MALALIM na ang gabi ngunit kanina pa pabalik-balik ng lakad si Zeanexah sa loob ng kaniyang silid. Hindi siya mapakali sa kaiisip sa boyfriend niya. Nagpaalam kasi ito sakaniya na mag-iinoman sila kasama ng mga barkada nito pero ano'ng oras na at hindi parin tumatawag o nagtetext ang boyfriend niya kung naka-uwi na ba ito.
Ilang tawag at text na ang ginawa niya pero walang tugon ang boyfriend niya. Ni hindi nga rin sinasagot ang mga tawag. Kaya naman nagdesisyon na siya'ng magbihis at puntahan ito sa bar na palaging pinupuntahan nito.
Baka siguro lasing na ang lalaki'ng yun.
NANG makarating sa bar na palaging pinupuntahan ng boyfriend ay nagmadali siyang bumaba doon at pumasok sa mausok, maingay at amoy alak na bar. Well, pumupunta din naman siya ng bar but mabibilang lang sa daliri kung kailan siya pumupunta at kasama naman niya ang mga kaibigan niya.
Hinanap ng mga mata niya si Joshua--her boyfriend-- pero ni buhok hindi man lang niya nakita.
Napailing-iling na lang siya at naisip na pumunta sa bar island. Medyo napagod siya kaya oorder muna siya ng isang basong vodka.
Habang naka-upo at sinisimsim ang inumin ay nakakarinig siya ng mga mahaharot na landian. Isinawalang bahala na lang niya tutal bar naman ito, normal lang na may naglalandian kahit hindi magkakakilala.
Inilapag niya sa bar island ang ang baso na wala ng laman. Pumihit siya paharap at aksidenteng natuon ang direksyon niya sa dalawang naghaharutan.
Geez, buti na lang hindi kami ganiyang kaharot ni Joshua.
Napailing-iling na lang siya at tinuon ang atensyon sa mga nagsasayawan. Nagbabasakali na makita doon ang kasintahan.
Maya-maya'y narinig niya ang pag-uusap ng dalawang katabi niya.
"Let's get a room, babe?" sabi no'ng lalaki.
"Yes please?" aniya ng babae sa pinakamalanding boses.
Humarap si Zeanexah sa dalawa at nakita niyang naghahalikan ang mga ito. Nakatalikod sakanya ang lalaki at natatakpan nito ang babaeng nakaupo. Mula sa bulto ng lalaki ay mukhang pamilyar ito sakanya.
No, she can't be wrong. She knew that built-bare back. And she didn't hesitate to call who owns that back.
"Joshua?"
And yeah, she's right. The man who owns that back and kissing to that slut-girl is her boyfriend.
Biglang napatingin si Joshua sakanya.
"Nex.."
Parang biglang nabuhusan siya ng malamig na tubig at nanigas sa kinatatayuan niya. Umawang ang labi niya sa gulat at walang kurap na nakatingin sa dalawa.
N-no.. no he can't do this to me..
Unti-unti nagsilaglagan ang butil ng luha niya. Humahakbang siya papalayo sa lalaking nasa harap niya. Ang lalaking mahal na mahal niya at inakalang hindi siya lolokohin. Nilukob ng galit ang puso niya matapos ng nakita.
Si Joshua Montemillo na tatlong taon na niya'ng kasintahan. Masaya sila sa piling ng isa't isa at hindi matawaran ang pagmamahalan. Maraming humanga sa tambalan ng dalawa at sinasabing bagay na bagay sila.
Pero hindi inakala ni Zeanexah na ang perpektong relasyon nila ay magtatapos din pala. Ang inakala niyang matino niyang jowa ay tapat sakanya ay hindi pala. Sinira nito ang masayang pagsasama nila at ngayon ay hindi niya mapapatawad ang katarantaduhang ginawa sakaniya ng kasintahan.
Umiling-iling siya at mabilis na tumakbo papunta sa parking lot kung saan naka-parke ang Audi na sasakyan.
Akmang ipapasok na niya ang susi ay may biglang humugot ng braso niya papaharap. Si Joshua pala na humabol sakanya.
"Nex, I'm sorry. Please, let me explain---" hindi na natapos ni Joshua ang sasabihin ng bigla siyang malutong na sinampal ni Zeanexah.
"Explain?! You don't have to explain anymore, Josh. I saw it! I goddamn saw it already!" sigaw niya habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.
"You didn't keep your promise! You said you will not hurt me! But look what have you've done! You are such a jerk! You're a cheater!" dagdag niya pa at pinaghahampas ang dibdib ng binata.
Laking gulat niya ng hulihin ni Josh ang pulso niya at mahigpit na hinawakan yun. Nang tumingin siya kay Joshua ay bakas na ang panlilisik ng mga mata nito.
"Paano'ng hindi ako mambabae, Zeanexah. I'm a man and I have needs! Hindi mo maibigay sakin ang gusto ko! Fck! Tatlong taon na tayo at tatlong taon ako'ng tigang sayo, Zeanexah!!" pabalik na sigaw niya kay Zeanexah.
Malakas na binaklas ni Zeanexah ang kamay niya at hindi makapaniwalang nakatingin kay Joshua.
Yun lang ba? Yun lang ba ang rason ito kung bakit niloko niya ang babae? Dahil lang hindi maibigay ni Zeanexah ang pagkababae niya dito? Ibig sabihin pala, all this time ay ang katawan lang ni Zeanexah ang hinihintay niya. Na hindi pala niya ito mahal at ang mahal nito ay ang katawan niya lang, tapos ano? Kung ibibigay nga ni Zeanexah ang katawan niya ay iiwan din siya kaagad nito?
"Fuck you!" sigaw ni Zeanexah at nagmamadalig buksan ang sasakyan at pumasok doon. Binuksan niya ang window-shield at hinarap ang lalaking nang-bastardo sakanya. "By the way, we.are.over." then she maneuvered the car away.
She's broken. Her heart torned into pieces. She's mad, she is stress, she's in worst state and she is very sad.
Ano ba ang ginawa niya'ng masama para saktan siya ng ganiyan? Ginawa naman niya ang lahat para maging masaya ang relasyon nila ni Joshua pero wala naman palang saysay. Nagsayang lang siya ng effort dahil niloko rin naman pala siya.
Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Porke't hindi mo lang naibigay ang sarili mo lolokohin ka? Iiwan? Sasaktan? Hindi sa nilalahat pero madalas mga ganyan sila.
Nang makarating siya sa mansion ay nanatili lang siya sa sasakyan niya at doon ibinuhos ang mga inipon na luha. Mga luhang saksi sa kanyang masalimoot na sakit na nararamdaman.
A/N: Patikim pa lang 'to. Ang kyut ko lang-- walang connect. HAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Fixing Her Heart
RomanceShe's been into love but then hurted. She felt so lost and broken. Her heart that once bloomed like a flower suddenly died as if it was burned by a flamable match. She wants to be happy again. She wants to love again. But, is there a man who will lo...