Her P.O.V
Lumipas ang mga araw na lagi kong kasama si Luin. Oo, lagi. Araw-araw siyang pumupunta dito sa may lawa. Kung ano-ano ang ginagawa namin. Naglalangoy, nagpipicnic, nagkukulitan, naglalaro at kung ano ano pang kalokohan na minsan naman ay nauuwi sa pikunan.
"Oy, Watergirl, ano ba kasi ang pangalan mo?"
Pinitik ko ang noo ni Luin na ngayon ay nakaupo habang nakahalumbaba sa harap ko. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Ilang beses niya nang tinanong yan sakin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sakaniya.
"Oy."
"Oy."
He's poking my cheeks. Kaya ang ginawa ko, kinagat ko yung daliri niya.
"Aray! Huhu, kailan ka pa naging aso? Masakit ha."
"Hindi lang aso ang nangangagat no. Ikaw kasi, ang kulit mo."
"Ako pa sinisi mo. Sabihin mo na lang kasi ang pangalan mo." He said then pouts.
I pinched his cheeks. "Secret nga kasi."
Binitawan ko na yung pisngi niya saka tumakbo sa lawa.
"Tinatakasan mo na naman ako eh. Napakadaya mo talaga." Lumangoy ako pailalim kaya hindi niya ako nasundan. Nagtagal pa ko ng ilang minuto bago umahon.
"Buti umahon ka na." Ani niya habang nakangiti. Napatigil ako sa kinatatayuan ko.
I will miss that smile. Definitely.
Tinabihan ko siya saka nagtanong. "Anong plano mo ngayon?"
"Ha? Plano?"
"Plano mong gawin."
"Ngayong araw ba? Hmm." Tumingala siya saka nag-isip. Kailangan ba talaga na nakatingala?
"Dahil mukhang uulan, tara na lang pumunta sa parke." Tumayo siya at nilahad ang kanang kamay niya. Inabot ko iyon. Akala ko bibitawan na niya ang kamay ko pagkatayo ko pero hinigpitan pa niya ang kapit sa kamay ko.
"Payag ka?" Tanong niya. Tumango na lang ako bilang tugon. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko.
Sabay kaming naglakad palabas. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Wala masyadong dumadaan ngayon sa kalsada.
Malapit na kami sa parke ng biglang bumuhos ang ulan. Tamang tama lang para hindi sila magtaka kung bakit kami basa ni Luin.
Pagkarating sa parke, umupo kami sa bangko. Hindi alintana ang malakas na ulan.
"Ang lamig!" Nanginginig na sabi ni Luin.
"Pano ba yan, kakarating lang natin. Umuwi ka na kaya? Baka magkasakit ka pa."
"De joke lang. Hindi talaga ako nilalamig," he said then smile. Halata naman na nilalamig siya eh.
"Talaga lang ha. Eh bakit ka nanginginig? Tara na nga bumalik." Hinila ko ang kamay ko na hawak niya saka tumayo.
"Oy, tara nang bumalik. Mukha kang magkakasakit." Hinila-hila ko ang kamay ko para tumayo rin siya. Siya naman, hinila niya din ang kamay ko nang malakas kaya muntik na akong masubsob sa kanya. Pakiramdam ko, kinakabahan ako na ewan.
"Ah eh... s-sorry," sabi niya habang nag-iiwas ng tingin. Naka-ayos na ako ng tayo.
"Tara na nga. Ayaw mo pang umuwi diba? Edi tara nang mag-gala." Nginitian ko siya at hinila na siya nang tuluyan patayo. Buti naman at nagpahila na siya.
"Saan tayo ngayon?"
Nagkibit-balikat na lang ako at sinabing, "bahala ka. Ikaw naman ang malimit dito eh."
BINABASA MO ANG
Memories of You
Short StoryA normal Boy who loves a transient Girl. TAG-LISH Fantasy/Short story/Romance THIS BOOK IS RATED PG Date Started: August 13,2017 Completed : April 24, 2018 Authors: -Pia_nicxx -mizzle_mist unedited.