Kabanata 7

9 2 0
                                    

Pamagat: Patay!!!

((Mei Randa))

Hapon ng magising ako at nakita ko si Jane na pumasok ng kwarto at mukhang sobrang saya. Ng tinanung ko siya, kung anung meron ang sabi niya, dumating daw ang hari at reyna. Gusto ko man iwasan ang kahit anu tungkol sa kanila, ay di ko magawa kase gusto kong malaman ang tungkol sa mga okasyon na pupuntahan ko.

Nagtanung ako sa kanya pero di niya ako sinagot binigyan lang niya ako ng libro. Ang title ng libro ay Oxford. Sabi niya sakin.

"Pinabibigay yan ni Ms. Cadalin, remember part siya ng Oxford clan kase nakatatandang kapatid siya ng reyna. At bawat isa sa kanila ay may librong ganyan, basahin mo daw at be thankful kase di pa niya yan nababasa, meaning ikaw palang ang makakabasa niyan. Swerte mo! Nakalagay kase jan ang mga naganap sa kanila simula ng unang mamuno ang Oxford Clan."

Nagtaka ako nun syempre. Kase napakamysterious ng libro dahil bawat isa lang sa kanila ang mayroon nito. Na kasalukuyang binabasa ko, I even skipped dinner para lang dito kaya it must be a worth to read kundi baka lalo lang akong mainis sa kanila.

I skipped the introduction of the book at hinanap ang Welcome ceremony para sa mga prinsipe pagdating ng 18th birthday. Suppose to be ay 21st dapat yun pero ginawa nila ng pareho sa debut ng mga babae.

"Ang sabi dito, ang Welcome ceremony ay idinaraos sa ikalabing-walong kaarawan ng mga prinsipe ng Welderia at ito ay ginaganap sa loob ng palasyo. Sa panahong ito, makikilala na ang prinsipe sa buong kaharian at maihanda sa susunod na okasyon."

"Nasa tamang edad na ito at maari nang makahanap ng mapapangasawa pagkalipas ng dalawang buwan. Minsan ito ay inaabot ng dalawa hanggang pitong buwan bago magdeklara ng susunod na okasyon."

Ibig sabihin matatagalan talaga ako dito! Grabe. Paano kung walang balak mag-asawa yun?! Tss...

"Kung hindi man makahanap ang prinsipe bago ang kaarawan ng susunod na prinsipe ay kusang magkakaroon ng plucking of the Maiden kahit walang pahintulot. Ang mga kabilang sa Welcome ceremony ay kailangan ring pumunta sa plucking of the maidens."

"Tulad ng mga Lady, duke, duchess, mga taga Wiltinas, at mga representative ng bawat probinsya sa bansang Welderia."

So ganun pala yun. Kasama sa tradisyon...

Sunod kong hinanap ang Plucking of the Maidens. Nang mahanap ko ay binasa ko siya at ang sabi ay...

"Ang plucking of the maidens ay ang isa sa pinaka-inaabangang okasyon matapos ipakilala ang prinsipe, dahil dito magaganap ang paghahanap ng crown princess. Sa madaling salita, ito ay isa sa pinakasikat na patimpalak pero iilan lamang ang tanging makanonood. At yun ay ang mga Lady, Duke, Duchess, at representatives galing sa ibat ibang probinsya sa bansang Welderia."

"Dito ay sasabak sa mga pagsubok ang mga dilag na napili ng prinsipe. Sa nasabing patimpalak ay dalawa lang ang maaaring magpasimula, ang hari at mismong prinsipe. Sa madaling salita, magaganap lang ito kung kailan nila ipapahintulot."

"Ang prinsipe ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sampung dilag na siyang sasabak sa pinakaunang pagsubok. At lima lamang ang matitira sa susunod na pagsubok na kung saan dalawa nalang ang matitira at isa sa kanila lang ang maaaring tanghaling crown princess."

"Ang mga di naman pinalad na dilag sa sampu ay magiging tagapagsilbi ng palasyo habang buhay at di na maaaring makapangasawa pa."

Abat! Napakasama naman! Lintek na yan! Kawawa naman yung mga babaeng yun! Hayss grabe!

Sinara ko ang libro at humiga sa kama. Nakakatakot, paano kung mangyari yun sa kakilala ko. Diba't napakalupit naman nun. As I thought of it, I drifted to sleep.

Fairytale?! hindi totoo yun!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon