Chapter 5 - Freya

2.4K 82 2
                                    

Freya David P.O.V

Alas singko na ng madaling araw ako nagising kasi napuyat ako sa kakaisip sa taong ayaw akong patulugin. Edi sino pa ba? Edi si Danreb! Ewan ko ba, hindi ako makatulog kagabi kakaisip sakanya at sa mga kilos niya. Pero I know na baka patibong niya lang 'to, baka sa umpisa lang nanaman yan magaling.

Tumayo na ako at naghanda sa pagpasok sa school. Pagbaba ko ready na ako at kakain nalang then aalis na. Kumain naman ako at kasabay ko si Mang Kanor at ang asawa nitong si Manang Cheska. Sila ang kasabay ko sa pagkain, sa pagtulog at sa lahat ng bagay dahil sila ang tumatayong Mama at Papa ko habang sina Mommy and Daddy ay busy sa work. I understand them naman because they are doing it for me so 'bat pa ako magrereklamo.

"Tapos na po ako." Paalam ko kina Manang at Manong. Tumayo na ako at inilagay sa lababo ang aking pinagkainan.

"Osige hijo, kunin mo na ang gamit mo at tapos na rin po ako. Sa labas na ako maghihintay sa'yo.' Sabi ni Mang Kanor at tumayo na rin kasunod ko lang.

Umakyat na ako sa kwarto at kinuha ko na yung mga gamit ko. 

Habang nasa byahe kami ni Mang Kanor ay bigla niyang binuksan ang radyo ng aming sasakyan. At ang saktong kantang pini-play sa radyo ay isa sa mga favorite ko. (Kung gusto ninyo sabayan at pakinggan ang kanta, ang title is 'Thank you for the broken heart by J Rice. Anyways! Ako lang ang nag ta-type ng lyrics so expect the wrong words and wrong lyrics but I'll give my best to suit and serve you the right lyrics. Thankyou!)

'♪Everything I know about love I learn from you, from you.
And everything I know about pain I learn from you, you.

You were my only,
you were my first,
you show me lonely
and you took me when I was hurt
But the most important thing you ever gave me was the one,
That hurts the most...♪'

Ang sakit sa puso at pakiramdam, na lahat ng alaala at sakit na dinulot niya sakin parang unti-unting nagbabalik. Parang nangyayari ulit lahat. 

Nakakaiyak, nakakapanghina, nakakayamot, nakakalumbay at nakakasira ng katinuan. 

Yan. Yan ang pinagdaraanan ko noong nag mo-move on palang ako at hanggang ngayon ay nasa process parin ako ng moving on. Akala ko okay na ako, akala ko kaya ko na ulit tumayo mula sa pagkakalubog, kala ko makakaya ko na ulit na sumubok, kaso akala ko lang pala yun lahat. Lahat-lahat, akala lang.

'♪So thank you for the broken heart. Oh yeah.
And thank you for the permanent scar. Ohh..
'Cause if it wasn't for you, I might forget
How it feels to let go
How it feels to something a brand new start
So thank you for the broken heart...♪'

Pero sa kabila noon ay thankful parin ako kasi nakilala kita Austin Barbara. Because of you I change for the better and sooner be the best version of myself.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko dahil sa tagal ng panahon, ngayon nalang ulit ako umiyak ng dahil sa bagay na iyon.

Ilang sandali pa ay pinatay ni Manong yung radyo.

"Bakit ninyo pinatay Manong?" Tanong ko habang pupunas ng mga luha saking mukha.

"Alam ko pong umiiyak na kayo dahil nakaka-relate po kayo sa kanta. Ayaw ko naman po kayong umiiyak kaya pinatay ko nalang." Saad ni Manong na nagpagaan ng aking loob ng kaunti.

"Salamat Manong. I love you po." Sabi ko dito at niyakap siya mula sa likod ng upuan habang nag da-drive siya.

"We love you more, hijo. Kami ng Nanay Cheska mo." Sabi nito at tuluyan ng naibsan ang lungkot na nararamdaman ko kasi isa sila sa nagpapaalala na may mga tao paring nagmamahal sakin at kaya akong pahalagahan ng walang inaasahang kapalit at karampatang bayad.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa school ko at nagpaalam na ako at sinabihan siyang mag iingat sa biyahe.

Papasok  pa lang ako ng gate ng campus e, may napansin akong kumpulan ng mga babae at bakla doon sa gilid ng isang building. Halatang kinikilig dahil ang ilan sakanila e humihiyaw at napapatalon pa sa sobrang kilig.

Instead na dadaan ako doon ay iniba ko nalang ang daan, baka maiipit pa ako dyan. Play safe tayo, syempre version 2.0 na yata 'to?  Sabi ko sa isip ko. Natawa nalang din ako sa tumatakbo sa isip ko.

Pero saking paglalakad 'di ko namalayang yung taong pinagguguluhan pala ay nasa aking harapan na at may dalang boquet of flowers and many boxes of chocolates.

Tumingin ako sa kanyang mata na nagtatanong kung ano yan? Para kanino at bakit ka nasa harap ko.

Imbes na sagutin ako ay inabot niya nalang ito, at mabilis na nag hiyawan sa kilig ang mga babae at bakla na nasa paligid namin. Napapalakpak naman yung ibang mga lalakeng nasa malapit lang samin.

Nagtataka man ay tinanggap ko nalang yun baka mapahiya pa 'tong sweet na mokong na 'to, kasalanan ko pa.

"Thankyou!" tipid na sabi ko dito at sabay ngiti na napakatamis upang ipakita ang aking pagpapasalamat.

"Your always welcome, babe." Saad nito sabay kindat at tumalikod na para umalis.

Nakatingin parin sakin ang ilan, ang ilan ay nagbubulungan ng mga bagay na 'di ko man lang marinig at ang ilan ay nagvivideo o kumukuha ng litrato.

Aalis na sana ako ng biglang may sumigaw na babae, boses ng babaeng familiar sakin.

"Okay! Okay! Tapos na ang show, balik na sa kanya-kanyang business may klase pa kayo." Sigaw nito habang marahang tinutulak papalayo ang mga taong nakapaligid sakin.

Tumawa nalang ako sa kanyang ginawa at nagulat nalang ako ng gayarin ako paalis sa kinatatayuan ko ni... Danreb.

To be continue...

~~~

A/N: Ayan! Ang sakit na ng kamay ko at inaantok na pero tinapos ko nalang para may maipublish lang. Osya! Don't forget to vote and comment your thoughts. Si Freya David yung nasa media. How cute! Sheyt. Sige see you sa next chapter!

-Nasy.

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon