Epilogue

97 11 3
                                    

Epilogue

Luin's point of view

I was about to step forward on the broken part of the fence which is between the lake and the school but I feel like there's something wrong...

So, I run back to her.

Parang bumabagal ang paligid at takbo ko at may bumabagabag sa isip ko na parang may mali talaga...

Sana mali ang iniisip ko. Pagkadating ko sa lugar kung saan kami huling nagkita ni Miuna ay nakita ko siyang papalubog na ng tubig ay naisip ko na magpapahinga na nga siguro siya kaya dahan dahan na akong umalis at hindi ko na pinansin ang naglalaro sa isipan ko.

Gumising ako nang suot-suot ang kwintas na ibinigay sa'kin ni Miuna at naghahanda na ako sa pag-alis ko para pumunta sa trabaho at dinadaanan ko ang lawa araw-araw bago ako dumeretso sa Law Office.

"Mom! I have to go!" I shouted.

Kinuha ko ang susi ng kotse sa bulsa ko at pinaandar na ito. Dalawang taon na ang lumipas nang dumating si Mom pero ngayon ay mag-aapat na taon na akong naghihintay kay Miuna.

Bumaba ako ng sasakyan at dumeretso sa likod ng University.

"Miuna, mag-aapat na taon na kitang hinihintay pero bakit sa panaginip ka lamang nagpakita sa akin at iyon pa ang huli." Ani ko sa kawalan.

Last year ay nagpakita siya sa akin sa panaginip at hinding-hindi ko malilimutan ang mga salitang binitawan niya sa'kin noong ako'y nagpapahinga pagkatapos ng graduation.

"Hi Atty. Luin. Congrats nga pala dahil abogado ka na at patawad kung ngayon lang ako nagpakita at sa panaginip lamang. Sana maging maganda ang mga susunod mo pang mga araw, alam mo bang lagi kitang kinukwento sa pamilya ko? Kung gaano ka kabait sa akin noon, miss na kita at gusto kong malaman mo ito dahil baka ito na ang una at huli kong pagpapakita sa panaginip mo. Sayang dahil hindi ko ito nasabi noon pero buti na lang at naipilit ko sa pinuno namin na makita kita at masabi sa iyo na mahal kita." Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay may tumulong luha mula sa mga nakakaakit niyang mga mata.

Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala man lamang akong nasabi sa kaniya dahil nagising ako noon at nagmadali akong pumunta sa likod ng paaralan at umaasa na nandoon siya pero wala akong nadatnan.

"Oo nga pala may naalala ako, Miuna. Alam mo bang marunong akong lumangoy at noong araw na magpapakamatay ako ay aahon na sana ako pero pinulikat lamang ako at hinayaan ko na lang ang sarili ko na lumubog pero niligtas mo ako, binago mo ang buhay ko. Naisip ko na mahalaga pala talaga ang buhay ng isang tao at hindi dapat ako magpakamatay dahil lamang sa nasasaktan ako. Naisip kong mabuhay dahil may mga taong nagmamahal pa rin sa'kin at isa ka na doon. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako sa pagbalik mo at hinding-hindi ka mawawala sa puso ko."

"At ito isa pa, alam mo nung pumunta tayo sa dagat at hinila mo ako noon? Naisip kong tuluyan na akong magpanggap na takot at hindi ako marunong lumangoy kasi naisip ko no'n na baka bigyan mo ako ng hangin na nangyari nga at itinuturing ko iyon na hinalikan mo ako sa huling pagkakataon."

Umupo ako at pinagmasdan ang karikitan ng kapaligiran.

"Okay, lang naman siguro akong ma-late kahit ngayon lang. Gusto kong makausap ka ngayon ng matagal. Ah, Oo nga pala nung si Mom ay bumalik ay hindi na siya nakakalakad pero nagpapasalamat pa rin ako na buhay siya at nakakasama ko. Naka-attend din siya sa graduation ko at sobrang saya ko noon. Feeling ko din naman na lagi kitang kasama kasi suot-suot ko palagi ang necklace na ibinigay mo sa'kin."

Umayos ako ng upo at pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko, umiiyak ako hindi dahil sa iyakin ako kundi dahil namimiss na kita, Miuna.

"Naalala ko ang sarili ko noong mga araw na wala ka at si Mom, ang wasted ko non at alam mo bang seven units ang naibagsak ko dahil wala ako sa sarili ko palagi pero naisip ko na hindi ka matutuwa kung malaman mo na nagpapabaya na ako kaya naman kinuha ko ulit yung mga units na iyon at nag-aral na ulit ako at nagpursigi para kung sakali na bumalik ka ay may ipagmamalaki ako at ipagsigawan sayo at sa lahat na 'Oy! Miuna! Abogado na ako! At ikaw na lang ang kulang!' Kaya naman ay sana bumalik ka na!" 

Tumayo na ako para mag-ayos para sa pag-alis pero bago iyon ay gusto ko muna ito iparating.

Sana pala ay hindi na muna ako gumising noon at kinausap ko siya ng matagal at masabi ko rin sa kaniya na mahal ko siya.

"Miuna, I'm still waiting..."


The End

--
Dedicated to JParena23 and to all of the readers who read this story. Thank you!!! Don't forget to vote, comment and share!

Pia_Mist

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon