CHAPTER FOUR
I WOKE up today, and my ribs felt bruised because of thinking so hard about you. Do you really love your fia ncé? Do you love everything about him? How he struggles forzzxxzz breath after a long hike? How he tried to endear himself to you with his silly smile when you discovered that he was cheating on the board game. How he looked at you with pride after you tried to pacify a disgruntled elderly woman at the drugstore counter who couldn't get the cashier to honor her senior citizen's ID.
I wish I were in his position. 'Cause I know I'd love every minute detail about you... your smirk or your smile, your pout or your prayers, your slip-ups or your wit... I can go on and on and know I won't tire of counting or being fascinated by the million things that make you, you.
Pakiramdam ni Grace ay bigla siyang na-in love hindi dahil sa sender kundi sa mga salitang nabasa niya sa dalawang magkasunod na text message na natanggap niya. Noon lang may nag-text sa kanya ng ganoong mensahe. It was overly romantic.
Kahit si Ed ay hindi pa siya nasulatan nang ganoon ka-sweet. Tuloy, parang ngayon pa lang niya na-realize na may ganoong aspeto pala ang romance sa dalawang taong nagmamahalan. Na hindi lpang feelings ang sangkot kundi pati na ang mood at nuances ng bawat kilos na binanggit sa dalawang text messages.
Parang ang nag-text o sumulat niyon ay isang modern-day Elizabeth Barret-Browning na i-p-in-attern ang mensahe sa Sonnets From The Portuguese. Kaya lang, sigurado siya na lalaki ang sumulat ng mensahe.
Clueless siya kung sino ang nagpadala ng dalawang text messages na iyon sa kanya. Hindi nakarehistro sa contacts sa cell phone niya ang numero. Para sa kanya nga kaya iyon? Imposible naman yatang hindi. Dahil binanggit pa ng sender ang isang detalye tungkol sa kanya--ang pagkakaroon niya ng fiancé.
Paglabas niya ng silid ay hinanap agad niya si Chang para tanungin. Kay aga-aga ay kinukutkot nito ang mga kuko sa paa. "May pinagbigyan ka na naman ba ng cell phone number ko?" sita niya rito.
Pasimangot na sinulyapan siya nito. "Wala, 'no! Wala naman nang lalaking nagkakainteres sa iyo ngayon. Alam na kasi nila na may fiancé ka na."
"Eh, bakit may naligaw na text message sa cell phone ko na hindi ko alam kung kaninong number pero parang kilala ako?"
"Bah, baka hindi mo lang ma-recall kung sino-sino ang mga binigyan mo ng number mo."
"Wala akong pinagbibigyan at lalong hindi 'yon gagawin ng friends ko."
"Hay, naku. Malay mo naman, sina Mama at Papa ang namigay ng cell phone number mo. Alam mo naman, ayaw pa rin nila na magpakasal ka sa Ed Sanders na 'yon. Siyempre, mas gusto nila na sa isang pinoy ka magpakasal."
Napapailing na iniwan na lang niya ito. Alam niya na kahit tutol ang mga magulang na magpakasal siya kay Ed ay hindi gagawin iyon ng mga ito. Nagsimula na siyang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Nang palabas na siya ng bahay ay tinawag siya ni Chang.
"May pumunta nga pala rito kahapon. Hinahanap ka. 'Ovi' daw pangalan niya. Hindi naman sinabi kung ano ang gusto niyang ipasabi sa iyo. Personal daw kasi. Hindi naman ako naniniwalang bagong boyfriend mo siya kasi hindi niya alam ang number mo at hindi ka naman mahilig sa mga gorgeous-looking hunk kundi do'n sa mga chubby-lino tulad ni Ed Sanders."
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Ibinigay mo sa taong iyon ang number ko?"
"Hindi nga. Ang kulit. Landline number natin ang ibinigay ko. Sabi niya, tatawag siya sa iyo kagabi. Pero hindi naman. Baka hindi na siya interesado sa beauty mo."Hindi niya pansin ang joke nito. "Wala akong kilalang Ovi. Ano kaya ang kailangan niya sa akin? Ano ba'ng hitsura niya?"
Pinatirik nito ang mga mata. "Hindi ka yata nakinig sa sinabi ko."