T w e l v e

20 3 1
                                    

Handsome Xiumin at the right side! (╥﹏╥)

*     *     * 

Halos tumalon yung kaluluwa ko ng bigla na lang may tumunog na parang bell? Jusmiyoo~! Sobrang nabigla ako dun! (•⊙ω⊙•)

Magtatanong sana ako kay Xiumin na katabi ko ng nakita kong nagtayuan silang anim at pumunta sa may harap ng pintuan na di naman ganun kalapit.

“Anong—“ hindi ko na naipagpatuloy yung sasabihin ko ng bigla na lang bumukas yung pintuan….

 at nagsipasukan ang napakaraming babae?!

“WELCOME LADIES!” magiliw na bati ng anim na alien—ay este ng anim na lalakeng nakatayo ngayon sa harap ng mga babaeng nagmistulang heart-shape na yung mga mata nila.

Okay. Anong nangyayari?...

Nasabi na lang isip ko. Bigla naman akong napatayo dahil sa hindi ko ang alam ang gagawin dahil sa mga nangyayari.

Agad naman na naglakad na yung mga babae papasok at kanya-kanyang naghanap ng pwesto. Sa tingin ko ay galing sila sa ibat-ibang year level. Kaya pala naghanda ngayon ng maraming pagkain, pero para san naman to lahat? May party ba? At bakit puros mga babae?

Napatingin naman ako sa anim na lalakeng yun na kanina ay nakatayo ngayon naman ay may kanya-kanyang ng pinagkakaabalahan. Si Xiumin na pinapalibutan na ngayon ng mga babae at sa tingin ko ay nagkekwentuhan silang lahat. Bakas sa mukha ni Xiumin na masaya siya dahil ngiting-ngiti talaga siya habang nagsasalita. Pati narin si Luhan, Chen, Lay, Kris at Tao ay pinapalibutan din ng mga babae. Nakangiting nakikipag-usap sina Luhan, Chen at Lay pero ang dalawang higante este yung dalawang matangkad ay poker face pa din?! Yung totoo? Bat ba lagi silang ganyan ang mga mukha? Parang laging sinukluban ng langit! ( ̄□ ̄) paminsan-minsan ay ngumingiti din sila pero bumabalik din naman kagad sa pagiging blanko. Pero kahit ganun, parang gusto-gusto pa din nung mga babae na makipag-usap sakanila at tuwang-tuwa pa sila. Nakuuu~ kung ako siguro lalayasan ko na kagad yan. Baka mapanis lang laway ko kakasalita!

Nakita ko namang may mga maids na pala sa loob at nagseserve sila dun sa mga babae na icoconsider ko nang mga bisita ng anim nato.

Shomay langs! Kanina pa ako dito na walang ginagawa! Di ko alam kung ano ba dapat kung gawin, kung tatayo ba ako, uupo na lang ba at pagmamasdan sila or lalabas na lang? Aishhhh~ OP alert!

Kung lumabas na lang kaya ako? Tutal wala naman akong gagawin dito kaysa tumunganga lang ako dito. Mas okay pa sigurong pumunta na lang ako sa library. *Ting!*

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa malaking pintuan at hahawakan na yung doorknob ng…

“Hey commoner girl.”

Dahan-dahan naman akong humarap sa nagsalitang iyon.

“Eh?”

The H.C. Club [EXO-M] Ongoing!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon