Chapter 8: Embarrass

39 2 0
                                    

Angela

Tahimik kaming nasa kotse habang nagdidrive si Kirby. I can feel the tension between us. Ang awkward na rin ng atmosphere. Pano naman kasi nun? Bigla na lang manghahatak at nakakasakit pa. Tiningnan ko ang wrist ko, naalala ko kung pano niya hatakin ako sa bar kanina. Hinawakan ko tuloy yung part na mahapdi. Ang sensitive pa naman ng skin ko. Nakita kong namumula ito. Nakita ko ring nakatingin si Kirby sakin na parang nag-aalala. Hindi ko pinansin yun. Nakakatakot pala siya kapag magalit. Dun ko narealize na ipinilig ni Kirby ang ulo niya sakin. Dun ko na rin nalamang nasa gilid na pala kami ng daan.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sakin habang hinahawakan ang kamay kong mahapdi dahil sa pagkakahatak niya kanina. Hindi ko na lang pinansin at iwinakli ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Parang nagulat naman siya sa ginawa ko at nanatili kaming tahimik. Para tuloy akong naguilty sa ginawa ko. Para akong iiyak. Naguguluhan din ako sa reaction ko, at nagulat din akong pinunasan niya ang magkabilang pisngi ko. Tumutulo na pala luha ko. Pucha! Ang dali ko pa naman paiyakin. I admit, I'm a crybaby! And it's freaking awkward to see myself crying in front a stranger!

"Sorry..." Sabi niya sakin habang pinupunasan ang mga luhang kanina pa umaagos ng malaya sa aking pisngi.

"Ayos lang yun." Sagot ko sa kanya at nagsimula na naman tumahimik ang sasakyan.

"Kilala mo ba yun?" Tanong niya sakin. Mas lalo akong yumuko dahil sa pagkapahiya. Sumama kasi ako sa taong di ko kilala tapos parang ako pa galit nung hinatak ako ni Kirby papalayo sa lalaking yun. Dapat nga magpasalamat ako sa kanya dahil pinrotektahan niya lang ako sa mga maaaring gawin nung lalaking yun sakin.

Tumingin siya sakin habang hinihintay ang sagot ko. Mas lalo akong yumuko. Kung kanina nakayuko na ako ngayon yukong-yuko na. Kung yung baba ko ay siguro namatay na ako dahil nasaksak ko na ang sarili ko dahil sa haba ng baba ko. Swerte na lang at di ganon kahaba ang baba ko. At ang swerte kong lumaki akong maganda. Anong konek? Basta! Ikonek na lang!

Nakita kong nakayukom ang kamay niya at parang alam niya na ang sagot.

"Sorry." Sabi ko na parang aminado sa kasalanan ko.

"Sa susunod, wag ka basta basta magsasasayaw lalo na't di mo kilala! Kung sakin lang yun, safe ka. Gwapo ako eh." Sabi niya naman sakin at hinawakan ang baba kong kanina pa nakayuko. Napatingin naman ako sa mga mata niya. Agad niyang iniwas ang mata niya at tumingin ng diretso sa kalsada. Inistart niya ang sasakyan and then muling nagsalita,

"Wag ka yumuko. Pasalamat ka di mahaba yang baba mo. Kung mahaba yan nako! Nasaksak mo na sarili mo." Sagot niya naman habang tumatawa tawa. Kita mo to. Kanina galit tas ngayon tatawa tawa. Hinampas ko nga.

"Aray!" reklamo niya sa pagkakahampas ko. Para tuloy kaming close kahit isang araw pa lang kaming nagkakakilala. Nakakaloka, may ganito pala no?

"Hindi naman kasi ako dapat sasayaw kanina. Kaso nga lang kinausap ako at hinatak ng walangyang yun kaya wala akong magawa." Sagot ko sa kanya.

Nakita ko namang dumilim ang aura niya.

"Uy. Sorry na. Ikaw, kilala mo ba yun?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. At wag na nating pag-usapan yun. Wag ka na makikipagsayaw kahit kanino. Gusto ko sakin lang." Sabi niya habang nagdidrive.

Wala sa sariling napatango na lang ako. Pero, teka!

"Gusto mong sayo lang ako makipagsayaw?" Takang tanong ko sa kanya.

Natigilan siya ng kaunti at nabaling ang tingin niya sakin tapos maya maya'y bumalik na rin ang focus niya sa daan.

My Destiny (on hold★)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon