Nicole's POV
Pagkagising ko wala si Rain sa tabi ko. Tinignan ko yung oras. 7:13 AM. Ang aga naman ata niyang gumising ngayon. Medyo nalungkot pa ako na hindi niya manlang ako ginising pag-alis niya.
Bumangon ako dumirecho sa banyo para maghilamos. Lumabas ako ng kwarto after.
"Ahhhh!"
Sobrang napasigaw ako sa gulat ko.
Tumakbo agad si Rain papunta sa akin.
"Bakit? Anong nangyari?!"
Chinecheck niya ako kung may nangyari ba sa katawan ko.
"Babe anong nangyari?"
Tumawa na lang ako bigla. Para kasi akong tanga.
Tinitignan lang ako ni Rain.
"Sorry babe. Nagulat kasi ako sayo. Akala ko umalis ka na"
Bigla niya akong niyakap. Medyo nanginginig siya.
"Rain ok lang?"
"You scared me. Akala ko kung napano ka na"
Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Sorry. Alam mo naman ako, magugulatin"
Hinawakan niya yung kamay ko saka niya ako dinala papuntang kitchen.
"Ang aga mo ata nagising ngayon"
"Bigla akong nagising kanina eh. Hindi na ako makatulog ulit. Kaya naisip ko na lang na ipagluto kita"
Nakaupo lang habang pinapanood ko si Rain na iprepare yung breakfast namin.
"Pupunta pa lang ako ng maaga sa resto ngayon babe. Pupunta daw si Mommy at Max dun eh"
"You should eat na then para makaligo ka na" sabi ni Rain.
"Eh ikaw? Anong gagawin mo today?"
"Pupunta si Ayen mamaya sa apartment. Nagkakaproblema sila ni Sid eh"
Umupo si Rain sa tabi ko at inumpisahan na naming kumain.
"Ok lang ba sila?" tanong ko.
"Mukhang hindi eh. Sa boses pa lang ni Ayen kagabi nung kausap ko siya parang medyo malaki na yung problema. I think they broke up"
Bigla akong nalungkot. Tumigil akong kumain. Hinawakan ko yung kamay ni Rain.
Napatingin siya bigla sa akin.
"Why?"
"We're not gonna end up like them right?"
Hinila ni Rain yung upuan niya papunta sa akin. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
"Look at me" sabi niya.
Agad naman ako tumingin sa kanya.
"Hindi tayo magagaya sa kanila ok? You don't know how long I waited for you. Hindi ko hahayaan na mawawala ka sakin ng ganun ganun lang"
Hindi ko mapigiling kiligin sa sinabi niya. Kitang kita ko kasi sa mata niya na totoo yung sinasabi niya.
"Siguro grabe na yung problema nila Ayen kaya hindi na nila maayos. But promise me Niks, na kahit anong mangyari o kahit na anong problema pag-uusapan nating dalawa"
Bigla akong nakaramdam ng guilt.
"I don't want you keeping things from me. Lalo na kung alam mong makakaapekto sa atin. And siyempre kapag may mga problema ka, you can always talk to me. Don't keep it to yourself ok?"
Nag-smile lang ako at niyakap siya. Hindi ko magawang magsalita dahil ngayon pa lang may tinatago na ako sa kanya.
——————————————————
Pagdating ko ng resto nasa office na si Max.
"Mom is on her way"
Ni hindi man lang niya ako magawang tignan. Busy lang siya sa phone niya.
"Max what happened?"
"What do you mean what happened?"
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya nagkakaganito.
"You know what I'm talking about! Bakit ka biglang nagkakaganyan? Anong problema mo kay Rain?"
Bigla siyang tumayo. Lalabas na dapat siya ng office pero hinarang ko siya.
"Stop avoiding me. Why don't you just talk to me?"
"Mom is gonna be here any minute, Nicole. And you don't want her to see us like this"
Pero ayaw ko pa rin tumigil hanggang hindi niya napapaliwanag sa akin kung bakit bigla na lang niyang gusto makipag hiwalay ako kay Rain.
"Please Max. I'm trying to understand you pero wala eh. Just tell me why! Just tell me something para maintindihan ko"
Medyo naluluha na ako. Ilang araw niya na akong iniiwasan. Wala manlang siyang sinasabi kung bakit. Pero kahit ganun, alam kong may rason siy. It's Max. I know her. Alam kong hindi niya ginagawa to dahil ayaw niya kay Rain. There must be a deeper reason kung bakit.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. At saka niya ako tinignan. I've known Max all my life. Pero never ko pa siyang nakitang ganito. Makikita kong nag-aalala siya para sa akin. Natatakot.
"Makinig ka sa akin. And I want you to listen to me carefully. I love you, Nicole. Ate mo ko, so I will always protect you. And that's what I'm doing right now. So please, makinig ka na lang sa akin. I'm doing this for you"
Nakatingin lang ako kay Max. Ngayon lang siya naging ganito. Ngayon ko lang narinig sa kanya yung mga sinabi niya.
"What's going on?"
Nagulat kami ni Max. Si Mommy.
"Wala Mom. I'm just reminding Nicole about the resto"
Nag-smile na lang ako at lumapit kay Mommy para ikiss siya.
"We need to talk to you" sabi ni Mommy.
Umupo kami ni Max sa sofa. Bigla akong kinabahan. Paano kung sinabi ni Max yung tungkol sa amin ni Rain?
"I already talked to Denise. She will take over the resto for months"
Bigla akong naguluhan.
"Why? What's going on?"
Tinignan ko si Max. Pero wala akong makuhang reaction sa kanya.
"We want you to go with Ethan in Cali. He will continue his rehab for 3 months. So you have to be with him"
Napatayo ako sa sinabi ni Mommy.
"But why me? Max lives in new York. Bakit hindi siya ang kasama ni Ethan. She's closer"
"I have a medical mission in South Africa next month. I can't be with him"
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magalit pero parang akong nanghihina.
"What about you, Mom? Hindi ba ikaw naman ang kasama ni Ethan sa Cali"
"Can you just stop being so selfish and just do this for your brother? Wala ka naman ginagawa dito eh. Denise can take care of the resto. Max and I already talked about this"
Biglang may inabot sa akin si Max. Plane ticket.
"You are leaving in 2 weeks"
Lumapit sa akin si Mommy at hinawakan yung kamay mo.
"Don't disappoint me, Nicole. Ethan needs you. Do this for Mom, ok?"
Hindi ko na nagawang sumagot. Niyakap na lang ako ni Mommy.
"Let's go. We're having lunch with your Dad"
"Sige po" simpleng sagot ko.
Lumabas si Mommy ng office.
"Are you ok?" tanong ni Max.
"You said you wanted to protect me. But you end up hurting me"
At saka ako lumabas ng office.
BINABASA MO ANG
Sweet Disposition
RomanceSequel to She's My Cold Coffee Are you willing to fight for the one you love? How long are you going to understand? Is love gonna be enough?