Pamagat: Strawberry Addict
((Mei Randa))
Pagpasok ko sa school ay lahat sila nakatingin sakin, ni hindi ko alam kung bakit pero mamaya ko nalang tatanungin si Miss W. kung anung meron, pumasok ako sa room at nakakagtaka kase bigla silang tumahimik na akala mo nakakita ng multo. Alam kong pangit ang inasal ko kahapon pero mukhang mukha ko na nga kanina.
They dont have make thing complicated for me, I hate their reactions especially, whats running in their minds and those stares that intimidates the hell out of me.
"WHAT?!"
Out of the blue I found myself asking them What?! Its so annoying. Inisnaban ko sila at umupo sa gilid sa tabi ng mga walis sa likod, bakit sanay ba kayo na tumatabi ang bida sa gilid ng bintana tapos sa kabila ay yung ka-loveteam nila o yung friend nila? Sorry kayo kase di ako gaya nila obvious naman.
"Grabe ang tapang niya girl!"
"Talaga?"
"Oo sinagot niya ang dean ng PABALANG."
"talaga ba?! Bitch pala siya."
"Dont worry dahil lang naman yun sa ayaw niyang maging representative."
"Bakit ba kase di nalang siya pagbigyan?"
"Di ko nga ren alam pero tiklop ang dean kaya dinaan sa scholarship."
"Sabagay, bilib ako sa kanya..."
Yung feeling na magbubulungan sila sa harap ko tapos maririndi ako! Sa inis ko, padabog kong nilapag ang mga kamay ko sa mesa ko at tumayo, saktong pagtayo ko ay pumasok ang first period teacher sa physics, tinignan niya ako pero di ko siya pinansin. Dinampot ko ang bag ko at nilampasan siya.
"Where are you going? We'll start our lesson now."
Nakita ko na siyang nakaupo sa harap at handa ng mag-attendance, habang ako ay nasa pinto at nakatalikod, humarap ako sa kanya at nakita kong nakatingin sila lahat sakin, I hate their attention! Tumingin ako sa teacher ko at sinagot. Pabalang kung pabalang pero ayoko magtagal sa loob.
"Tatae! Sama ka Maam? Makakapag-antay naman ang lessons niyo eh yung sakin hindi."
Pagkasabi ko nun gusto ko ng lamunin ako ng pader, kala niyo lupa noh?! Common na yun. Lumabas ako at pumunta sa soccer field sa labas, gusto kong magpahangin.
((Airron Primitevo))
Ilang araw nalang mababawasan nanaman kami sa bahay, wala ng maaasar, si Sebastian (Walter) naman kase may sariling mundo, tapos si Sky (Heat) pamenopause lagi baka masuntok ang pogi kong mukha, si Kaizylle (Kianna) pwede pero wala akong maisip na pang asar sa kanya. Masyado kase akong pogi para isipin yun.
"Huy Evo! Anu nasa utak mo?!"
Napalingon naman ako sa katabi kong si George (Ethan) dahil may tinanong siya sakin, teka! Tinatanong pa ba yun!
"Syempre nag iisip ako ng paraan para naman maibahagi ko sa inyo ang kagwapuhan ko, ewan ko ba sa inyo kung saan kayo engkantong ipinaglihi ni Ina at di kayo nabahagian ng kagwapuhan ko. Nai-stress tuloy ako sa inyo."
Si George ay binatukan ako, tama naman ah, keganda-ganda kong lalaki binabatukan ako, siguro kase may lihim na pagkairita siya doon kase tama ako, kita niyo na! Henyo talaga ako! Walang makakatalo sakin dahil henyo talaga ako.
"Kaizylle, takpan mo ang tenga mo at masamang makarinig ng mga kasinungalingan dahil kay Primitevo."
Rinig kong pakiusap ni Seb kay Kaizylle. Napasimangot ako inggit lang talaga sila sakin dahil sa henyo na gwapo pa ako.
BINABASA MO ANG
Fairytale?! hindi totoo yun!
Teen FictionMei Randa hates some people on her life, lets say their whole kingdom and her family. Okay lahat lahat. Pero soon after she meet the princes, will she be able to understand their true meaning? Isang babaeng parang sinumpang dragon na isang prinsipe...