Pamagat: Transferee Duo
((Kianna Kaizylle))
Nagtataka ako sa kuya ko habang nagmamaneho siya ng kotse, paano ngingiti tapos kukunot ang noo pero iiling nalang tapos naririnig kong magpigil ng tawa at biglang sisimangot sabay seryoso ang mukha.
Diba? Sinong di mababahala, baka mamaya nababaliw na pala ang kapatid ko.
"What?!" Iritang tanong nito sakin, nahuli niya pala akong natingin sa kanya.
"Wala kuya." Sagot ko at humarap sa daanan. Nakakaboring naman buti bukas may pasok na lunes kase eh.
((Heat Sky))
Dinampot ko ang librong tumama sakin na binato nung babaeng baliw, ayos lang naman sakin ang pagabala niya pero nagtaka ako kung bakit meron siya ng librong pinakaiingatan ng angkan namin? Na tanging kadugo lang namin ang meron, kamag-anak ko ba siya? Pero bakit di niya ako kilala?
Napapailing nalang ako at ewan parang may something sa babaeng yun at naiirita ako pag naiisip yun.
She's beautiful, no doubt.
Umiling ako at napasimangot, pero baliw siya, sayang... wait the fuck?! Pero naalala ko kanina ang paghingi niya ng sorry sakin ang cute niya kase at parang nagdadalawang isip. Parang natatawa tuloy ako pero nagseryoso ren ako kase paano nga kaya siya nagkaroon ng gantong libro?
"What?" I asked Kaizylle, she's looking at me as if Im the one whose crazy! The heck is their problem?
"Wala kuya." Sagot nito kaya nagpatuloy nalang ako sa pagmamaneho. Dont think of that crazy girl Sky. She's just a nobody.
((Mei Randa))
"Mei! Calm down, mahahanap mo rin yun, dont worry. Chaka! Pumirmi ka nga! Gulong ka ng gulong jan sa kama."
Nahinto ako sa pag-gulong higaan, namromroblema kase talaga ako dun sa libro. Lagot ako nito! Im doomed!
"Baka mamaya epa-execute nila ako, huhu ayoko pa mamatay! Lalo na ang pugot na ulo!" Humiga ako ng maayos at nagtalukbong nalang. Mukhang tama nga ang lalaking yun.
I dont really belong here. Im just a crazy girl.
With that I drifted to sleep...
((Jane))
MORNING
Maaga kaming nagising dahil 7 am ang start ng klase. Syempre naghanda na kami sa pagpasok, sibilyan kami dahil walang uniform ang Academy na yun. Nasa byahe na nga kami ngayon papunta sa University of Welderia. Karamihan kase ng mga mag-aaral mula high school at college ay dito pumapasok, dahil maganda ang kalidad ng edukasyon.
Ng makarating kami, inilahad namin sa guard ang papel na sabi ni Ms. Cadalin ay ibigay sa guard ng school at ginayd kami papunta sa Dean's Office. Saglit lang kami na nag-stay doon dahil binilin ang samin ang rules at regulations ng University.
Pumasok kami sa unang subject namin at tahimik na umupo, buti di kami agaw pansin. At nag-aalala ako kay Mei. Pinakiusapan ko rin si Ms. Cadalin na Aronda ang gamitin niyang surname rito para maiwasan ang bullying. Kaya pumayag ito.
Mei Randa A. Aronda pwede na diba? Ang initial niya ay A pa ren pero iba na ang meaning para di nila mahalata. Maya maya pa ay may naglapag ng bag sa mesa ko kaya napatingin ako sa lalaki, ang pogi.
"Move." Tipid na utos niya, ang lakas ng dating niya maging ang mga kaklase ay nakatingin samin. Tumayo ako agad at balak ng lumipat ng hawakan ni Mei ang kamay ko. Oh no not now, calm down Mei!
BINABASA MO ANG
Fairytale?! hindi totoo yun!
Roman pour AdolescentsMei Randa hates some people on her life, lets say their whole kingdom and her family. Okay lahat lahat. Pero soon after she meet the princes, will she be able to understand their true meaning? Isang babaeng parang sinumpang dragon na isang prinsipe...