﹏﹏CHAPTER 12⇜⇜

80 5 5
                                    

Cass

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.....Nakaseatbelt ako?Hindi kaya.........Si Jin ang naglagay ng seatbelt ko?!Oh My Cass!!Parang ganito yung nangyayari sa mga telenovela ah!!!At dahil dito kung ano-anong mga bagay-bagay ang pumasok sa isip ko.....na aaminin ko na pinagigitnaan ng nakakadiri at nakakakilig.

"Get out." Dahil doon sa kung sino man ang nagsabi nun break muna kami ng mga pantasya koat Napansin ko na nakatigil na ang  sasakyan.

"I said get out!" hala ka dodong!!Oo nga!gising na nga ako.Nakita ko na nakasilip si Jin mula sa pintuan ng driver's seat at mukhang bad trip at sure ako  na hindi na ako nananaginip dahil kanina lang sa panaginip ko ay napaka kalma ng tono ng boses niya at darling pa ang tawag sakin ng ugok na nagsitaasan ang balahibo ko nang husto.Mas gusto ko nalang siya na nagsisisigaw kesa ganoon.Mas nakakatakot eh.

"Kalma,sirena pa din si Dyesebel,gumiho pa din si Miho,panget pa din si Bakekang,kabit pa din ni Adrian si Nicole,may sayad pa din si Rhodora,lakwatsera pa din si Dora at higit sa lahat maganda pa din ako!" Minamadali ba naman kasi ako eh.Pero napatingin ako sa kaniya at agad naman ako nitong binigyan ng annoyed look at dahil doon,napagisip-isip kong bumaba na.Teka,may seatbelt pa pala.

"Tanga." napatigil ako sa pagkakalikot ko sa seatbelt na ayaw matanggal at napatingin kung sino ang nagsabi nun....pero sino pa nga ba....wala naman ibang tatawag sa akin ng ganoon eh.Kaso hindi ko naitago ang pagkagulat ko.Nagulat talaga ako as in shock!Bigla ba naman kasing binuksan yung pinto at mukhang tinatanggal niya na yung seatbelt.Ano ba naman toh!ang awkward ng sitwasyon ah...kasi parang nakadantay yung katawan niya sa may legs ko para suporta.Ano ba toh!!!!!

"Kung makatanga ka ah....tas hindi mo din pala matanggal....tsk!" pabulong ko lang sinabi iyon upang mailabas ang nararamdaman ko.Mahirap na kasi kapag kinikimkim ko ang mga nararamdaman ko.Bigla-bigla na lang itong sumasabog sa hindi inaasahang panahon at sitwasyon.

"So tanga din ako?" narinig niya?!sabi ko na nga ba eh...abnormal tong lalakeng toh eh.... pero ok lang mas maganda na din na alam niya.Hindi ko napigilan na matawa dahil sa tono ng pagtatanong parang ang cute na ewan....pero hindi pa din siya tapos sa pagkakalikot ng seatbelt.

"Ah,F*ck!!" Pag ako talaga natuwa gugupitin ko tong seatbelt na toh!Infairness ah...hindi naman sa inaamoy ko....sadyang may ilong lang talaga ako.Ang bango niya ah.

"Ang bigat mo." Mabigat naman talaga siya eh.Feel na feel niya ata akong gawin dantayan eh...kala niya ba siya lang ang nahihirapan?

"W-wait!!!wag po!" nagulat ako nang tumigil muna siya sa pagalis ng seatbelt at bigla niyang inaunbutton yung polo niya at tinakpan ko agad ang mga mata ko.

"Tanga.Naiinitan ako ok?" ahhh...pero kahit na noh!!

"Hoy Jin!una sa lahat,pinapaalala ko lang sayo na wag mangseduce diba?" hindi ko pa din tinatanggal ang pagkatakip ko sa mga mata ko.My virgin eyes!!!!huhuhuhu....

"M-may gusto ka sakin noh?!bakit gusto mong ishow off yang katawan mo sa akin?!" pagpapatuloy ko.Teka,bakit ba ako nauutal ?!

'kaya mo toh Cass....'

"Tanggalin mo yan kamay mo diyan nakakabother!" halatang naiinis na siya sa tono niya.Aba!pake ko ba...pinapaalis niya sa mga mata ko ang kamay ko dahil siguro hindi niya mapakita ang gusto niyang ipakita!

"Hindi!" malakas kong pagtutol sa kanya.Ayoko nga!!!!Hindi ako ready...

'Uy ano ba yan Cass!!bakit ka nangiti?!wag ka ngang ano magisip!'

UndestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon