The Adventure Of Banana Siblings

181 6 13
                                    

Patnubay at gabay ng magulang ang kinakailangan. 

-

Simula:

Hershey the Banana's Point Of View:

"Kuya kulot! Twinnie!" tawag ko sa kulot kong kuya na kasalukuyang nanonood ng tv at sa isa ko pang kapatid na tawag ko ay Twinnie. Like a boss si kuya, nakadekwatro pa tapos nakapatong sa lamesa. Isusumbong ko yan kay mommy mamaya! 

Habang si twinnie naman ay gorgeously sitting sa banana coach habang sumisipsip sa avocado shake.

Tumingin silang dalawa sakin at si kuya ay nagtaas kilay, "Anong problema mo bebe shey? Wala akong saging dito," sabi niya habang kinakapkap ang bulsa niya. 

Inirapan ko siya at agad na binato ng vase. Buti naman nasalo niya. Mamaya mapagalitan pa ako ni mommy eh. 

"Napakabasagulera mo talaga bebe Shey," naiiling na sabi ni kuya.

"Twinnie?" Tanong ko naman kay Kamille. Ngumiti lang ito at umiling. 

"I need bananas!" Bagot na bulyaw ko sabay dabog na naglakad papunta sa kwarto ko at pumasok doon.

Nang makarating ako sa banana bed ay agad kong kinuha ang Iphone kong tatak ay banana. Di yan china phone, kala niyo dyan?

Tiningnan ko isa-isa ang messages kaso...

"Boring. Puro GM ni bh0usxz L0ckh4! Kainis. Bakit pa ba ako pinadadaanan nun? Eh puro naman tungkol sa walang kwenta niyang lovelife pinaguusapan!" 

Pumunta na lang ako sa cabinet kong pabanana ang design. 

"Hmmn, ano kayang susuotin ko for today?" Tanong ko sa sarili kong umaasang sasagot. 

"Meow..." 

"Huh?" 

Napatingin ako sa buong kwarto ko. Sa pagkakatanda ko, wala naman akong pusa ah? Kumurap kurap muna ako ilang beses bago makitang may nakatayong  dilaw na pusa nga sa harap ng pintuan.

Lumapit ako sa pusa onti-onti at lumuhod nang konti na lang ang distansya namin. Pinanliitan ko 'to ng mata. 

"Pikachu? Is that you?" Tanong ko sa pusa. Hindi ako animal lover pero kapag ganitong may lilitaw na pusa biglaan ay isang himala para sakin. Hindi talaga kami nagpapapasok ng mga hayop sa bahay, no. 

No animals allowed, fruits and human only, PLEASE. Nakaukit pa yan sa bahay namin para magsilbing babala tapos may ganitong pusang basta basta lang nakapasok lalong lalo na't sa kwarto ko pa? Nasaan ang hustisya? 

Sa halip na sumagot ito ay tumakbo ito papunta sa cabinet ko at pumasok sa loob. Agad akong napatayo at napakamot ng batok. Lumapit ako sa cabinet at itinabi ang mga damit na nakahanger.

"Bwisit kang pikachu ka. Lumabas ka nga dito! Pagkinalmot mo mga damit ko, patay ka sakin! Siopao ka ng wala sa oras." 

Nang di ko talaga siya mahanap, pumasok na ako sa cabinet at nagsimulang mangapngap ng sahig ng cabinet.

"Meow!" Ungol ni Pikachu nang parang nahawakan ko ang buntot niya. Sinundan ko lang ang tunog ng yabag niya ng pagapang.

"Ang lawak pala ng cabinet ko..." Bulong ko sa sarili. 

Maya-maya lang ay may nakita akong liwanag hanggang sa...

"Nasaan ako?!"

Ibang iba ang paligid sa kinaroroonan ko. Madaming punong saging sa paligid at napakalinis ng simoy ng hangin dito. Wala ring kalsada dahil puro bulaklak at dahon ang lapag. Madami ring paru-paro at ibon na lumilipad.

Sinampal ko ang sarili ko nang dalawang palad. 

"Kalokohan. Barbie world ba 'to? Chronicles of Narnia ang peg? Sagutin niyo ako! Pa-paano ako napunta dito?!" 

Napatingin ako sa parang kweba na cabinet ko na pinanggalingan ko. Agad akong tumakbo pabalik kaso parang may nakaharang na invisible barrier dito. 

"Pakawalan niyo ako!" 

Kinapkap ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nang maramdamang nandun nga, kinuha ko. 

"Buti may signal pa dito." 

Agad kong binuksan ang data network para mag free fb thanks to Globe and TM. 

Nagpost ako ng status. 

Hershey Bans:

Help me. :(

At click! 

Posted.

-----------

AN:

Eto muna. XD

Oy kuya dedicated to sayo! Di ko alam gagawin dito. Heeelp! XD

The Adventure Of Banana SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon