat, we should make friends diba? Kaya ayun, with all my might tinanong ko siya…

“Hi. What’s your name?” Naks! Umienglish pa eh no?

“Zyrene.” Sagot naman niya. Tumingin lang sandali, then bumalik na naman siya dun sa librong hawak niya.

Ok. Ganun lang talaga? Tipid? Di nagpaload? Hay…

“Awkward…” napabulong ako sa sarili.

“I’m not socially awkward. You simply failed to follow the script on my head for our interaction which I had meticulously written in advance.” Sagot naman ni Zyrene.

Narinig pala niya! Though di ko alam kung nagbibiro ba siya or what eh. Anong klaseng sagot yun?! Hay…kaya napatango na lang ako. Wew.

Then, after a few minutes…dumating na rin yung prof!

Wooh! At syempre, mawawala ba naman ang INTRODUCTION OF YOURSELF?

Malamang hindi.

So, ayun kahit nakakahiya kailangan gawin. Kailangan kapalan ang muka. Sigh.

Pero buti na lang, nasa gitna kami banda nakaupo, so hindi kami yung mauuna. Hindi rin mahuhuli. Tama lang. Hehe.

Then walang anu-ano…si Gwynate na yung magpapakilala. Ang bilis eh no?! O.o

“Hi…I am Gwynate Pinasabog (insert laughter of people here).  17 years old. I live in a house (laughter again). I like….”

“Sorry mam, I’m late.” Eksena naman nung…gwapong lalaki na bigla na lang pumasok sa pinto. Shocks! Nabighani ata si Gwynate! Di nakapagsalita. Todo titig! Pero, gwapo naman kasi talaga. Chinitong maputi at matangkad pa! Yung tipong mapapatigil at mapapalingon ka talaga. :”>

Then, guess kung saan siya umupo? Dun sa tabi ng upuan ni Gwynate!

AHEM.

Kung hindi lang nasa harap si Gwynate, iisipin kong…

“Uh…take your seat.” Sabi naman ni mam kay Gwynate. Then tinawag niya yung guy. Siya daw yung magpakilala. Di man lang niya napansin na hindi pa tapos si Gwynate magpakilala.

Anyway, kala ko ako na next eh. Hehe. Buti na lang. Whew!

Pero si Gwynate, di alam kung uupo o tatayo na lang dun eh. Katabi niya kasi yung gwapo eh. Haha. Muka pa naman siyang binagyo. Tsk. Pero wala siyang choice eh. Sabi nung prof, take your seat.

So, ayun pinadaan muna nung guy si Gwynate bago pumunta sa harap. Naks! Gentleman!

“Hi, I’m Kyle.” He said.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note: Soooo, what do you think? :) Medyo magulo pa yan, pero don't worry...mas lalo pang gugulo yan. =)) Comments? 

The Truth Lies in Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon