RIZA's POVNaglalakad kami pauwi ni Nove galing sa mall ng hawakan nya ang mukha ko. Malapit lang ang mall sa bahay namin.
"Oy, girl! Okay ka lang? Kanina pa ako nagsasalita dito pero parang hindi mo ako pinapakinggan." Pukaw sa akin ni Nove.
Natulala pala ako. Hindi ako makapaniwala na may ganoon pa pala kagwapo sa Pilipinas. Hindi lang sya gwapo, gentleman din. Binigay nya sakin yong gustong gusto kong teddy bear.
"Grabe girl! Nakita ko ang favorite boyband ko! Salamat talaga Riza at sinama mo ako kanina. For sure, hindi ako makakatulog nito mamayang gabi. Grabe! Ang ga-gwapo nila!" Kinikilig na sabi ni Nove.
"Nove, sinong favorite boyband ba ang tinutukoy mo?" Tanong ko. Malay ko ba sa kanya kung sino ang tinutukoy nyang favorite boyband.
"Hello! Super Junior po ang tinutukoy ko! Oh my, Riza! Dont tell me, hindi mo sila kilala?" Tinignan nya ako na parang di sya makapaniwala sa tanong ko.
"Hindi eh."
Napailing sya. "Sila ang pinakasikat na boyband sa buong mundo kaya nakapagtataka na hindi mo sila kilala. Marami din silang commercials at movies, imposibleng kahit isa sa kanila ay hindi mo kilala."
"Hindi kasi ako mahilig sa showbiz at outdated ako sa mga issues ngayon."
Wala akong idea sa showbiz industry. Ang alam ko lang, mangolekta ng mga cute stuffs. Wala rin akong tv sa bahay dahil wala namang gagamit kapag nasa trabaho ako.
She sighed. "First time na makita ko silang mag-perform ng Sorry, Sorry, nabihag nila ang puso ko. Naging fan nila ako. Yong mga songs nila at vocals ang gaganda. At ang gugwapo pa nila! Magagaling silang performers and most of all, mahal nila ang mga fans nila. Seriously, hindi mo talaga sila kilala?" Baling nya sa akin.
"Hindi talaga eh."
"Halata nga eh. Nasa harapan mo na si Sungmin kanina pero yong reaction mo waley."
Yumuko ako. Kasalanan ko bang hindi ko sila kilala?
Pagdating namin sa bahay ko, nilapag namin ang mga paper bags na dala namin.
"Riza, ang swerte mo talaga dyan sa amo mo. Akalain mo, binigyan ka ng gift cheque para makapag-shopping sa pinakasikat na mall na exclusive lang sa mga artista at kilalang businessman sa bansa. Ikaw na talaga! Buti nalang sinama mo ako. Thank you so much talaga." Sabay yakap nya sa akin.
Binigyan ako ni Miss Jaena ng gift cheque at access para makapagshopping sa mall. Hindi ko naman akalain na ganoon kasikat ang mall na yon.
Habang yakap yakap nya ako, umatras ako para maabot ang bag ko sa mesa at kinuha ang pera na uutangin nya.
"Oh. Eto na." Tinapat ko sa mukha nya.
Nanlalaki ang mga matang kinuha nya ang pera at nagtatalon sa tuwa. "Waaaa! Salamat, Riza! The best ka talaga! May pang-concert na ako! Sige, girl. Uwi na ako. Gumagabi na eh. Thank you ulit! Babayaran ko to. Promise."
Napailing nalang ako sa sinabi nya. Hayyy... Hindi pa rin sya nagbabago.
Pagkaalis ni Nove, inasikaso ko kaagad ang mga pinamili ko.
Every day-off ko, tradition ko na talagang bumili ng mga cute stuffs kahit isang piraso lang. Nagtatabi ako ng konting pera para sa collection ko. Pero dahil sa mabait kong amo, medyo malaki ang maitatabi kong pera ngayon.
Ang sarap ng feeling kapag bumili ka ng isang bagay na gusto mo dahil sa pagsisikap sa trabaho. Nakakawala ng pagod.
SUNGMIN's POV

BINABASA MO ANG
The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]
FanfictionSungmin Lee loves to collect cute stuffs. Lalo na kung may favorite color nya ito, ang color pink. Until he met Riza Gae Ferreras, maid of a famous fashion designer. She's cute and also loves color pink and cute stuffs. Pero paano kapag nalaman ni R...